Chapter 16

19 9 0
                                    

Maureen's POV


"Kenji Zywn Tan nasaan ka na ba?! Huhuhu!" Pagsigaw ko habang nakapikit.


Naramdaman ko naman na inamoy ng itim na ahas ang binti ko kaya lalo akong nakaramdam ng kaba.


"Pag ako talaga namatay dito mumultuhin kitang bakla ka hanggang sa pag tanda mo." Sigaw ko sa aking isipan habang sinusumpa si Igie ng paulit ulit.


Nakarinig naman ako ng putok ng baril at agaran kong dinilat ang mata ko kung saan ito nagmula.


Nakita ko namang nakatutok na saakin ang baril nito habang titig na titig sa mukha ko.


"Stay still!" Sigaw nitong babaeng kaharap ko.


Sinunod ko naman ito at nagpaputok ulit siya ng baril banda sa paanan ko kaya napaigtad ako sa aking kinatatayuan.


Matapos niyang gawin 'yon ay agad siyang lumapit saakin at inalisa ng mabuti ang mukha ko.


Nailang naman ako sakanyang ginagawa kaya yumuko ako.


"Who are—-"


"Patay na ba yung itim na ahas?" Tanong ko sakanya. Hinigpitan niya lalo ang pagkakahawak niya sa aking braso kaya hindi ko napigilang umaray at samaan siya ng tingin.


"Yumuko ka na kanina hindi mo pa nagawang makita yung patay na ahas sa paanan mo? Are you blind?" Pangbabara nito saakin.


"Huwag mo akong sak——"


"Ititikom mo 'yang bibig mo o ipuputok ko 'tong baril na dala dala ko d'yaan sa bunganga mo?" Bulong niya saakin na may halong panggigigil.


Tiniis ko maman ang sakit sa pagkakahawak niya saakin at nilabanan ko ang sama ng titig niya saakin.


"Kakampi ka ba o kalaban?!" Pasigaw kong tanong sakanya at mas lalo kong sinamaan ang titig ko sakanya.


"TANGA!" Sigaw nito sa tenga ko mismo kaya napahawak ako sa tenga ko na sinigawan niya.


Nang tignan ko na siya ay nakatutok na saakin ang kanyang baril habang nakangisi ng malapad.


"Hindi nga kita kilala kaya paano mo ako magiging kakampi? Hindi mo din naman ako kilala pero paano mo ako natanong ng ganyan?" Tanong nito saakin habang nakatingin sa taas ng mga puno.


"O baka naman isa kang buhay na tao na ubod ng katangahan? O baka nagtatangahan para ikubli ang kabang nararamdaman? Tss." Tanong nito saakin habang naglalakad paikot sa kinatatayuan ko habang nakatutok saakin ang baril na hawak hawak niya.


Hindi ko naman siya sinagot at tinitigan ko lang siya.


"Who are you?" Tanong niya saakin.


"Why would I tell you?" Balik na tanong ko sakanya.


"Because I asked you?" Balik na tanong nito saakin sabay kasa sa baril na hawak hawak niya at nakatutok saakin.


"Sasabihin mo ang pangalan mo o dadanak ang dugo mo sa kinatatayuan mo?" Tanong niya saakin sabay paputok ng baril sa bandang ulo ko.


Akala ko katapusan ko na ngunit naramdaman ko nalang na biglang humapdi ang kanang tenga ko at nang hawakan ko ito ay maraming dugo ang umaagos dito.


Breathe (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon