Chapter 27: Restroom 🔞

1.6K 32 25
                                    

"Andito pala ang magandang misis mo Trinidad."

"Hi Sir Jon. Akala ko di ka pupunta?" Kinamayan ni Cole ang head ng department nila. Nakilala na nito si Raya nung unang pagpunta nito sa office niya.

"Good evening po."

"Mabuti at sumama ka. Madaming nagkakainteres sa mister mo. At least alam nila na hindi niya lang gawa-gawa ang kwento niya na may asawa na siya." natatawang sabi ni Sir Jon. "Wag ka mag-alala at mukhang matino itong mister mo hindi kagaya ng mga kasama niya.

"Ouch sir! Below the belt yun ah." natatawang sagot ni Miguel.

"Ano De Jesus? Alam ba ng asawa mo ang sideline mo dito?"

"Sir, playtime lang po yun. No strings attached."

"Ikaw, pag nalaman ng misis mo yan baka wala ka ng uuwian. Ang hilig niyong maglaro ng apoy. Pag napaso kayo ewan ko na lang." sabi naman ni Mr. Tingson. Isa din sa mga seniors sa kompanya.

"Sinasabi ko sa inyo mga bata pa kayo. Pero kapag napagdaanan niyo ang kapalit niyan siguradong hihilingin niyo na hindi kayo nagpadala sa panandaliang saya." dugtong pa nito.

"Kaya ako sir, hindi talaga ako naggigirlfriend. Sakit lang sa ulo yan. At least di ka nakakasakit, di ka pa nasasaktan." nakangising sagot ni Drew.

Naramdaman ni Cole ang paghigpit ng kapit ng asawa sa braso niya. Tiningnan niya ito at nakita niya sa mukha ng asawa na hindi nito nagustuhan ang narinig. He gave her a weak smile and kissed her forehead.

"Let's go home na baby?"

"Ang aga pa Trinidad. Enjoy the night. Gusto mo na namang solohin ang asawa mo."

"The other baby is waiting." natawang sagot ni Cole kaya kinurot siya sa tagiliran ni Raya na namumula dahil sa hiya.

"Naku Miss Raya wag po kayong mahiya. Sanay na po kami kay Sir Cole. Ikaw lang naman po ang favorite topic niyan noon. Ngayon, kayo na ng baby niyo." napangiti naman si Raya and looked at her husband with love-filled eyes.

"Love, CR lang ako."

"Samahan na kita baby."

"No na. I'm fine. Just stay with them."

"Okay. Bilisan mo babe and be careful."

"Opo." She offered her lips that he kissed tenderly, oblivious of the people around them.

Akala ni Raya ay may CR sa dulo yun pala ay elevator kaya bumalik siya at nagtungo sa left side ng ballroom. Bago pa man niya nakita ang CR ay may humarang na sa dadaanan niya.

"Hi miss. Seems like you're lost. Are you looking for something or someone?"

"Ah...I'm looking for the restroom." the lady that took his attention since her entrance is looking at him with her almond eyes. Parang hinihigop siya nito and he was not able to respond right away. He was lost for words as he got mesmerized by those intriguing yet innocent as a child set of eyes.

"Excuse me. Can I pass by?"

"Oh I'm sorry. It's on the far end. I can join you so you won't get lost."

"No po it's okay. I can find my way." How can he feel offended if her voice is like music to his ears?

"By the way, I'm Leon Montejo." Inilahad nito ang palad kay Raya

"Yara Isabela Garcia-Trinidad."

"Beautiful name for a beautiful lady. I'm glad to meet you Yara." tiningnan ni Raya ang kamay dahil hindi pa rin nito binibitawan ng binata and she's getting uncomfortable.

My Protector: I Love Him, It's a Secret Where stories live. Discover now