Maureen's POV
Pagkarating ko sa rooftop ng aming faculty which is Business Administration Faculty Building or BAFB ay agad kong hinanap si Igie kung saan siya nakapwesto at nakita ko siyang nakaupo at nakatanaw sa malawak na field ng aming school.
Pinuntahan ko siya ng dahan dahan at sinisigurado kong hinding hindi niya maririnig ang yabag ng mga paa ko sa paglalakad patungo sakanya.
I want to scare the hell outta him!
Nang malapit na ako sakanya at gugulatin ko na sana siya ay bigla naman itong nagsalita at tumingin sa akin.
"Kung balak mo akong gulatin, huwag mo akong iu-update kung nasaan ka na." Sabi nito habang nakatingin ng masama saakin.
"Huwag mo din ako ida-daan sa paghakbang hakbang mo dahil mukha kang tanga habang ginagawa 'yon." Napaka sama talaga ng ugali! Balak ko lang naman siyang pasayahin.
"Mukha kang gagamba na naputulan ng dalawang paa." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay inirapan niya ako.
Sinusubukan ko lang naman kung gagana yung plano ko. Tsss..
Umupo ako sa tabi niya at hinayaan muna ang aking sarili na langhapin ang sariwang hangin at pagmasdan ang napaka tahimik at napaka gandang tanawin sa harap naming dalawa.
Habang humahampas sa aking mukha ang hanging naglalakbay patungo sa iba't ibang lugar ay siya namang pagdadala nito saakin sa isang dimensyon na kayang iwaglit panandalian ang aking mga problemang dinadala.
Sana ganito nalang lagi.
Sana huwag nang bumalik pa ang mga problemang nagpapahirap sa akin para mabuhay.
Ngunit napaka imposible dahil kaakibat na nito sa aking paglalakbay hanggang sa malagutan na ako ng hininga.
Huminga ako ng malalim at kasabay noon ang pagdilat ng aking mata at pagbuga nang naipon kong hangin sa aking tiyan.
Tumingin ako sa mukha ni Igie at bakas don ang pagkahabag at pagka pagod.
"Explain." Maikling sabi ko sakanya.
Narinig ko din na bumuntong hininga siya bago magpaliwanag.
"Kaninang umaga. Naabutan mo kami ng kuya mong nag uusap diba?" Tanong nito saakin at tumango naman ako sa kanyang tanong.
"Mag do-dorm tayo dito sa University." Panimula niya.
"Hindi mo man gustuhin pero hindi na tayo makakalabas dito dahil naka register na tayo sa isang room. You know the rules and regulations." Sabi nito saakin.
Hindi naman na ako nagulat dahil alam kong gagawin din ito ni Kuya Gon.
"Talagang ayaw mo ako makapunta sa lugar na natuklasan ko huh?" Sabi ko na lamang saaking isipan.
Lugar na kung saan laganap ang pagpatay at walang pinipiling edad sa pagpapahirap.
Lugar na kung saan tahanan ng mga mamamatay tao.
Lugar na kung saan kapag nag angas ka, huwag ka ng aasa na makakabalik ka pa sa dati mong mundo.
Ito ang mahirap eh, inaakala lagi ng mga kalalakihan na kaming mga babae ay hindi kayang gawin ang mga ginagawa nila.
BINABASA MO ANG
Breathe (ONGOING)
Action"Never settle for being someone's option when you have the potential to be someone's ONLY." -Unknown Date Started: May 25, 2020 Date Finished:
