Chapter 15

11 8 0
                                    

Kenji Zywn's POV

"Bakit ikaw Igie, kaya mo bang depensahan ang sarili mo sa ibang tao?" Tanong saakin ni Maureen. Dahil sa nag uumapaw na sayang nararamdaman ko ay agad ko itong sinagot ng walang pag aalinlangan.

"Of course Maureen! Hindi mo pa talaga ako kilala. HAHAHAHAHA!" Pagsagot ko sa tanong ni Maureen.

Napahinto naman ako bigla sa pagak kong pagtawa ng mapagtanto ko ang naisagot ko kay Maureen.

I'm doomed.

"You're so stupid Zwyn!" Pagsigaw ko sa aking sarili saaking isipan.

Sobrang lawak ngayon ng pagkakangisi saakin ni Maureen dahil sa naging sagot ko sakanya.

"What are you planning, Mau? I hope you don't get hurt." Malungkot na sabi ko na lamang sa aking isipan habang nakatingin parin ako kay Maureen.

Tumayo naman ito bigla pagkatapos niyang kumain para ilagay ang kanyang pinagkainan sa lababo.

"Dalian mo na kumain Igie. Mag j-jogging pa tayo. Baka mahuli pa tayo sa klase pag napasarap tayo sa pag e-ehersisyo." Bulong nito bigla sa tenga ko habang kumakain ako. Tumindig ang balahibo ko dahil sa huling sinabi niya.

"Mapasarap sa ehersisyo, huh?" Nakangisi kong bulong habang nakatingin sa pinto ng kwarto ni Maureen.

Pasalamat ka talaga at babae ka dahil kung lalaki ka baka matagal ka ng nakaranas ng alapaap saakin tuwing gabi. Hihihi!

Pero mukhang ako lang ang makakapag ehersisyo ngayong umaga dahil kanina ko pa napapansin na may nagmamasid sa labas ng pintuan at bintana namin.

Mabilisan ko namang inubos ang aking kinakain at agad na uminom ng tubig pagka lunok ko sa huling subo ko ng kanin.

My gosh! It's kinda green minded for me ha. Lunok? Huling subo? Ugh!

Matapos kong uminom ng tubig ay dahan dahan akong lumabas ng dorm namin at nakita ko ang pagtakbo sa hallway ng isa sa nagmamasid sa amin ni Maureen kanina habang kumakain kaming dalawa.

Nagtataka kayo kung bakit kami magkasama sa iisang room ni Maureen no?

Because of my connection, bitch!

Kahit na sa dorm ako ng girls nag ro-room ay wala silang magagawa doon dahil Kenji Zywn Tan is a powerful and badass bitch of the whole universe, periodt! Well, tama na ang chika. Mukhang exciting ang morning exercise ko today.

Habang hinahabol ko ang kaninang nagmamasid saamin ay napansin kong papunta ito sa gubat kung saan maraming mga delikadong hayop ang naninirahan.

Are they fucking serious about this?!

Nang makapasok na ito sa gubat ay siya namang pagkawala nito sa aking paningin kaya mas lalo ko pang binilisan ang takbo ko para hindi ako madehado sa aming magiging laban.

Nang makapasok na din ako sa gubat ay dahan dahan akong humakbang papunta sa isang puno at inakyat ito ng mabilis at malinis. Nang makarating sa taas ay agad akong tumalon sa mga sanga malapit sa puno na pinaglalagyan ko.

Naruto lang ampeg, bakit?! Katulad ng sabi ko, I am the powerful and badass bitch of the WHOLE UNIVERSE.

Syempre dahil hindi naman ako isang tanga, tumatalon ako sa mga sanga na makakapal at kayang dalhin ang timbang ko.

Nang makuntento na ako ay agad akong nagpahinga sa isang puno na maraming sanga at nagmasid masid sa kapaligiran.

Breathe (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon