"Oh lover! This is beautiful." Napaawang ang bibig ni Raya ng makita ang nakaset up na table for two sa gitna ng garden sa isang sikat na outdoor restaurant.
"I'm glad you liked it baby."
"Grabe namang effort mahal. I thought simple dinner lang. Next month pa anniversary natin ah."
"Can I not surprise the most important girl in my life? We have a lot to celebrate." Sagot ni Cole habang inaalalayang maupo ang asawa. Halata na ang tyan nito dahil 4 months na ang pinagbubuntis niya.
"Our 11th monthsary, Hiro's 10th month, my princess 4th month at yung simpleng akin ka. Araw araw kong pinagpapasalamat yun baby."
"Ang cheesy lover. Maupo ka na nga. But kiss me first." Tumingala si Raya at masuyong hinalikan ni Cole ang labi nito. Gaya ng dati, hindi nagbabago ang pagmamahal niya sa una at kaisa-isang babae na nagparamdam sa kanya ng ganito. Yung tipong bumibilis ang tibok ng puso niya makita niya lang ito, yung napapapigil hininga niya ngiti pa lang, yung parang gusto niyang tumigil ang oras para mas matagal silang magkasama. Hindi nagbago iyon sa pagdaan ng panahon. Ilang taon na nga? Pito? Walo? Pero hanggang ngayon ay parang bago. Kayang kaya pa rin ni Raya na patigilin o pabilisin ang tibok ng puso niya. She's his life. Umiikot ang mundo niya dito at hindi siya mahihiyang aminin iyon. Simula pa lang, hindi pa niya alam na mahal niya na ito ay hinayaan niya nang umikot ang mundo niya kay Raya. Ngayon pa ba na mag-asawa na sila at may pamilya na? Raya is his universe and she always will. Naalala ni Cole ang mga panunukso ni Drew at Nico at totoo ang lahat ng mga iyon. In fact, madami pa silang hindi alam na si Cole lang ang may alam.
Ang mga panahong hinihintay niyang umulan, kumulog at kumidlat para may rason siyang puntahan si Raya dahil alam niyang takot ito. Na hindi niya maintindihan kung bakit gusto niyang protektahan ito sa lahat ng bagay. Na habang kinakantahan niya ito habang simpleng magkatabi lang sila ay parang may kung anong humahaplos sa puso niya.
Ang mga panahong inuubos nila ang oras kakapanood ng kung ano anong movies o series sa Netflix na wala naman siyang maintindihan kasi panay lang ang sulyap niya kay Raya. Gusto niyang maintindihan kung ano ang meron ito na nagdudulot ng ibang pakiramdam sa puso niya at the same time parang ayaw na din niyang maintindihan. Na sa halip magbasketball o makipagbonding sa mga barkada ay lagi niyang pinipili na makasama ito at sakyan ang mga trip ni Raya.
Ang mga panahong hinahanap hanap niya ang mga kalat nito sa kwarto, sa banyo dahil naging trabaho niya na na magligpit ng mga kalat ng dalaga. Na ang totoo, sa bawat pagkakataon na pinapagalitan niya ito ay hinihiling niya na wag itong magbago dahil handa siyang magligpit ng mga kalat nito.
Ang mga panahong hinihintay niya ang mga lambing nito. Na kahit pinapakita niyang naiinis siya ay lihim siyang napapangiti sa bawat yakap, halik, biglang kandong o piggy back at "mahal kita Coley" na bulong nito na humahaplos sa puso niya.
Ang mga panahong kailangan niyang umalis hindi dahil nahihirapan siya sa byahe papunta sa school kung hindi para iwasan ang nararamdaman niya dito. Yung tinangka niyang ibaling sa iba ang atensyon pero siya lang din ang nasasaktan at siya lang din ang unang sumuko.
Ang mga panahong selos na selos siya sa mga lalaking kausap nito o kahit yung mga nakatingin lang dito pero wala naman siyang magawa kundi maging protective "kuya" lang.
Ang mga panahon that they were so carefree and chose to be honest on what they felt, na pakiramdam ni Cole wala nang makakasira ng kasiyahan nila. Yung panahon na sobrang saya niya kasi wala man silang label pero ramdam niya na mahal din siya ni Raya. Ito ang mga panahon na wala nang pumapasok sa utak niya kundi ang makasama at makatabi ang babaeng mahal niya. Na habang nasa klase ay tanging laman ng isip niya ay kung gaano katamis at kalambot ang mga labi ni Raya, how her skin felt to his touch, how she writhe beneath him or above him. How beautiful she is as she peacefully sleeps beside him after their lovemaking. Hindi niya alam paano siya nakagraduate na Cum Laude habang wala nang laman ang puso at isip niya kundi si Raya.
YOU ARE READING
My Protector: I Love Him, It's a Secret
FanfictionShe loves him, that's her secret He's her stepbrother at kailangan niyang pigilan ang nararamdaman. Bata pa lang sila ay mahal niya na ito. Kaya bang pigilan ang puso? ****** This is written in Taglish This is a work of fiction. Any semblance to rea...