Chapter 6

23 8 0
                                    

Maureen's POV







"What's the catch?" Pagtatanong  ko para matapos na agad ang usapang ito.

Napatingin saakin si Kuya Gideon at napatingin naman si Igie kay Kuya Gideon.

"Kailangan niyo na bumalik sa school. Last day niyo na sa work tomorrow, nakausap ko na yung kaibigan ko about doon at nasabi na niya sa Dad niya." Sabi ni Kuya Gon saakin habang nakatitig ng seryoso saakin.

Gulat naman akong napatingin dito.

Is he f*cking serious?!

"Are you out of your mind?!" Napatayong sigaw ko dito.

"Bakit bigla bigla ka nalang nagdedesisyon at hindi mo man lang naisipang tanungin if I'm okay with that?! What a jerk!" Galit na sigaw ko kay Kuya Gon at napatingin naman ito kay Igie sabay bumuntong hininga.

"Walang mangyayari kung tatakbuhan mo yung problema mo, Mau. Hindi naman porket nasawi ka sa pag-ibig, kailangan na rin masawi ang edukasyon mo." Pagpapaliwanag sa akin ni Kuya Gon.

Akala ko matutuwa ako sa paliwanag niya pero lalo lang nadagdagan yung galit ko.

Bago pa man ako kumontra sa sinabi niya ay naunahan na ako ni Igie magsalita.

"I think your brother is right. Kailangan mo pa rin magpatuloy sa buhay kahit na nasaktan ka."

" Stop being coward to your problems, Mau. Face it! Face them and make yourself stronger." Sabi ni Igie sa akin kaya hindi ko na napigilan ang galit at ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Bakit napakadali n'yong manghusga? Ganyan ba talaga kayo kawalang puso saakin?

"Alam niyo? This is nonsense! Paano niyo nagagawang sabihin 'yan kung gayong hindi niyo naman alam ang mga pinagdadaanan ko!" Umiiyak na sigaw ni ko sa kanilang dalawa.

Napatingin ako kay Kuya Gon at ngumiti ng mapait.

"Ayan ba talaga yung gusto mo? Sige! Pagbibigyan kita sa gusto mo, pero wag na wag mo na akong papakialaman sa mga gagawin ko."Walang kaemo - emosyong sambit ko habang tinititigan ko silang dalawa sa mata ng seryoso.

Matapos kong sabihin 'yon ay napagdesisyunan kong pumunta ng aking kwarto dahil hindi ko na kakayanin pa ang bugso ng nararamdaman ko.

Akala ko ayos na, akala ko maiintindihan nila ako pero bakit?

Akala ko hindi sila tutol sa ginagawa ko na hindi harapin ang problemang pinagdadaanan ko.

Si Kuya Gon. Akala ko maiintindihan niya na ako dahil kilalang kilala niya na ako pero bakit?

Bakit bigla nalang siyang nagdedesisyon at hindi man lang kumonsulta sa akin kung ayos lang ba sa akin yung naging desisyon niya!

May nahagip ang mata ko sa aking kwarto na picture frame at nakita kong si Mom pala 'yon.

Kinuha ko ito at pumunta sa veranda ng aking kwarto. Pinagmasdan ko ang peaceful view ng aming garden sabay buntong hininga ng malalim.

Breathe (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon