Cole's POV
Noong sinabi ni Raya ang tungkol sa tawag ni Mommy ay yung gabi na balak ko na ring sabihin sa kanya ang tungkol sa offer ni Dad. I gave myself two weeks to decide kung tatanggapin ko ba yun o hindi but Raya decided for us. Lahat naman ng sinabi niya tama at napagtanto ko na paano ko tutuparin ang pangarap ko para sa amin kung hindi ako susugal?
Sa dalawang linggo na yun umasa ako na makakahanap ako ng trabaho dito para hindi na kami magkalayo.
I was planning to ask her to join me pero naisip ko na pagiging makasarili na naman ang inuuna ko. When I looked at her and saw how happy she was sa trabaho niya, how her eyes lit up kapag nagkukwento sa nangyayari sa news room, how satisfied she was na sa ilang buwan pa lang ay nagagawa niya na ang mga pangarap niya lang noon, I castigated myself for even thinking of rooting her out para lang maging masaya ako at di siya malayo sa akin. I bought the engagement ring and planned a simple proposal na kaming dalawa lang para sana masecure kami kung ano man ang mangyari pero naunahan na ako ni Raya at hindi pinayagan na magpropose ako.
Alam ko na kagaya ko ay natatakot din siya sa mangyayari in the next two years. Siguro pareho kami ng kinatatakutan...that as we grow separately, what we feel for each other will grow apart. Pero ako sigurado na eh. Kahit ilang babae man ang makita ko, wala nang makakapasok sa puso ko kasi naukupa na ni Raya ang bawat sulok nun. At sinabi ko sa sarili ko, kung sigurado na ako, why doubt Raya's love for me? Parang ang unfair naman yata nun. And that thought made me feel secure.
Pero iba pa rin ang lungkot. Hindi pa rin mawala ang pagkamiss. Kahit araw araw kong nakikita sa screen ang maganda niyang mukha at naririnig ang malambing niyang boses ay namimiss ko pa rin na mahalikan at mahawakan ang mahal ko. Ang simpleng paglalambing niya, ang biglaang pag upo sa kandungan ko at pagpulupot ng kamay sa leeg ko kapag inaasar ko siya, ang pagbusangot niya kapag pinipilit kong kumain ng gulay, ang pagtawa niya sa sarili niyang jokes na alam naman naming pareho na sobrang corny at wala sa timing kaya nagiging nakakatawa, at ang pag iyak niya sa maliliit na bagay. Lahat yun namimiss ko sobra.
I stayed sa bahay ng erpat ko ng two months pero lumipat na rin kami ng apartment pagdating nina Nico at Drew. Medyo kaya na ng bulsa dahil may kahati na ako at kumikita na rin.
Medyo naaasiwa kasi ako sa bahay ng tatay ko at ang layo ng edad ng mga half siblings ko sa akin. Siguro dahil naiisip ko pa rin kung paano nasaktan si mommy before ay hindi ko magawang maging okay ang relasyon sa bagong pamilya ng erpat ko. We maintain civil relationship naman. At thankful din ako sa tatay ko kasi nahanap ko ang trabahong to na magiging simula para matupad ko ang pangarap ko para sa amin ni Raya.
I picture how mommy and tito will react kapag sinabi na namin ang tungkol sa amin. Alam kong baka mapatay ako ni tito pero handa akong harapin ang galit niya. Mahal ko si Raya at papanindigan ko yun magkamatayan na. I am willing to leave everything behind, forget anyone, para sa babaeng pinakamamahal ko. Napangiti ako habang tinitingnan ang napakaganda niyang mukha sa hawak ko na picture frame.
"Tol, sasabay ka ba sa amin ni Drew?" Narinig kong tawag ni Nico sa sala kaya hinalikan ko na ang picture ng mahal ko at mabilis na lumabas.
"Kaninong sasakyan gagamitin natin?" Tanong ko sa dalawa na nag aayos ng gamit nila.
"Sa'yo syempre. Mas malaki yun at mas maganda."
"Hanep! Makatanong kung sasabay ako. Kayo pala itong makikilibre. "
"Mukhang maganda ang gising natin ah. Nakatawa kahit manlilibre ng gas."
"Lagi namang masaya yan basta nakausap ang baby niya." Natatawang sabi ni Nico.
"O bilisan niyo na. Mamaya ma late pa tayo." Sabay kaming pumapasok para makatipid sa gas. Mahirap din dito sa ibang bansa. Bawat galaw mo may bayad at napakamahal kaya kailangang magtipid din.
YOU ARE READING
My Protector: I Love Him, It's a Secret
FanfictionShe loves him, that's her secret He's her stepbrother at kailangan niyang pigilan ang nararamdaman. Bata pa lang sila ay mahal niya na ito. Kaya bang pigilan ang puso? ****** This is written in Taglish This is a work of fiction. Any semblance to rea...