"Baby, bakit pala puro damit na naman ni Hiro ang mga pinamili mo?" nakahiga si Raya sa dibdib ng asawa habang hinahaplos ni Cole ang buhok nito. They just finished making love at habol pa ng dalawa ang paghinga.
"Uhm, madami pa naman akong damit love. I don't need to buy new stuff."
"Baby, may problema ba? Alam mo naman na alam ko kung may tinatago ka diba? You don't have to hide anything from me. We promised to be honest about how we feel kahit anong mangyari." Itinaas ni Cole ang mukha ng misis para matingnan ito sa mata. Raya can't keep any secret from him. Sa mata pa lang nito ay malalaman na niya.
"I'm trying to save love. Nade-deplete na rin kasi savings ko."
"Anong sinasabi mo? Ano ang purpose ng sahod ko? You have my paycheck. I gave you a credit card and we have our joint account. You can use that any time."
"Pero Coley, money mo kasi yun." yumuko si Raya kasi ayaw niyang tingnan ang mata ng asawa. Nahihiya kasi siyang gastusin ang pera ni Cole dahil ito ang nagpapakahirap magtrabaho. May trust fund naman siya mula sa mommy niya but she allotted that for Hiro.
"Raya, mag-asawa tayo. Obligasyon ko na magprovide sa pamilya natin."
"You're a good provider mahal. You are the best husband and father. You provide everything for Hiro. Sapat na yun. Di na dapat ako dumagdag. Nakakahiya."
"Look at me." Ng hindi tumingin si Raya sa kanya ay napaupo siya.
"I said look at me Raya." may diin na sabi ni Cole habang nakatingin sa asawa. Naupo na rin si Raya at sumandal sa headboard. Ayaw pa rin niyang tingnan si Cole.
"Umiiral na naman yang katigasan ng ulo mo. Diyan tayo mag-aaway."
"So aawayin mo na ako?" malumanay na sabi ni Raya. Parang bata ito na sumimangot at mas umusog papalayo kay Cole.
"Kaya ako nagtatrabaho para sa inyo ni Hiro lalo na para sa'yo. Kung ayaw mo rin lang naman gamitin ang pera na pinagtrabahuhan ko eh ano pa ang reason kung bakit ako nagpapakahirap?" napasuklay si Cole sa buhok out of frustration.
"Mag-asawa na tayo baby. Hindi lang kita girlfriend. Asawa kita. Nanay ka ng anak ko. Ang pera ko, pera mo rin." Ng hindi pa rin sumagot si Raya at nakatingin lang sa kawalan ay napabungtong hininga na lang si Cole.
"Alam mo ba na masama ang loob ko? It made me think na pinilit kitang iwan ang work mo para sumama sakin dito."
"That's no true Coley. I'm sorry." garalgal ang boses na sagot ni Raya pero nanatili pa rin itong nakayakap sa tuhod niya. Napansin ni Cole na pinipigilan ng asawa na umiyak. Naaawa siya dito pero kailangan nilang mag-usap at kailangan nitong maintindihan na iba na ang sitwasyon nila. Hindi sila basta lang maggirlfriend/boyfriend.
"Kung hindi totoo at kung talagang masaya ka then you have to start accepting na iba na ang sitwasyon natin. Ang pera ko ay pera mo. You can spend it however you want. What are you planning to do? Deprive yourself of things that you want dahil hindi ka nagwowork?"
Narinig na ni Cole ang hikbi ng asawa at parang pinupunit ang puso niya. Heto na naman siya. Kagaya ng parati, siya na naman ang unang susuko. Nilapitan niya si Raya at pinalibot ang braso dito bago hinilig ang ulo nito sa balikat niya.
"Hindi ako galit. Masama lang ang loob ko, okay? Kasi hindi naman natin dapat pinagtatalunan to. Ayoko lang na parang hindi mo ako tinatratong asawa mo. Na ayaw mong galawin ang pera na meron tayo."
"I'm sorry Coley. I'm adjusting. At isa pa, you buy me so many things. I don't need anything."
"Doon na tayo baby. But I don't want na dumating ang time that you will feel like you're deprived of things you truly want. Alam mong mahal na mahal kita diba?" tumango si Raya bilang sagot at yumakap sa asawa.
YOU ARE READING
My Protector: I Love Him, It's a Secret
FanficShe loves him, that's her secret He's her stepbrother at kailangan niyang pigilan ang nararamdaman. Bata pa lang sila ay mahal niya na ito. Kaya bang pigilan ang puso? ****** This is written in Taglish This is a work of fiction. Any semblance to rea...