Chapter 21: Decision

1.2K 41 16
                                    

Hindi nag-uusap ang mag-inang Cole at Dina habang nasa labas ng emergency room. Hinihintay ang doctor na lumabas. May kanya kanya silang iniisip. Si Dina ang unang lumapit sa anak.

"Nak -"

"My, nakikiusap po ako. Pag-usapan na lang po natin pag maayos na ang lagay ng mag-ina ko. Wala po ako sa tamang huwisyo ngayon at hindi rin po ako makakasagot ng maayos. Yun lang my."

He's pacing and praying na maging okay ang Raya niya. Hindi niya kakayanin kapag may mangyaring masama kay Raya. Naalala niya kung paano niya alagaan ito mula pagkabata. Ni ayaw niyang madapa ito, makagat ng lamok o mainitan. Sa mga oras na may lagnat ito at walang ganang kumain ay pinapanalangin niya na sa kanya na lang ilipat ang sakit. Tapos ngayon, ni hindi niya alam kung may masakit ba dito.

Nakita niyang palabas na ang doctor at sinalubong niya ito.

"Doc, kumusta po ang asawa ko?"

"Are you Mr. Trinidad?" Tumango si Cole bilang sagot.

"The bleeding has stopped but she's also dilated. Pinatawagan ko na ang OB niya and she will be here any minute. We will transfer her to the delivery room. Are you coming with her?"

"Yes po Doc."

"Okay." Lumingon ito sa isa sa mga nurse. "Nurse, please assist Mr. Trinidad.

After wearing the scrub suit na binigay ng nurse at nagdisinfect ay pumasok na siya sa room kung nasaan ang asawa. Gising na si Raya pero maputla pa rin ito.

"Baby, how are you feeling? May masakit ba?" hinalikan ni Cole ang noo ni Raya at dinampian rin ng masuyong halik ang mga labi nito.

"Sabi ni Doc okay na daw ang baby natin." napapangiwi ito everytime nagcocontract ang tyan.

"Yes baby. Dadalhin ka na sa delivery room. Ilang oras na lang lalabas na ang baby natin mahal."

"Cole, asan si mommy?" nawala ang malambing na Raya. Seryoso at malungkot ang boses nito kaya natatakot si Cole.

"Nasa labas, love. "

"Galit pa rin ba siya sakin?"

"No baby. Sa akin galit si mommy."

"Sa akin siya galit love. Kasi kung hindi dahil sakin -"

"Shhh. Wala kang kasalanan baby. Mahal kita, okay?"

"Alam na ni dad?"

"Hindi. Kakausapin ko si mommy na huwag munang sabihin."

"Kapag naghiwalay sila, kasalanan ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko." tumingin ito sa kawalan.

"Baby, makinig ka sakin, sabay nating haharapin to okay? Hindi makakatulong kapag nag-isip ka. Pagkalabas ni baby at kapag okay ka na, aayusin ko to. Mahal kita Raya. Wag mong kakalimutan yan." tila nagsusumamo si Cole. He needs to reach her in the same manner that he needs her assurance that they will face this together. Pero malamlam ang mga mata ni Raya, tila malayo ang iniisip.

"God, please don't take her away from me. Siya lang ang meron ako. Please." tahimik na panalangin ni Cole.

Dinala na si Raya sa delivery room. He caressed her face and kissed her forehead as he encouraged her to push and assured her that everything will be okay. Ng marinig nila ang palahaw ng anak ay agad na niyakap ni Cole ang asawa at hinalikan ang bawat bahagi ng mukha nito.

"Congratulations parents, you have a 9-pound bouncing baby boy." They cleaned their little angel at pinatong iyon sa dibdib ni Raya. Parang may sarili naman itong isip na hinanap ang dibdib ng ina. Tinulungan ni Cole ang anak until he peacefully latched at his mom's breast.

My Protector: I Love Him, It's a Secret Where stories live. Discover now