Chapter 4: Hiding Feelings

1.2K 50 11
                                    

"Alam mo Raya, yang style mo bulok. Napapansin kong iniiwasan mo ako since nagpunta tayo kina Trixie." Siniko ni Lora ang kaibigan.

"Hindi ah. Na busy lang talaga ako." Pagsisinungaling ni Raya pero ang totoo ay iniiwasan niya talaga ang kaibigan para hindi na ito magtanong.

"Alam mo ikaw. Hindi ka marunong magsinungaling kaya wag mo ng subukan. Di ko nga alam kung bakit di ka pa nabubuko ni Cole na may gusto ka sa kanya." Pambubuko pa sa kanya ni Lora

"Ano bang pinagsasabi mo? Punta na tayo sa canteen at nagugutom na ko."

"Lasing lang ako nun pero hindi ako bingi Raya. Alam ko na di kayo totoong magkapatid ni Cole." Hinawakan ni Lora ang kamay ni Raya para patigilin ito.

"Ano naman ngayon?"

"At alam ko din na may gusto ka sa kanya. Sinabi mo kaya sakin." Tinaasan ng kilay ni Lora si Raya as if challenging her to deny it.

"Ang bibig mo. Hinaan mo lang ang boses mo baka may makarinig." Luminga linga pa si Raya para siguraduhin na walang nakasunod sa kanila.

"Kailan pa?" Naglakad na sila ulit patungong canteen pero ayaw pa rin tumigil ni Lora kakatanong.

"Di ko din alam. Wag mong banggitin ang name please."

"Sige. Ano ba pwede nating code name sa kanya? Ah...si 'noser' na lang!" napangisi pa si Lora sa naisip na code name.

"Bakit noser? Ang pangit naman nun."

"Anong pangit? Maganda kaya yun. At ang sarap kaya mag slide sa ilong ng kuya mo."

"Bahala ka na nga! Bilisan mong maglakad baka makita niya ako. Sabi ko kasi may gagawin tayo sa library kaya di ako makakasama maglunch."

"Ah, balak mong umiwas. So kailan mo nalaman na may gusto ka dyan kay noser?"

"Ewan, baka noon pa. Pero kasi nung pinakilala niya saken si Maxine, yung classmate niya na kinukwento ko sa'yo, parang natakot ako na mawawalan na siya ng time saken. Tapos, everytime na tinitingnan niya ako, parang ang hyper ng tiyan ko. Parang kinakabag ako." nalungkot ang mukha ni Raya.

"Alam ko naman na bawal to bes kasi nga dapat magkapatid kami. Kaya, you need to help me. Hanapan mo ako ng pwedeng icrush para iuncrush ko na si Coley." Nakasimangot na sabi ni Raya sa kaibigan.

"Eh si Justin. Diba nanliligaw sa'yo yun mula 1st year?"

"Masyadong nerd yun. Hindi ko bet. Wala kaming something in common."

"Si Jordan. Yung basketball player. Kalaro nga yata ng kuya mo yun. Alam ko na bes, nood tayo ng laro nila mamaya baka may makita ka na icucrush dun." Lora stopped and placed her finger on her temple as if a brilliant idea came to mind.

"Hindi pwede. Nandun si Cole."

"Ano naman ngayon? Sabi nga nila, face your fears. Mas mabilis kang maka moveon kung kakayanin mong makita ang tao na yun. Maniwala ka saken."

"Lagi ko naman talagang nakikita yun. Eh kasama ko sa bahay yun eh. At pano naman ako maniniwala sa'yo eh pareho lang tayong NBSB." Pambabasag ni Raya sa kaibigan kaya napaismid ito.

"Basta. Nakikita ko yun sa mga teleserye." Bigla namang napahinto ulit si Lora na parang may magandang naisip ulit.

"Ay bes alam ko na! I crushback mo na lang kaya yung Lawrence. Pogi kaya yun. Engineering din yun at basketball player. Diba ka calibre ni kuya noser." kumindat pa ito sa kanya.

"Ewan ko sa'yo. Ikain na lang natin to." kinuha niya ang phone sa bag kaya hindi niya nakita ang makakasalubong at nagkabanggaan sila.

"Oh sorry." siniko siya ni Lora na halatang kinikilig kasi pinaguusapan lang nila ang binata kanina.

My Protector: I Love Him, It's a Secret Where stories live. Discover now