Pangbawi ko sa maikling update kahapon. Lasing ako noong sinusulat ko 'yon kaya pasensya na. Thank you for reading my story! 😘🥰
Enjoy reading! xoxo 💋❤️
Maureen's POV
"I don't know either. You should ask Kenji about that. Siya ang kasama mo noon sa labanan diba? He knows everything what happened." Napansin ko naman na ngumiti ito sa akin kaya tinitigan ko itong mabuti.
Huwag ka nang umasa Igie. Baka isa nanaman iyong pagpapanggap para saktan ang damdamin mo.
Inalala ko naman ang nangyari sa akin noong gabing nagkaharap sila Acera, Queen, Jack at si Kenji habang ako naman ay nakagapos at may nakatutok na dalawang baril sa aking ulo at kutsilyo naman sa aking leeg.
Tumayo na ako sa aking pagkakaupo sa kanyang kama at agad na lumabas sa kwarto nito upang magtungo sa aking silid para kausapin si Kenji.
This is crazy!
Paanong nangyari na hindi ko naisip na tanungin si Igie tungkol sa nangyari sa akin noong gabing 'yon?
Noong sinabi sa akin ni kuya ang tungkol doon, tila ba may pumipigil sa aking utak at nate-tense ako mag isip.
Kung hindi pa sa akin sinabi ni Kuya Gon na nandoon sa pangyayari si Igie ay hindi ko pa siya papasok sa aking isipan ngayon.
This really puzzled me.
What the hell is happening? Sobrang gulo na!
H-hindi kaya dahil ito yung epekto ng berdeng likido na tinuturok sa akin ni Doc. Gavin every eight hours? Pero hindi maaari eh!
Alam ni Kuya Gon ang mga tinatake kong gamot sa hospital kaya bakit naman siya papayag na iturok sa akin yung sipon na yon kung ganoon ang epekto nito?
Ayaw kong mag isip ng masama...
Ayaw kong mag isip ng masama...
Ayaw kong mag isip ng masama...
Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko sa aking isipan habang naglalakad ako patungo sa aking kuwarto na walang kinalaman dito si Kuya Gon.
Kung sakaling meron man? Hindi ko na yata alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang magtiwala pag nagkataon.
Nang mapansin kong nasa harap na ako ng pintuan ng aking silid ay huminga muna ako ng malalim bago ito buksan.
Bumungad sa akin ang maaliwalas kong silid at nakita ko namang nakahiga si Kenji sa aking kama kaya agad ko itong pinuntahan.
"Halina't ipagpatuloy na natin ang naudlot nating pagre-review para sa exam bukas. Mag aalas dose na din." Matamlay nitong sabi sa akin ng makita niya ako.
Tinignan ko lang ito ng seryoso. Napansin naman nito ang pananahimik ko kaya napatayo ito at inayos ang kanyang sarili.
Tinignan niya din ako ng seryoso katulad ng ginagawa ko sa kanya kaya napabuntong hininga ako.
"About what happened between you and the three bull shits. Anong nangyari sa akin pagtapos kong mawalan ng malay?" Tinitigan ko ito sa kanyang mata at nakita ko ang iba't-ibang emosyon na naglalaro dito.
BINABASA MO ANG
Breathe (ONGOING)
Action"Never settle for being someone's option when you have the potential to be someone's ONLY." -Unknown Date Started: May 25, 2020 Date Finished: