Third Person's POV
Nang makarating sila Gideon, Maureen at Igie sa kanilang destinasyon ay agad namang nagsi pasukan ito sa loob ng bahay at tumungo ng sala para magpahinga.
Bumuntong hininga muna si Gideon bago basagin ang katahimikan sa kanilang pagpapahinga.
"Anong gusto niyong ipaluto kay Manang Jennifer? Para makakain tayo agad pagkatapos nating magbihis." Tanong ni Gideon kay Maureen at Igie.
"Anything will do. Pagod kaming dalawa ni Igie kaya for sure kahit anong pagkain, kakainin din niya 'yon." Sagot ni Maureen habang nakasandal sa sofa at nakapikit katabi si Igie.
"Anong anything will do teh? Wag mo kaming ma ingles ingles. Maarte ako, gusto ko ng kare kare." Taas noong tutol ni Igie sa sagot ni Maureen kay Gideon.
Bumuntong hininga nalang si Maureen at muling pumikit.
"Ayun lang ba yung gusto mong ipaluto? Baka may gusto ka pa?" Sunod sunod na tanong dito ni Gideon.
"Sabihin mo na saakin ngayon bago ko pa man tawagin si Aling Jennifer para magpaluto." Balak sanang buyuhin ulit ni Gideon si Igie kaso nagbago ang isip nito dahil sa pagod na nararamdaman.
Agad namang nag isip si Igie na maaaring mas makapag pabusog sakanya ngayong gabi sa hapag kainan.
Sa kasamaang palad, dala ng pagod ay hindi na ito nakapag isip ng ibang putahe at umiling nalang kay Gideon.
Tumango nalang si Gideon dito at tinawag si Aling Jennifer.
"Aling Jen!" Pagtawag ni Gideon.
Agad namang may pumuntang babae na nakabihis pang kasambahay at yumuko sa harapan ni Gideon.
"Bakit po Sir Gideon?" Pagtatanong nito habang nakangiti.
"Palutuan naman kami ng kare-kare, yung sakto lang saaming tatlo." Panimula ni Gideon.
"Isang adobong baboy na din para sainyo. Samahan niyo ho kaming kumain sa hapag kainan mamaya." Pagsagot naman nito sa Punong Kasambahay na si Jennifer.
"Masusunod po." Tumungo ito at naglakad na papuntang kusina.
"Stacy, pakihanda ang guest room para kay Igie. Yung dati niyang ginagamit kung saan may mga gamit siyang naiwan." Pag tawag naman ni Gideon sa isa pang kasambahay.
Tumungo din ito at pinasunod na si Igie kay Stacy.
Naging kaugalian na nina Gideon at Maureen na pasabayin sa hapag kainan kumain ang kanilang mga kasambahay.
Mayaman man sila ay hindi nila nakakalimutan tumanaw ng utang na loob at maging mabait sa kapwa.
"Bumaba ka ng 8PM para kumain. May importante din akong sasabihin sainyong dalawa, lalo na sayo." Sabi ni Gideon kay Igie bago pa man ito makalampas sa kinatatayuan ni Gideon.
Nginisian nalang ito ni Igie at sinundan na si Stacy.
"I thought you are smarter than Maureen. Tch!" Sabi ni Igie sakanyang isipan habang nakatalikod sa kinaroroonan ni Gideon.
BINABASA MO ANG
Breathe (ONGOING)
Action"Never settle for being someone's option when you have the potential to be someone's ONLY." -Unknown Date Started: May 25, 2020 Date Finished: