Chapter 1: Enrollment

2K 49 12
                                    

"Cole! Cole! Cole!" dinaganan ni Raya ang stepbrother. Kanina pa niya ginigising ito pero tulog mantika pa rin.

"Ano ba Raya! Ang bigat. Alis ka na." Mas lalo lang nagpabigat ang dalagita sa pagkakapatong kay Cole kaya tinulak siya nito ng marahan. Pero dahil nasa gilid sila ng kama ay nahulog ito sa sahig.

"Aray naman Cole. Sumbong kita kay mommy." naalimpungatan si Cole ng marinig ang pagbagsak ni Raya sa sahig.

"Baby sorry" agad siyang binuhat nito at inihiga sa kama. "May masakit ba sa'yo? Nabalian ka ba? Ikaw kasi ang kulit kulit. Pwede namang gisingin ako ng maayos." Natataranta ito habang tiningnan ang mga braso at paa ng stepsister.

"Apaka OA nito. Joke lang yun. Wala naman talagang masakit." Binawi ni Raya ang braso na hawak ni Cole.

"Tagal mo kasing magising. Anong oras ka na ba natulog kagabi?"

"Maaga pa. Apakakulit mo kasi. Baba ka na nga dun."

"Anong ako??? Ha! ano? Ha! Maaga kaya akong natulog. Promise mo kakantahan mo ako pero hindi naman pala. Laro ka lang ng laro ng ML. Pag nabadtrip ako susumbong kita kay mommy."

"Ang ingay! Baba ka na nga. Ang lakas kasi ng hilik mo sa kabilang kwarto abot dito kaya di ako makatulog. Bilis na at maliligo na ako. Magpapa enroll tayo ngayon."

"Bukas na lang Cole please." nagpaawa na naman ito sa binata. Hindi siya pinansin ni Cole sa halip ay inayos nito ang kama bago naupo ulit at hinintay na matapos mag inarte si Raya.

"Tapos ka na? Maligo na para makapagbreakfast at makaalis na tayo."

"Bakit ba kasi ang sungit mo?" Naupo si Raya sa kandungan ni Cole at pinalibot ang mga braso sa leeg nito. "Di mo na ba ako mahal? Sabi mo aalagaan mo ako diba? Promise mo kay daddy nung umalis siya. Tapos sabi mo pa ako lagi ang masusunod."

"At anong kinalaman nun sa pag eenroll today?"

"Eh kasi tinatamad ako. Feeling ko bukas pa ako sisipagin. Tapos parang lalagnatin ako. Paano kung himatayin ako mamaya dun sa school kasi pinilit mo akong mag enroll. Paano na lang?"

Sinalat ng binata ang leeg ni Raya.

"Parang wala ka namang lagnat. Hindi ka naman mainit. Wag mong gamitin sa akin ang mga palusot mo. Baba na. Ang bigat bigat mo."

"Sungit! Di tayo bati Cole Alexander Trinidad!" pero hindi pa rin ito umaalis sa pagkakakandong sa binata. Sinamaan niya lang ito ng tingin.

"Masungit na kung masungit pero hindi pwedeng laging pinagbibigyan yang tigas ng ulo mo. Nasasanay ka na. At ilang beses ko ng  sinabi sa'yo na kuya nga ang itawag mo sa'kin." Marahan siyang itinulak ng binata para tumayo. "Lakas mo din no. Kapag nandyan lang si mommy at kausap si Tito sa phone tsaka mo ako tinatawag na kuya. Kutusan na talaga kita."

"Ayaw nga kitang kuya. Tatay gusto mo? Mas malakas ka pang manermon kay daddy eh."

"Wala ka sa hulog kausap. Labas na maliligo na ako." Kinuha na nito ang tuwalya sa cabinet. "Tsaka, umasal ka ng naaayon sa edad mo. 17 ka na pero lakas mong lumabas ng kwarto na hindi nagbabra."

"Tayo lang naman nila mommy dito. Kahit maghubo ako wala namang ibang makakakita sakin. Anong pinagpuputok ng butse mo? At bakit mo ba kasi tinitingnan ang boobs ko? bumelat pa si Raya.

Natatawa siya kasi nainis na naman niya si Cole. Achievement para sa kanya pag maaga pa lang ay napapakunot niya na ang noo ng stepbrother. Napahilamos na lang ng mukha si Cole bago nagtungo sa banyo.

*******

"Kuya, si Raya ba gising na?"

"Opo my. Ang aga pa nga akong binwisit eh." Nasa dining table na sila at nagsisimula nang kumain.

My Protector: I Love Him, It's a Secret Where stories live. Discover now