Chapter 22: Stand By Me

1.2K 37 15
                                    

"I'm sorry Coley." Pinunasan ni Cole ang mga luha sa mata ng kabiyak.

"Shhh...stop crying baby."

"Ayokong magalit sa'yo si dad. Ayokong magalit si mommy saken kasi kasalanan ko. Ayokong may masasaktan ako."

"Love, hindi kasalanan na nagmamahalan tayo. Kahit ano ang maging desisyon mo may masasaktan ka. Kami ng anak natin o yung parents natin. Ayaw kitang papiliin mahal, pero sabay nating harapin to. Wag mo naman akong basta basta na lang bibitawan."

"Forgive me Coley. I'm afraid. Naguguluhan ako. Paano kung -"

"Baby, makinig ka. Diba nangako ka saken ng panghabangbuhay nung nagpakasal tayo? Yun lang hihingin ko sa'yo. Don't break that promise. Ako na ang bahala sa lahat."

Hinalikan ni Cole ang nanginginig na labi ni Raya.

"Kung mahal ng daddy mo si mommy, hindi siya madadamay kung sakaling magalit man si tito sa akin. At tama lang na magalit siya love kasi totoo naman ang sinabi ni mommy na pinagkatiwala ka niya saken. Pero bandang huli ay maiintindihan niya na mahal kita at hindi kita kayang saktan. Kayo lang ni baby Ichiro ang kailangan ko love. Kakayanin ko lahat."

"Ang bigat ng puso ko Coley. Naisip ko pa lang na maghihiwalay tayo. I'm sorry for even thinking about it."

Kinarga ni Cole ang asawa at naupo siya sa sofa habang nakakandong ito sa kanya.

"Ang baby ko, next time kasi kausapin mo ako. Hindi yung tatakbo ka na lang agad. Hindi magiging solusyon ang pagtakbo sa problema. Alam kong bago to sa ating dalawa pero diba partners tayo? Hindi mo dapat inaako lahat. Dapat katuwang mo ako sa lahat ng bagay."

"Paano kung ilayo ako ni dad sa'yo?"

"Hindi niya gagawin yun. Ako ang lalayo sa'yo kapag nagkataon na panghimasukan nila ang buhay natin."

"Tama ba tong ginagawa natin, love?"

"Don't ever doubt our relationship. Kakayanin natin to mahal. I was thinking na ngayong may baby na tayo, di ako kampante na mag-isa ka dito kaya my hihilingin sana ako love."

"Anything for my Coley."

"Sumama  na lang kayo ni baby Hiro saken sa Sweden. Doon maaalagaan ko kayo at siyempre, namimiss ko din ang pag-aalaga ng misis ko." Ginawaran ni Cole ng mumunting halik ang balikat pataas sa leeg ni Raya.

"Diba I promised to be a lawful wife, kung nasaan ang asawa ko nandun din ako."

"You made me so happy love. Pero sigurado ka ba na hindi ka napipilitan? Kasi kakayanin ko naman basta masaya ka baby."

"Iba na ngayon love. May baby na tayo. And I will tell you the truth, I'm so sad when we're away. I tried to be okay pero namimiss kita lagi. I'm not happy here."

"Hay ang baby ko. Bakit ba kasi ako pumayag na maiwan ka dito." He adjusted her in his lap and caressed her face. Agad namang yumuko si Raya para mahalikan ang asawa. Ang swerte niya dahil hindi madaling sumuko si Cole sa kanya. Siguro oras na din para hindi siya matakot na ipaglaban ang pagmamahalan nila ng asawa. Nabawasan ang takot niya. Ng maghiwalay ang mga labi nila ay pinakatitigan ni Raya ang mga mata ng asawa.

"Thank you Coley. From now on, I will be brave. I will be the best wife for you."

"You're already the best for me baby."

*********

"Kumusta ang byahe mga anak? Excited na akong makita ang apo ko. Patingin nga sa baby namin?"

Humalik muna si Raya sa daddy niya at ganun din si Cole na tinapik naman sa balikat ni Dave.

"Ang laki na agad wala pang isang buwan ah." Napatingin pa ito sa dalawa at napangiti.

My Protector: I Love Him, It's a Secret Where stories live. Discover now