Chapter 30: Choice

1.2K 29 8
                                    

"Baby, sigurado ka bang tutuloy pa tayo sa dinner? Mainit ka." sinalat ni Cole ang leeg ng asawa. May lagnat kasi ito kagabi.

"I feel better love. Nakakahiya kay dad at tita Lorraine."

"I can always call dad. Ayoko lang na pilitin mo ang sarili mo." Narinig nilang umiyak si Hiro kaya kinuha muna ito ni Cole sa nursery.

"Wait babe. Kunin ko lang si Hiro."

"Gutom na ang baby namin? Hindi ka pwedeng magbreastfeed kay mama today kasi may fever si mama." Ngumiti naman si Hiro sa papa niya na tila naintindihan ang sinabi nito.

"Very good talaga tong tabachingching namin ni mama." inabot ni Hiro ang kamay sa mukha ni Cole kaya hinalikan niya ito.

"Baby, wait lang ha. Kunin ko lang ang feeding bottle at mukhang gutom na."

"Bigay mo na saken love."

"No. Just lie down and rest. Ako nang bahala kay Hiro. Pakiramdaman mo muna. If you don't feel okay, hindi na tayo tutuloy."

He went to the kitchen to prepare Hiro's milk. Pagbalik niya sa sala ay naabutan niyang tulog na ang asawa. Naupo siya sa ulunan nito at hinaplos ang buhok ni Raya habang finifeed ang anak.

"Pinagod mo ba si mama anak? Ang bigat mo na kasi. Si mama kasi ang hilig pang magwork out na hindi naman kailangan." nilipat niya ang tingin sa anak na nakatingala sa kanya.

"Ang swerte mo kasi mama gave up her career for you, for us. Para lang magkasama tayong tatlo. Always make mama feel loved. She sacrificed so much for us." tiningnan ni Cole ang maamong mukha ni Raya. Medyo maputla ito. Siguro dahil sa lagnat. But she's still gorgeous and beautiful. And he loves her so much.

Naisip ni Cole ang mga panahon na hindi pa siya umaamin kay Raya. Nagkakasya lang siyang tingnan ito habang natutulog, kumakain o sa malayo habang hindi ito nakatingin sa kanya. Dinadaan niya na lang sa galit ang kilig kapag naglalambing ito. Naguiguilty siya minsan na may malisya sa kanya ang bawat yakap at halik nito. Ang simpleng pagseselos niya kapag nakikita niya si Raya na may kausap na lalaki. Ang lagi niyang hinihiling na sana may assignments ito para magpatulong sa kanya at mas matagal niyang makasama bago sila matulog. Ang ikinatutuwa niya kapag nagbrownout o umulan dahil alam niyang takot si Raya sa dilim at kulog at kidlat at may rason siya para puntahan ito sa kwarto at papatulugin. Ang takot niya kung ano ang mararamdaman niya sakaling isang araw ay lumapit si Raya sa kanya at sabihin na may mahal na ito. Pero tingnan mo naman kung saan na sila umabot. Malaya niya nang nayayakap at naipaparamdam ang pagmamahal niya dito.

Yumuko si Cole para halikan ang noo ng asawa. Pinunasan niya ang namuong pawis sa noo nito. Sinalat niya ulit ang leeg ni Raya at mukhang bumaba na ang lagnat nito. Inayos niya ang blanket at hinalikan ang mga labi ng asawa bago ito iniwan at hayaang matulog para ilabas ang anak sa terrace.

Naupo siya sa terrace chair at pinagpatuloy ang pagfeed sa anak na tila hindi pa rin nabubusog. Habang tinitingnan si Hiro ay hindi maiwasan ni Cole ang mamangha, kung paanong ang pagmamahalan nila ng asawa ay nakabuo ng isang anghel. Kahulma niya ang mukha nito pero may mga bagay din na nakuha nito sa asawa kagaya na lang ng hugis ng mata nito, ang kilay at ang labi. Madami ngang nagsasabi na magkamukha sila ni Raya kaya akala din ng iba na totoong magkapatid sila. Dahil din siguro sa lagi silang magkasama at halos magpalit na ang mukha. Kinausap at kinantahan niya si Hiro habang nakangiti at iniisip ang mga bagay na pinagpapasalamat niya. Naputol naman ang pag-iisip niya nang magring ang telepono. Tiningnan niya ang caller ID at nakitang si Lora iyon.

"Lors, kumusta?"

"Ito, okay lang. Kumusta na si Raya? May sakit pa rin?"

"Konting lagnat na lang."

My Protector: I Love Him, It's a Secret Where stories live. Discover now