Maureen's POV
"I will ask you again. What are you doing here?" Pag uulit ko ng tanong ko dito.
Puno ng kalungkutan ang mga mata niya habang nakatingin saakin.
Pinilit ko namang iwasang isipin na naaawa siya sa kalagayan ko dahil sa tingin ko ay isa lamang itong pag papanggap.
Sawa na akong lunurin ang sarili ko sa kalungkutan.
Sawa na akong mag self pity dahil sa mga pinaparamdam at pinapakita ninyo sa aking lahat!
Kaso nga lang ay hindi ko maiwasan ang mga ayaw kong maramdaman dahil ilang beses ko man itong iwasan, sila ang kusang lumalapit at yumayakap saakin para muli akong masaktan at malungkot.
Yung buhay ko? Ito yung buhay ko.
Puno ng sakit at pagpapanggap.
Huminga ng malalim ang taong nasa harap ko at bumuntong hininga sabay pag lagay ng mga prutas sa mini table na nasa gilid ko.
Pumunta naman ito saglit sa sofa na malapit sa bintana at kinuha dito ang upuan na malapit sa pwesto ng sofa.
Inilapit niya ito saakin at umupo siya dito sabay hawak sa kaliwang kamay ko.
Tinignan niya ako ng sobrang lungkot.
"Sorry sa mga nasabi ko sa'yo Marseh. I didn't meant to say those words in front of you but that's the only way to get rid of him." Pagpapaliwanag nito saakin na may bahid ng lungkot sa kanyang boses.
"That's the only way I see to get rid of you from him."
Tumawa naman ako ng sarkastiko at pagkatapos ay tinignan siya ng masama.
Tinitigan ko siyang tila ba ay unti unti ko siyang pinagpipiraso piraso sa aking isipan.
"Napaka daming paraan para iligtas niya ako sa pagkakabihag saakin ng mga kalaban para pakawalan nila ako pero bakit ayun pa ang napili niya!?" Sigaw ko sa aking isipan.
Gusto ko man sabihin sakanya ang mga salitang 'yon ngunit mas ninais ko na lamang na manahimik at hayaan siyang magpaliwanag saakin.
"Ayos lang Mau kung hindi mo ako mapapatawad sa ngayon pero gusto kong ako ang magsilbi sa'yo habang naka confine ka pa." Sabi niya nang iiwas ko ang tingin ko sakanya.
Kung kanina ay masama ang tingin ko sakanya, ngayon naman ay mas pinasama ko pa ang pag tingin ko sakanya.
Napaka kapal ng mukha.
"Wala ka na bang natitirang kahihiyan d'yaan para sa sarili mo Kenji?" Tanong ko dito.
"Napaka kapal ng mukha mo!" Sigaw ko sakanya. Napayuko naman ito at napabitaw sa kamay kong hawak hawak niya.
Ayaw ko na sanang umiyak dahil gusto kong maging malakas sa paningin niya kahit ngayon lang kaso trinaydor ako mismo ng dalawang mata ko.
"A-Akala mo ba wala lang saakin lahat ng mga sinabi mo doon sa lalaki? For pete's sake Kenji nandoon ako! Nasa harap mo ako mismo tapos magbibitaw ka ng ganung mga salita!? Anong sa tingin mo ang mararamdaman ko? Ha!?" Sigaw ko sakanya habang malayang naglalandas ang luha ko.
"Alam mo namang sobrang hina ko pagdating sa mga kaibigan at mga pamilya pero anong ginawa mo? Parang hindi mo naman alam lahat ng naranasan ko!?" Tumawa ako ng pagak at tinignan ko siya ng hindi makapaniwala at pagkuwa'y nginitian ito ng mapait.

BINABASA MO ANG
Breathe (ONGOING)
Action"Never settle for being someone's option when you have the potential to be someone's ONLY." -Unknown Date Started: May 25, 2020 Date Finished: