Chapter 9: Label

1.5K 34 13
                                    

"Tol, pakibilisan. Dismissal na ni Raya." tinatapos nila ang research topic for Foundation Engineering para sa defense by Monday.

"Teka tol, malapit na." patuloy lang sa pag-aayos ng draft si Nico.

"Mukhang ang saya natin bro ah. Hindi gaya dati nung hindi mo kasama si Raya na ang seryoso mo at parang pinagbagsakan ng langit at lupa."

"Pinagsasabi mo?"

"Pero tol, seryosong usapan. Rinig ko ang mga kalabog sa unit ko ah. Nag-aaway ba kayo lagi?" pang-aasar ni Drew.

"Gago! Utak mong berde." Binato ni Cole ng hawak na mechanical pen ang kaibigan.

"Hala siya! Wala kaya akong sinabi. So inaamin mo na may bakbakan nga tuwing gabi?"

"Hahaha! Magpa soundproof ka na ng unit tol. Araw araw paingay ng paingay eh." dagdag pa ni Nico.

"Tigilan niyo nga ako hayop!" nangingiti na lang si Cole dahil alam niyang inaasar lang siya ng mga kaibigan.

"Iba ang ngitian ah. Iba talaga kapag in love." napailing na lang si Cole bago ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

"Pero ito tol seryoso na talaga. Ano na ang label niyo? Nagbabahay-bahayan na din lang naman kayo."

"Kailangan pa ba yun? Basta masaya kami ayos na yun."

"Ang talino mo pero ang tanga mo minsan. Ang mga babae tol kailangan ng reassurance. Kailangan ng label."

"Alam naman ni Raya na mahal ko siya. Lagi ko namang sinasabi sa kanya."

"Tanungin mo tol. Klaruhin mo."

"Mahal mo diba? Ayaw mo naman sigurong maagaw ng iba. Baka pag napagod kakahintay ng label at may nagbigay ng atensyon that she deserves ay mawalan ka."

"Tss"

Hindi nila napansin ang pagdating ni Maxine at Mai.

"Sinong in love?" tanong ni Maxine habang nakatingin kay Cole na busy naman sa paggawa ng project.

"Secret. What you don't know won't hurt you." sagot ni Nico at binalik na din ang atensyon sa ginagawa.

"What did you say?"

"Wala brad. Sabi ko busy kami. Kayo hindi?"

"We're done. Let's drink tonight since wala namang pasok tomororow."

"Pass." sagot ni Cole na nakapako pa rin ang atensyon sa ginagawa.

"Pass 2"

"Pass 3"

Sagot ni Drew at Nico.

"Cole, please? You're not joining us na."

"Busy kasi yang boss namin."

"You're always with your sister. She's old enough to fend for herself." May pagkairita na ang tono ni Maxine kaya napaangat ng tingin si Cole. It's a warning look before he returned his attention to what he's doing but Maxine ignored it.

"Eh baby niya yun eh. Natural uunahin niya."

"She's no longer a kid. Kaya pabebe kasi you're treating her like a baby."

Cole stopped what he's doing. He's trying to control his anger.

"Below the belt ka dun brad. Hindi pabebe ang bunso namin."

"Whatever." sagot ni Maxine and returned her attention to Cole. "Cole, samahan mo na lang akong magdinner."

"May lakad pa ako." Maiksing sagot ng binata. Ibinigay niya ang drafts kay Nico at kinuha ang mga gamit. "Kayo na ang mag-ayos niyan. Kita na lang tayo sa bahay." He took his bag and left the room without looking back kaya hindi niya nakita ang matalim na tingin ni Maxine na nakasunod sa kanya.

My Protector: I Love Him, It's a Secret Where stories live. Discover now