Cole worked non-stop para lang makuha ang Gothenburg Railway Project. Ginagawa niya ang existing projects sa umaga, tinatawagan si Raya pag-uwi ng bahay, binabantayan ang mag-ina niya hanggang makatulog at tinatapos ang project proposal sa gabi. Halos 2AM na siya natutulog araw-araw para lang mapagkasya ang oras niya at makauwi sa susunod na buwan. Ito ang naging daily rhythm niya. It's been a month since he found out about Raya's pregnancy and he made the nights into days para lang makauwi sa mag-ina niya bago ito manganak. This thought fueled him to work extra hard.
Hindi pa nila nasasabi sa mga magulang nila ang tungkol sa kanila maliban sa tatay ni Cole. Pero hindi importante yun. Ang importante ay mapasa itong project at makapagbakasyon siya ng 3 months para sa mag-ina niya. His hunger to see Raya became unbearable as the days passed. He can almost feel her in his arms at walang pwedeng humadlang na mangyari yun. In his state of mind, he can do everything para lang mangyari iyon.
"Tol, Mr. Johansson left a message sa secretary ng daddy mo. Tawagan mo daw siya around 3PM." si Mr. johansson ang biggest investor ng railway project.
"Salamat tol."
"Tangina tol, puno na ang bahay mo ng mga gamit ng bata. Baka di na magkasya yun sa unit niyo ni Raya." naglipat na si Nico at Drew sa kabilang apartment para mas malaki na din ang space nila dahil sa nakakaipon na din sa ilang buwan nila dito sa Sweden.
"Hindi yan. Ilalagay muna namin sa Laguna ang iba habang hindi pa kami nakahanap ng mas malaking bahay malapit sa work ni Raya."
"Tol, baka nakakalimutan mong mahigit dalawang buwan lang yun kung sakali ha. Parang di ka na babalik eh."
"Gago! Mapapatay ako ni Raya pag di ako bumalik."
"Hahaha! Oo nga pala. Takot ka pala sa boss baby mo."
"Hindi sa takot. Ayoko lang mawala."
"Yun na yon. Kaya tiklop ka eh."
"Pota, dapat ako ang galit na tinago niya saken ang pagbubuntis niya, iniyakan lang ako wala na."
"Laftrip ka tol. kelan ko kaya mararanansan yun." Natatawang sagot ni Nico habang busy sa ginagawang draft ng construction project sa computer.
"Kung magseryoso ka kaya sa panliligaw mo. Hindi yung nakikipaglokohan ka sa mga babae sa HR department."
"Pota! Di nga ako makaporma dun tol. Kapag nagagawi ako dun laging tinatanong number mo o kaya bakit daw hindi ka pumupunta dun at kung talaga bang suplado ka kasi di ka daw namamansin."
"Tss!"
"Sinabi ko nalang na seryoso ka sa buhay at baby on the way kaya porsigido. Kaya marami atang na heartbroken dun sa HR. Di ko nga maintindihan kung bakit ang daming nagkakagusto sa'yo dito. Parang isang paligo lang naman ang lamang mo saken."
"Tangina! Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo Nico." tinapunan ng nakalukot na papel ni Drew ang kaibigan.
"Totoo naman. Sa ating tatlo, ako naman susunod sa sex appeal dito kay Cole. Ikaw medyo malayo pre. Mga lima o sampung paligo pa ang kailangan."
"Gago! Kaya walang nagkakagusto sa'yo kasi ang hangin mo."
"Sa true lang tayo pre. Mga babae dito mahilig sa mga pinagbabawal eh. Kung hindi sa may asawa dun sa may girlfriend ang hinuhunting nila. Buti tong pare natin napakaloyal."
"Paano pa titingin sa iba yan eh yung ihihinga na lang itatawag pa kay Raya. Matindi ang pagkahulog eh."
"Nandito ako ha. Baka nakakalimutan niyo. Ang lakas niyo kong pag-usapan eh."
*******
Raya went out to grab for something to eat. Malapad pa ang ngiti niya dahil kakatapos lang nila mag videocall ni Cole habang breaktime nito. Nakisali pa ang mga officemate ng boyfriend niya kaya mas lalong riot ang usapan.
YOU ARE READING
My Protector: I Love Him, It's a Secret
Fiksi PenggemarShe loves him, that's her secret He's her stepbrother at kailangan niyang pigilan ang nararamdaman. Bata pa lang sila ay mahal niya na ito. Kaya bang pigilan ang puso? ****** This is written in Taglish This is a work of fiction. Any semblance to rea...