MAUREEN's POV
Tumingin ako sa direksyon ni Nadine at taka ko itong tinignan dahil mayroon itong isang malawak na ngiti sa kanyang labi tila ba sobrang saya niya sa kanyang mga naririnig.
"Please proceed in front of the students and reveal your identity, the daughter of the owner of the university, Ms. Nadine Monteverde." Tumayo si Nadine sa aking tabi ng nakataas ang kanyang noo at agad na lumakad pababa ng bleacher para pumunta sa gitna ng court kung nasaan ang babaeng speaker ng orientation namin.
Bumaling ako ng tingin kay Kenji at pinanliitan ito ng mata. Napansin niya namang nakatingin ako sa kanya at pagkuwa'y hilaw na ngumiti sa akin.
"You knew this all along, right?" Tumango ito sa aking tanong kaya't inirapan ko ito.
"Magpaliwanag kayong dalawa sa akin mamaya ni ate Nads. I'm freaking confused." Binaling ko ang tingin ko kay ate Nadine na nasa aming harapan.
"B-but Maureen, she's the one who need to explain here not me!" Hindi ko siya pinansin at nakinig nalang sa sinasabi ni ate Nadine.
"Good afternoon guys! I am Nadine Monteverde, the daughter of the owner of our university. I'm glad that you passed your final exam. I'm sure that you will enjoy your stay here, especially for those students who has experienced already in the underground fight. Welcome to the University of Exitiale Monteverde. See you on the hallway, Exitialeans." Matapos nitong magsalita ay may nagsipalakpakang mga estudyante sa aking harapan.
(A/N: Exitialeans - Egzishalians.
Arte diba? Sinearch ko pa yan sa google to know how to pronounce exitial. Hmpk!)Unti-unting dumami ang palakpakan ng mga estudyante at pagkuwa'y lahat ay pumalakpak na at huminto din paglaon ng oras.
"Hoy ate Nads! Napaka daya mo. Hindi mo man lang sinabi sa akin na si Tito Felix ang may ari ng university." Nakangusong sabi ko kay Ate Nadine matapos nitong makabalik sa aming pwesto galing sa court ng gym para magsalita.
"Dahil hindi ko naman kailangan sabihin lahat sayo ang tungkol sa pamilya ko." Masungit na saad nito sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at inismiran.
"Sorry ha? Akala ko kasi walang taguan ng sikreto." Napapahiyang sabi ko sakanya.
Narinig ako ang pagtawa niya na puno ng sarkastiko at tumingin ng mapang asar sa akin.
"We're best friend. Yes! But that doesn't mean na sasabihin ko na agad sayo lahat ng sikreto ko." Tumingin ako sa kanya at nginisian siya.
"That's not a secret ate Nads. Paano magiging sikreto yon kung eventually, ilalabas mo din ang totoo? You're becoming stupid ate ha." Mapang uyam na sabi ko sakanya. Pinanliitan ako nito ng mata at pagkuwa'y nginisian din.
"I'm not becoming stupid Maureen. You! You're the one who's becoming a stupid between us three." Tumawa ako sa kanyang sinabi at mapang asar itong tinignan.
"What's with the sudden change of personality, ate Nadine? What's with the sudden change of treatment? And, are you spilling your own tea? How can I become stupid between me, you, and Kenji?" Sunod sunod na tanong ko sakanya habang may ngisi sa aking labi.
I see how she composed herself back to her pathological lying and change her facial expression to hide her real attitude and feelings towards me.
BINABASA MO ANG
Breathe (ONGOING)
Action"Never settle for being someone's option when you have the potential to be someone's ONLY." -Unknown Date Started: May 25, 2020 Date Finished: