Ngayon ang huling araw ni Raya sa CBS at gaya ng nakagawian, nakabantay na si Cole sa pinto para pagbuksan ang asawa habang hawak ang isang tangkay ng rosas. He's been doing this every weekdays for the past 35 years.
It's Raya's retirement day. Nagpahanda ang mga anak at apo nila ng simple dinner sa garden sa kanilang bahay where they always spend most of their nights lately just to look at the stars and reminisce on things that they've shared through the years. It's a simple dinner that he specifically requested kahit pa nagpumilit ang mga anak ng bonggang handaan. He also requested to have this night alone with Raya at magcelebrate na lang sila ulit sa susunod na Linggo kasama ang buong pamilya. He smiled when he remembered Rumi's banter.
"Si papa talaga! Until now madamot pa rin pagdating kay mama."
"Hayaan mo na si papa love. Ganyan niya lang kamahal si mama. Parang hindi ako ganun sa'yo ah." Niyakap naman ng mister si Rumi at nagharutan na sa harap ni Cole na nagpangiti dito.
He felt lucky to see his children grow up well, get a job and became successful, built their own names, owned businesses, married the one they love and have children. At higit sa lahat, their bond never deter. Palagi silang kasama sa mga milestones ng mga anak. Raya has great relationship with her daughters-in-law. Mas malapit pa nga ito sa mga manugang at kakampi nila kesa kay Hiro at Colin.
They have 5 grandchildren from Hiro and two from Rumi and Colin. At syempre lahat ay lolo and lolas babies. Bawat isa ay pantay ang pagmamahal at atensyon, walang mas paborito dahil lahat sila paborito.
Cole was stirred back go present when the door opened.
"Sir, upo po muna kayo. Medyo matatagalan pa po lumabas si mam Raya at ayaw pa po nilang pakawalan."
"It's okay Bert. Pagbubuksan ko pa ng pinto ang misis ko. Ayokong paghintayin yung mahal ko." Nakangiting sabi ni Cole sa gwardiya na si Bert.
"Ako na lang po ang magbubukas Mr. Trinidad."
"I've been doing this for my wife for 35 years. Walang sama ng panahon, sakit o tampuhan na nagpatigil sakin para buksan ang pintong to para sa kanya. Ngayon pa ba na huling araw na para magawa ko to sa kanya ay mapapagod ako? Hindi Bert, kaya dito lang ako."
Tumagos naman yun sa puso ng gwardya. Totoo nga. Sa higit sampung taon niya dito sa kumpanya, walang mintis si Cole na pagbuksan ng pinto ang asawa. Napaisip tuloy siya kung ano ang isang bagay na nagawa niya para sa misis. He can't think of anhthing special and he thought na hindi pa huli para gawin iyon. His heart felt lighter and he can't wait to go home to see his wife.
Narinig na ni Cole ang boses ng mahal kaya napaayos ito ng tayo. Hanggang ngayon, bumibilis pa rin ang tibok ng kanyang puso kapag naririnig ang malambing na boses ni Raya o makitang papalapit ito. Gaya ngayon, hindi pa ito nakatingin sa direksyon niya dahil kumakaway ito sa mga kasamahan, ay tuwang tuwa na ang puso niya to finally see her after a long day's work.
Nang tumingin si Raya sa direksyon ng asawa ay mas lalong lumapad ang ngiti nito. May mga bagay man na hindi sigurado sa buhay, alam ni Raya na pagdating sa Coley niya, lahat ay sigurado. Alam niya na gigising siya na nakatingin ito sa kanya, hinahaplos ang mukha at buhok niya and he will greet her good morning before pressing his lips to hers. Alam niya na paglabas niya ng banyo pagkatapos magshower ay nakaabang ito para suklayin ang basang buhok niya. Alam niya na pag uwi galing trabaho, pagkatapos kumain ng lahat ay aakyat sila ng kwarto at mamasahehin nito ang mga paa niya. Alam niya na kapag hindi siya makatulog ay hahaplusin nito ang likod niya habang kinakantahan siya at ipapaalala kung gaano siya nito kamahal. Alam niya na kapag oras ng pagkain ay may hihila ng upuan para paupuin siya at maghihimay o maghihiwa ng ulam niya para di siya mahirapan. At higit sa lahat, alam niya na paglabas niya ng trabaho ay mga ngiti ni Coley ang sasalubong sa kanya at magwawala ng lahat ng pagod niya. These are the things she's looking forward to everyday.
