Chapter 20

23 8 0
                                    

Maureen's POV







Ilang beses ko ng tinawag ang pangalan ni Igie sa harap ko ngunit hindi pa rin ako nito pinapansin at nakanganga lang na nakatingin sa akin.

Pinag ti-tripan nanaman ba ako nitong baklang 'to? Tsk!

"Pag naka isa pa akong banggit sa pangalan mo sasabihin ko talaga kay Kuya Gideon yung sikreto mo!" Malakas na sigaw ko dito.

Napalitan naman ng nahihintakutang ekspresyon ang mukha niya sabay busangot sa aking harapan.

"Alam mo? Napaka daya mo talaga! Sobrang dami mong pang blackmail sa akin samantalang ako kakaunti na lang tapos karamihan nagamit ko na sa'yo. UNFAIR!" Sigaw nito sa akin.

Tinakpan ko naman ang bibig niya pagkatapos niyang sumigaw dahil baka pumunta nanaman si Doc. Gavin dito sa kwar———.

"Mr. Tan lumayas ka na dito! Masyado mong pinepeste ang gabi ko. Alis!" Galit na sigaw nito habang nakatingin kay Igie.

"Ano bang pakialam mo? Magbabayad naman ng renta dito sa kwarto yung kuya ni Mau ah?" Maangas na tanong dito ni Igie sabay taas ng kilay.

"For pete's sake Igie, hindi lang kayo yung naka confine dito sa floor na ito! Mahirap bang intindihin yon?!" Tanong nito na nahihimigan ng pagpipigil ng galit.

"Alam ko GAVIN okay?! Paulit ulit? Sirang plaka lang? Hindi din ako naka confine no!"

"Oh yun naman pala eh. Matuto kang makisama sa ibang pasyente!"

"Umalis ka na dito ng————."

Pumasok naman sa eksena si Nurse Cath at binatukan si Doc. Gavin habang nakatingin ng masama dito.

"Kapag hindi kayo tumahimik dalawa, ako mismo ang magpapa alis sainyo!" Galit na sigaw din nito habang nagpapa balik balik ng tingin sa dalawa.

"MANAHIMIK KA!" Sabay na sigaw ng dalawa habang namumula ang mukha.

Gulat naman itong napatingin sa dalawa at pagkuwa'y napalitan din ito ng may mala demonyong ngisi.

"Gavin huwag ka naman kasi masyadong ampalaya! Ikaw din naman ang may kasalanan kung bakit kayo ng break ni Kenji diba?" Tanong ni Nurse Cath kay Doc. Gavin.

Gulat naman akong napatingin kay Nurse Cath dahil sa kanyang pagbubunyag kay Gavin at Igie.

Kaya pala parehas mainit ang dugo sa isa't isa.

"Oh kaya pala napaka sensitive mo Doc Gavin? Nako bawas bawasan mo yan baka hindi ka na makapag asawa." Pang aasar ko dito kahit na wala pang isang oras bago ko siya nakilala.

Sari-sariling trip mga repa.

Tinignan naman ako ng masama ni Doc Gavin kaya nag peace sign ako dito.

Imbis yata na gumaling ako dito habang naka confine, baka lalo lang akong magka sakit.

May balak pa ata akong sigawan ni Doc. Gavin dahil sa sinabi ko ngunit agad naman itong piningot ni Nurse Cath at hinila na palabas ng kwarto.

Tinignan ko naman si Igie na ngayon ay sobrang pula ng mukha at naka nguso habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Uyyy Kenji ha. Hindi mo naman ako nainform na pumapatol ka sa sobrang tanda sa'yo. Hindi ba makakasuhan ng child abuse yun si Doc. Gavin sayo?" Tanong ko dito na may bahid ng pang aasar.

Breathe (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon