Galing ang tawag sa mommy Dina nila. She wiped her sweaty hands in her shorts bago sinagot ang tawag. Iba ang pakiramdam niya.
"Mi, ba't po kayo napatawag?"
"Where's your kuya? Hindi sinasagot ang mga tawag ko."
"Baka nagdadrive po my. He left for an interview. Tawagan ka po namin pagdating."
"I will be on a meeting in 30minutes. Lumabas lang ako to check on you." Nakalimutan nya ang time difference nila. "Your dad is saying hi."
"Pakisabi kay daddy I'm okay."
"Nak, please talk to kuya. Hindi niya sinasagot ang daddy niya. The job has been waiting for him for months at hindi na siya makakakuha ng ganung opportunity ulit."
"Alin po yun my? Wala po siyang nababanggit."
"He got an offer sa construction firm ng daddy niya pero hindi pa rin niya binabalikan ito. And if he doesn't decide within this week, they will look for someone else. Ipaintindi mo sa kanya nak. Mahirap makapaghanap ng trabaho dyan sa Pinas. This is his chance. Two years lang naman ang contract. If he doesn't like it there, he can always come back. Alam ko naman na sa'yo lang makikinig yang kuya mo. Ayoko na masayang ang pangarap niya dahil lang sa galit niya sa daddy niya."
"Sige po mommy. Kakausapin ko po pagdating. I'm sure tatanggapin po niya iyon."
Matagal siyang natulala pagkababa ng telepono. She doesn't know what to do. She's torn between keeping him here beside her or to push him away to live his dreams. Tama ang mommy nila, siya lang ang makakapagbago ng desisyon ni Cole. Pero alam niya na iba ang dahilan kung bakit ayaw nitong umalis. At siya yun.
Ayaw siya nitong iwan kasi iniisip ni Cole na responsibilidad nitong alagaan siya. She can't be selfish. Naisip niya na naman ang lungkot sa mga mata ni Cole as days progresses na hindi pa rin ito nakakahanap ng trabaho. Dahil din sa recession ay pahirapan maghanap ng work.
It pains her but her decision is final. Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang mga luha niya. She impatiently wiped it before going inside their room.
She texted him at sinabi nito na baka gabihin na dahil matindi ang traffic. Tamang tama lang sa balak niya.
Before fixing her things, she decided to write him a note first. Sa paghahanap niya ng paper and pen ay napabukas siya sa drawer sa gilid ng kama na malapit sa pwesto ni Cole. May nakita siyang velvet box doon. Her curiousity took over her better judgment. Isang diamond ring ang laman ng box.
"God, bakit wrong timing? Bakit ganito dapat kahirap?" She slowly closed the box and returned it to the drawer. She cried so hard and doesn't know what to do. She can't just leave Cole. She can't break his heart. Alam niya na parang pinatay niya na rin si Cole pag ginawa niya iyon. They need to talk. She has to lie. She has to make him believe na okay lang siyang maiwan pansamantala. She has to sacrifice for the both of them. Si Cole na lang parati . This time, siya naman.
As she thought about what to do, walang tigil na tumutulo ang luha niya. Hindi niya alam kung kakayanin ba niya but she will try. She's been selfish of Cole all her life. He can't sacrifice his dreams for her again. Ayaw niyang dumating ang araw na maisip nito na siya ang dahilan sa hindi nito pag abot ng mga pangarap.
She made her final decision. Naligo siya, nag ayos at nilagyan ng concealer ang mata para hindi mahalata ni Cole na umiyak siya. She waited for him at the door.
Ang lakas ng kabog ng dibdib niya ng makita itong naglalakad palapit sa unit nila. Agad niya itong sinalubong ng yakap.
"O, namiss ata ako ng baby ko. Sorry late na akong nakauwi, mahal."
YOU ARE READING
My Protector: I Love Him, It's a Secret
FanfictionShe loves him, that's her secret He's her stepbrother at kailangan niyang pigilan ang nararamdaman. Bata pa lang sila ay mahal niya na ito. Kaya bang pigilan ang puso? ****** This is written in Taglish This is a work of fiction. Any semblance to rea...