Coley opened the door for Raya and pulled her to his arms like it's always the first time.
"Na miss kita ng buong araw love." Bulong ni Cole sa asawa bago inabot dito ang isang tangkay ng rosas.
"Na miss din kita love." Si Raya naman ang yumakap sa asawa at inangat ang mukha para masuyo siyang mahalikan nito.
They left the building, holding hands while Raya recounted what happened inside during her Farewell Party.
When they reached the parking lot, Coley opened the door for Raya, secured her head para hindi mabunggo and went go the driver's side and drove home.
"Akala ko ba kakain tayo sa labas love?" Nagtatakang tanong ni Raya ng mapansin na rota papunta sa bahay ang tinatahak nila. Ang alam niya kasi ay kakain sila sa restaurant at magcecelebrate with the family sa beach next week.
"Me and the kids have a little surprise for you kaya sa bahay na lang tayo." Inangat ni Cole ang kamay ng asawa na kanina pa niya hawak habang nagdadrive and brought it to his lips.
"Are they home? Will they spend the night with us? Namiss ko na ang mga bata at mga apo natin." Hope evident in Raya's eyes.
"I'm sorry love pero hiniling ko sa mga bata na solohin muna kita ngayon." He looked at her with that boyish smirk that hasn't failed to make her heart skip a beat. Hinila ni Cole palapit sa kanya ang asawa at hinilig naman ni Raya ang ulo sa balikat ni Cole.
They arrived in an empty home. Kakaalis lang ng bunso na si Colin para siguraduhin na maayos ang lahat bago dumating ang mga magulang.
Cole put Raya's bag inside the house. Nagpalit din sila ng house slippers para maging komportable and Cole took out a shawl from the cabinet and draped it to his wife's shoulder.
Namangha si Raya ng makita ang set up. Merong mga topiaries sa paligid at flower arrangement ng mga bulaklak na paborito niya. There's a table with stainless food warmers and another table set up for two and candle in the middle.
"Ang ganda Coley. I love you mahal." Pinalibot ni Raya ang mga braso sa leeg ng asawa at hinalikan ito ulit.
"I love you too baby. Only the best for my Raya."
Pinaghila ng upuan ni Cole ang asawa and served her with warm food. They ate as they talk about anything and everything under the sun. They ended the meal with a glass of wine.
Pagkatapos kumain ay dinala ni Cole ang asawa sa swing sa gitna ng garden. He wrapped her in his embrace as they look at the sky.
"Saan mo gustong pumunta mahal pagkatapos ng bakasyon natin kasama ang mga bata?" Tanong ni Cole kay Raya habang ginagawaran ng maliliit na halik ang buhok nito.
"Kahit saan basta kasama ka love."
"How about a Carribean Cruise? O mag Sweden tayo ulit?"
"Gusto ko yan love. Mag Sweden muna tayo then mag cruise."
"Okay mahal. Sabihin natin sa mga bata." He caressed his wife's arms as she laid on his shoulders, arms wrapped around his waist.
"Love, mahal na mahal kita. At palagi lang kitang mamahalin. Thank you for giving me the best family. It wouldn't be possible without you." Muling hinalikan ni Cole ang tuktok ng ulo ni Raya.
"Mahal na mahal din kita love. Thank you for protecting me mula nung mga bata pa tayo hanggang ngayon. Building our future together is the best thing that I did with you. Promise that I will always hold your hand like you are with mine."
They stared at each other's eyes and kissed gently as they smile thinking how lucky they are to have found each other.
This is Cole and Raya's story.
The END
YOU ARE READING
My Protector: I Love Him, It's a Secret
Fiksi PenggemarShe loves him, that's her secret He's her stepbrother at kailangan niyang pigilan ang nararamdaman. Bata pa lang sila ay mahal niya na ito. Kaya bang pigilan ang puso? ****** This is written in Taglish This is a work of fiction. Any semblance to rea...