"Baby, sigurado ka bang ayaw mong kumuha tayo ng katulong dito sa bahay?"
"No na love. Si baby Hiro lang naman ang aalagaan ko."
"Ayoko lang na mapagod ang mahal ko." Kakalagay lang ni Cole sa nursery sa anak. They converted the other room na ginagamit nina Drew at Nico before as nursery. It's been 2 weeks since they arrived. Na meet na rin ni Raya ang daddy Rob ni Cole pati na rin ang step mom nito at mga nakababatang kapatid. They've been accommodating and pleasant. Minsan na rin silang binisita ni Tita Lorraine dito sa apartment nila. Isang Linggo na ring nakabalik si Cole sa trabaho.
"Wala nga akong ginagawa dito sa house love. I just wait for you to arrive." Nakahiga si Cole sa kandungan ni Raya as she combed his slightly damp hair.
"Sorry baby at wala ka laging kasama dito. Pero di na ako magoovertime pag weekend kasi nandito na kayo ni baby. May paggagamitan na ako ng oras ko."
"Promise okay lang ako dito Coley. Don't worry about me."
They stayed that way for a while hanggang sa nakatulog si Cole at nakaidlip din si Raya. She prepared their dinner ng magising. Naglagay siya ng throw pillows at inayos ang pagkakahiga ng asawa bago masuyong hinalikan ang noo nito.
*************
"Sweetie, let's surprise papa sa work. What do you think?" nalinis niya na ang buong bahay at nilalaro niya na lang ang dalawang buwang gulang na anak. Naisip niyang magprepare ng lunch at dalhan ng pagkain ang asawa sa office. Siguro naman okay lang na bumisita siya dun kahit sandali lang. Sabi naman ni Cole sa kanya na may sariling office ito. Kung hindi siya pwedeng magstay ng matagal ay uuwi din sila agad ni baby Hiro.
She cooked lunch and packed it and drove to Cole's office. She didn't tell him nung nagkausap sila kanina na pupunta siya. Alam ni Raya na 12NN ang lunch nito and will be on a meeting about a new project before that.
After telling the front desk officer kung sino ang sadya niya ay tinungo niya na ang 25th floor kung saan naroroon ang office ng asawa.
Natanaw niya na ito papasok pa lang siya. Siguro ay kakatapos lang ng meeting kasi nagkukumpulan sila sa isang malaking cubicle. Maraming empleyado na nakaoccupy sa iba ding cubicles na nagtatawanan at ang iba ay busy na nag-aayos ng mga gamit. They must be preparing to go out for lunch. Si Nico ang unang nakakita kay Raya dahil mukhang may pinapatingnan ang isang magandang babae kay Cole sa laptop nito.
Sinenyasan niya si Nico na huwag maingay kaya napakindat ito sa kanya. Napansin na din siya ni Drew at siniko ito ni Nico at sinenyasan na huwag maingay. Gumilid ang dalawa ng makalapit na si Raya para bigyan ng espasyo. Kinuha ni Drew and dalang paper bag ng dalaga. Ngumiti si Raya sa dalawa bago binalik ang atensyon sa asawa na mukhang busy pa rin sa kinakalikot sa laptop at halos magdikit na ang noo nila ng babae na kasama nito. Mas lumapit pa si Raya sa asawa at pinulupot ang isang braso niya sa beywang nito.
"Surprise love." she whispered sweetly na nagpalingon kay Cole.
"Baby!" Agad inabot ni Cole ang laptop sa babae at hinarap ang asawa. "Bakit di mo sinabing pupunta ka?" Hinapit nito ang katawan ni Raya at hinalikan ang noo nito bago sinilip ang natutulog na anak at hinalikan din ito.
"I brought you lunch. I want to surprise you. Busy ka ba? Sorry." nahihiya si Raya kasi nakatingin sa kanya ang ibang mga empleyado kaya napayuko siya.
"This is the best surprise, baby." masuyong bulong ni Cole sa misis.
"Naku boss baby, hindi busy yang tropa namin pagdating sa'yo. Kita mo fully charged na naman yan kahit wala pang kain." natatawang sundot ni Nico.
"Boss baby, saken na muna si Hiro. Kakainin ko lang at nagugutom na ko. Tagal nitong si bossing eh." Inabot naman ni Raya kay Drew ang anak.
YOU ARE READING
My Protector: I Love Him, It's a Secret
FanfictionShe loves him, that's her secret He's her stepbrother at kailangan niyang pigilan ang nararamdaman. Bata pa lang sila ay mahal niya na ito. Kaya bang pigilan ang puso? ****** This is written in Taglish This is a work of fiction. Any semblance to rea...