Nagising si Raya na mag isa sa kwarto. Inangat niya ang kumot at nakitang naka shorts na lang siya. Ang t-shirt niya ay ang suot pa rin kahapon.
"So totoo nga ang mga nangyari kagabi. Shit! shit! Kalma Raya." Ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang pinapakalma ang sarili. Naalala niya ang narinig bago nakatulog.
"Dito lang ako baby. Hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita Raya."
"Shit! Sinabi niya ba talaga yun or nanaginip lang ako?" Magkaiba silang dalawa. Siya, malaya niyang nasasabi na mahal niya si Cole ng walang malisya sa binata kasi kahit nung bata pa siya ay lagi niya namang sinasabi yun.
Pero never niyang narinig kay Cole pabalik ang salita na yun.
Oo, inaalagaan siya nito, nararamdaman niya naman ang pagmamahal nito bilang kapatid nga lang at minsan pa nga bilang tatay dahil wala naman ang daddy niya but Cole never said the exact words she's been wanting to hear.
"Bwisit na alak. Umasa pa naman ako. Erase! erase!" Naligo na siya at nagbihis ng manipis na sando at shorts bago bumaba. Hinanda niya na ang sarili sa panenermon ni Cole. Kasalanan naman talaga niya.
Naabutan niya itong nag-aayos ng mesa. Wala nga pala ang mommy nila kaya dalawa lang sila buong linggo.
"Good morning Coley." Pinulupot niya ang braso sa beywang ni Cole at humilig sa likod nito na parang wala lang siyang ginawa kagabi.
"Sana makalusot." Bulong niya sa sarili.
Tinanggal ni Cole ang mga braso niya at seryosong nagsalita.
"Maupo ka na. Mamaya tayo mag usap."
"Sungit!" Naupo na siya sa mesa at nilagay naman ni Cole sa harapan niya ang breakfast.
"Kainin mo yang gulay." Strikto nitong sabi. Alam ni Raya kung kailan siya tatahimik at kailan sasabat. Ito ang oras na dapat tahimik lang siya.
"Masakit ba ang ulo mo?" Umiling si Raya pero ang totoo ay parang mabibiyak ang ulo niya.
"Natuto ka ng magsinungaling Yara Isabela?"
"Eh kasi ayokong nagagalit ka sakin." Pinipigilan niyang umiyak kasi mas lalo lang itong magagalit. kinusot niya ang mata para hindi tumulo ang luha niya.
"Tama na yan. Kumain ka na para makapagpahinga." Tumayo ito at may kinuhang gamot sa medicine box at inabot iyon sa kanya.
"Inumin mo to para mawala yang sakit ng ulo mo. Next time kasi, kapag sinabi ko sana sumunod."
"Sabi mo lang naman bawal magsmoke."
"Namimilosopo ka pa. Hindi ka na makakaalis sa susunod na hindi ako kasama. Kainin mo yang cucumber. Walang lasa yan."
Tahimik na silang kumain habang si Raya ay panay ang sulyap kay Cole.
"Bakit ba ang gwapo mo lalo na pag kunot ang noo mo? Kaya siguro lagi kitang ginagalit."
YOU ARE READING
My Protector: I Love Him, It's a Secret
Hayran KurguShe loves him, that's her secret He's her stepbrother at kailangan niyang pigilan ang nararamdaman. Bata pa lang sila ay mahal niya na ito. Kaya bang pigilan ang puso? ****** This is written in Taglish This is a work of fiction. Any semblance to rea...