Chapter 15: Keeping the Truth

1.2K 29 16
                                    

"Bes, ready ka ba bang sabihin sa mommy mo?"

"Mukhang wala naman na akong choice dahil halata na."

"Paano mo natatago kay Cole?"

Nasa kwarto sila dahil inaayos ni Raya ang konting gamit na dadalhin pag uwi ng Laguna.

"Inaadjust ko ang camera at usually face ko lang pinapakita ko. Di na ako naglalaptop kasi one time muntik na akong mahuli. Tatayo sana ako para kumuha ng water. Buti naalala ko. Tapos most of the time audio lang. Kapag super miss ko lang siya tska kami nagfifacetime. O kaya pag nagpapaawa siya at di ko matiis. Hehehe."

"Pasalamat ka mahal ka ng jowa mo at sinasakyan yang trip mo sa buhay."

"Lors naman eh. Konting support naman dyan."

"Alam mo naman bes ang stand ko diba? I'm sure maiintindihan ni Cole kapag sinabi mo. Makikinig naman yun kapag sinabi mong wag umuwi."

"Believe me Lors, pinagbibigyan ako ni Cole sa lahat ng bagay pero pagdating sa akin at sa baby namin, hindi mapapakali yun. Oo, sa una he will agree but after 2-3 months, siguradong nandito na yun at iiwan lahat ng nasimulan niya. He's like that."

"Gaya ng di nya natiis na magkalayo kayo nung college?" Tumango naman si Raya bago pinagpatuloy ang ginagawa.

"Paano mo iexplain pag uwi niya? Baka isipin niyang hindi sa kanya?"

Ngumiti si Raya dahil sigurado siya na hindi iisipin ni Cole yun. Magtatampo ito pero alam niya na hahayaan siya nitong mag explain at maniniwala ito. Malawak mag isip si Cole. Tatay nga diba. He's an old soul.

"Magtatampo yun pero hindi ako pagiisipan ng masama ni Coley. I'm sure of it."

Tumunog ang telepono ni Raya. Napangiti siya. Gising na ang mahal niya.

"Hi baby. Na late ako ng gising. May tinapos ako na draft kagabi."

"Okay lang love. Naiwan mo ang laptop na nakabukas kaya napanood kitang natutulog. Tulo laway ka pa nga eh."

"Madaya ka. Yung sayo naman naka off ang cam."

"We talked about it love."

"Wala na akong sinabi. Ready ka na?"

"Yes love. Nandun na daw si Mommy kakadating lang."

"Nagmessage nga kakabasa ko lang. Careful magdrive baby. Defensive Driving lagi"

"Opo love. Eat ka na. Mag restday ka ba or papasok ka pa din?"

"I'm sure magiging busy kayo ni mommy kaya pasok na lang ako. Sayang din pang ipon. Basta tawag ako pag lunch."

"I love you mahal. Babye na para maka eat ka pa ng breakfast before going to work."

"Yes baby. I love you more."

Ibinaba na ni Raya ang tawag at malapad ang ngiti na sinara ang bag.

"Happy na siya. Kelan pala tayo magpacheck ng gender?"

"Pagbalik ko na lang. 2 weeks lang daw si mommy instead of one month dahil may prob sa company nila. By then 6 months na si baby."

"Sige, basta samahan kita. Excited na ko sa inaanak ko eh."

*****

Sobra ang kaba ni Raya habang papalapit ang kotse sa bahay nila. Hindi na maitatago ang pagbubuntis niya. Mula ng nagback office work siya at tinigil ang facetime nila ni Cole ay bigla ding lumobo ang tyan niya.

"Paano ko ba sasabihin? Shit! Kung nandito sana si Coley alam nito lagi ang tamang sasabihin." Naisip niya. Pinahid ang isang palad sa bestida niya. Bumaba siya para buksan ang gate at bumalik sa sasakyan para ipasok sa garahe.

My Protector: I Love Him, It's a Secret Where stories live. Discover now