"Tol, kumusta usapan niyo ni Raya? Napapayag mo?" bungad ni Nico pagdating ni Cole sa opisina.
"Ayaw niya. Nahihiya daw siya."
"Paanong nahihiya? Hindi nga siya nahihiya na milyon milyon ang nanonood sa kanya sa TV."
"Ayoko na rin pilitin at baka magtampo pa sakin. Siguro naninibago dito at baka ayaw lang talagang iwanan si Hiro sa ibang tao."
"Eh di pumunta ka na lang mag-isa tol. Total ako din naman mag-isa. Ang pinagkaiba lang natin ay magmumukmok ka sa isang sulok habang ako ay naghahanap ng chicks." natatawang sabi ni Drew. Kahit may sariling cubicle ang dalawa ay laging tambay ito sa opisina ni Cole. Dahil kasi sa bilib ng bosses sa kanya at na close niya ang biggest deal na matagal na pinapangarap ng kompanya ay mabilis ang promotion ni Cole at may sarili na siyang opisina. He's now managing 20 engineers and has free-hand in choosing and closing projects. They are now partners with Sweco for architectural needs.
"Oo nga boss. Di ka pwedeng mawala dun. Isa pa, it's our chance to get more investors and projects. Pero wag mo ng idate si Emma. Iba ang kutob ko dun eh. Mapapatay tayo ni Raya."
"Tingin ko tol hindi tayo mapapatay ni Raya. Ang bait nun eh. Tingin ko mamamatay tong boss natin pag iniwan ni Raya kaya bawal kang patukso dun."
"Mga pinagsasabi niyo."
"Pero tol ang totoo? Lalaki sa lalaki na usapan. Hindi ka talaga naaapektohan ng mga nagpapapansin sa'yo? For the sake of argument lang ito tol ha. Wag mong gagawin. At kung sakaling may sasabihin ka, safe rin naman yung sikreto mo. Di makakarating kay kumander."
"Ano na naman yun Drew? Dami mong pasakalye."
"Hindi ka ba talaga natingin sa iba? O natukso man lang? O kahit kamuntikan lang? Kasi ang sesexy ng mga nasa HR ha. Tapos yang si Emma, aminin natin chika babes naman talaga at obvious na malaki ang gusto sa'yo."
"Hindi. Nung sinabi ko sa sarili ko na ipaglalaban ko ang nararamdaman ko kay Raya, kasama dun ang pangako na hindi ako gagawa ng kahit ano na makakasakit sa kanya. Kapag nagpatukso ako, anong mangyayari? A moment of bliss? Pagkatapos nun? Kakayanin ko bang mawala si Raya saken? The answer is no. Naniniwala ako sa karma. What goes around comes around." tumigil si Cole para tingnan ang mukha ng babaeng pinakamamahal niya na kalong ang anak nila na nasa picture frame on top of his table.
"Isa pa, bakit ko ba minahal si Raya? Kasi hindi lang naman dahil maganda siya sa panlabas kundi lalo na sa panloob na hindi nakikita ng ibang tao. Ang akala ng iba masungit siya, alagain, at walang alam sa buhay. Pero mas higit pa dun ang Raya na kilala ko. Kung kilala niyo ang mabuting Raya, kalahati pa lang ang alam niyo sa totoong Raya na minahal ko. I love her, flaws and all. Siguro nga may iba dyan na maganda din at mabait din pero hindi sila si Raya."
"Ang swerte naman ng boss baby namin sa'yo tol. Kaya idol kita eh. Ewan ko lang dito kay Drew. Hindi natututo eh."
"Wow! Nagsalita ang pinagsasabay ang dalawang chicks sa HR at ang bagong junior assoc."
"Shut up pre. Hindi ako si Cole at hindi sila si Raya. Pag natagpuan ko na ang Raya ng buhay ko baka magtino na rin ako."
"Hahaha! Naalala ko nung college poporma ka pa kay Raya eh. Laking galit nitong si Cole sa'yo."
"Gago! past is past. Uso din mag move on hayop!"
"Magtrabaho na tayo nang maaga matapos at makauwi na."
***************
"Bes! sorry di ko nasagot agad ang tawag mo. Nasa CR ako. Miss na kita gaga!"
"Miss you too Lors. Di ba ako nakakaistorbo?"
YOU ARE READING
My Protector: I Love Him, It's a Secret
FanfictionShe loves him, that's her secret He's her stepbrother at kailangan niyang pigilan ang nararamdaman. Bata pa lang sila ay mahal niya na ito. Kaya bang pigilan ang puso? ****** This is written in Taglish This is a work of fiction. Any semblance to rea...