Maureen's POV
Nagising nalang ako na may tumatapik ng mahinhin sa aking pisngi.
Bumungad sa akin ang mukha ni Kuya Gon at ngumiti ito sa akin ng malapad.
Tinignan ko naman ito na tila ba nandidiri sa aking nakita.
"We're here. Kakalabas lang ni Igie sa kotse, ikaw nalang yung hinihintay." Sabi nito sa akin at lumabas na din sa kotse.
Nang mahimasmasan na ako sa sandaling pagtulog ko ay napag desisyonan ko na din na bumaba sa kotse ni Kuya Gon.
Hinanap agad ng aking mga mata sina Kuya Gon at Igie.
Nang mamataan sila ng aking mga mata, agad ko silang pinuntahan 'di kalayuan sa aking kinatatayuan.
Ayaw ko man sila istorbohin sa seryosong usapan nila kaso kinakailangan ko ng gawin 'yon dahil mala-late na kami ni Igie sa pinaka unang subject namin which is Principles of Marketing.
"Are you sure about this, Gideon? The la- - -"
"Kuya Gon, kailangan na namin pumasok ni Igie sa first subject namin." Pagpuputol ko sa sinabi ni Igie.
Napatingin sila sa aking dalawa at gulat na ekspresyon ang sandaliang nakita ko sa kanilang mukha ngunit bumalik din ito sa dati.
"Kanina ka pa dyan?" Tanong sa akin ni Kuya Gon.
Umiling naman ako at tumingin kay Igie.
Sinenyasan ko nalang siyang sumunod nalang sa akin at nauna na akong naglakad papunta sa classroom ng aming first subject.
Nilanghap ko ang sariwang hangin na tumatama sa mukha ko habang naglalakad sa hallway.
Hindi ko naman maiwasan na marinig ang ilang bulungan ng mga estudyanteng nadadaanan ko.
"Oh my gosh girls, look who's here!"
"Bakit pa siya bumalik? Ganyan ba talaga kalakas yung loob niya para magpakita pa sakanila?
"Look at her. Nakakaawa siya. Dapat lumipat nalang siya sa ibang university."
"Once a bitch, always a bitch!
"SLUT!"
Napahinto ako sa aking paglalakad dahil sa narinig ko.
Bitch? Slut? Hah! Mga hipokritang mahilig maki usyoso sa buhay ng iba.
Kahit na hindi ako ganoong tao ay nasaktan parin ako sa kanilang sinabi saakin
Hindi ko nalang ito masyadong dinamdam at pinagpatuloy nalang ang aking paglalakad.
Napatigil nalang ako dahil sa tilian na aking narinig kanina sa aking kinatatayuan.
Hindi ko na sana ito lilingunin kaso may pagka lahing chismosa ang angkan ko kaya nilingon ko ito.
Nakita ko si Igie na hawak hawak ang buhok ng dalawang babae na nagsabi sa akin ng bitch at slut.
Nilapitan ko ito at tangkang aawatin ko na sana siya kaso tinitigan niya ako ng masama.
Napaatras nalang ako at hindi na lumapit pa.
"Alam nyo ba na maikli lang ang pasensya ko sa mga taong foul-mouthed?" Tanong niya sa dalawang babaeng hawak hawak niya ang buhok.
BINABASA MO ANG
Breathe (ONGOING)
Action"Never settle for being someone's option when you have the potential to be someone's ONLY." -Unknown Date Started: May 25, 2020 Date Finished: