Chapter 21

46 8 0
                                    

Maureen's POV










Makalipas ang isang linggong pagkaka confine sa loob ng hospital ay agad din naman akong na-discharge.

Ngayon ay pauwi na ako sa aming bahay kasama si Kenji sa iisang kotse. Hindi na kami nasundo ni Kuya Gon dahil sobrang dami daw ng ginagawa nila ngayong araw sa university.

"Marseh final exam na natin bukas sa university. Kasabayan natin sila Gideon kaya hindi niya tayo nasundo ngayon." Pang babasag ni Igie sa katahimikan. Nanlalaking mata naman na napatingin ako dito.

"Anong sabi mo!? Bakit hindi mo ako sinabihan sa hospital para naman makapag review ako kahit papaano habang naka hilata doon!" Histerikal na sigaw ko dito.

"Kumalma ka muna puwede?" Sabi niya sa akin habang nakatakip ang dalawang kamay sa kanyang tenga.

"Ang sabi kasi ni Gavin, iwasan ko daw na stress-in ka habang naka confine ka pa para ma-lessen daw ang pagsakit at pagkirot ng ulo mo." Tinaasan ko ito ng kilay dahil sa paliwanag nito.

"Eh ano 'tong ginagawa mo sa akin ngayon? Pang s-stress diba? Naalog ata ang utak mo sa pag aalaga sa akin." Tumawa naman ito ng sarkastiko at taas noong tumitig sa akin.

"Baka ikaw ang naalog ang utak habang naka confine. Ang sabi ko bawal kang stress-in habang naka confine ka pa." Inismiran ko naman ito at tumingin sa labas ng bintana ng kotse sa tabi ko.

"So puwede mo na ako stess-in ngayon dahil naka discharge na ako?" Tumingin ako dito pagkatapos ko itong tanungin.

"TUMPAK MAUREEN MALLORY CUSTODIO! TUMPAK." Madiing sabi nito sa akin sabay irap.

"Eh paano naman 'yon? Ang dami kong hindi na take na quiz at seatworks, isama mo pa yung PETA natin each subject. Sa tingin mo ba papasa pa ako? Hindi na ako mag e-exam!" Nawawalang pag asa na saad ko dito at pagkuwa'y binatukan niya ako ng hindi kalakasan kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ako yata ang anak ng Head of Disciplinary Office ng university nating walang pangalan. I can do anything I want there. Don't you trust me Marseh?" Pinangunutan ko siya ng noo habang siya naman ay nakangisi.

"Don't tell me ginamitan mo ng dahas yung mga classmate natin each subject?" Tanong ko dito. Tumawa naman siya sa tanong ko at taas noong tumingin sa akin.

"Of course Marseh! I am Kenji Zywn Tan, the son of Head Disciplinarian of our school. I can do anything at my will." Nanlalaking mata namang tinignan ko ito at pagkuwa'y hinampas siya sa kanyang braso.

Tawa lang siya ng tawa habang hinahampas ko siya sa kanyang braso kaya naman ng mapagod ako ay sumandal nalang ako at nag buntong hininga.

Nahulog ako sa malalim na kaisipan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi sa amin ang pangalan ng university.

Bawal ba malaman? Kung itago nila sa amin yung pangalan ng university parang sobrang forbidden ito sa mga estudyante! Hmpk,

"It's kinda weird dahil matatapos na ang freshie days natin pero hindi pa rin natin alam yung name ng University na pinapasukan natin." Napatingin naman ito sa akin at binigyan ako ng mapag larong ngisi.

"May alam ka no?" Mapanuring tanong ko sa kanya.

"Malapit mo na malaman kaya maghinay hinay ka na. After ng exam natin, ililipat na tayo sa main campus ng university." Pumangalumbaba naman ako sa harapan niya.

Breathe (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon