"Di na pala mapipigilan ang construction ng railway boss. Bilib na talaga ako sa'yo."
"Siyempre inspired yang boss natin. Maghanap ka na din ng inspirasyon mo."
"Bakit hindi na napunta si boss baby pre? Akala ko tuloy tuloy na ang free lunch namin eh."
"Nahihiya na raw siya kasi andaming tao. Alam niyo naman yun, sa atin lang komportable. Sinabi ko ngang pumunta lang dito anytime o kina dad kasi nandun naman lagi si tita pero sa bahay lang daw siya."
"Naku, baka mabore sa bahay si Raya boss at biglang umuwi ng Pinas."
"Yun nga ang pinag-aalala ko. Hindi ko naman siya masamahan 24/7 dahil nasa opisina ako. Pero sabi naman niya okay lang siya at bonding nila ni Hiro yung time na nasa office ako."
"Mabubusy din yang si Raya kapag lumaki na si Hiro. Sa ngayon hindi pa alagain yan kasi baby pa."
"Hindi ba siya pinupuyat ni Hiro?" tanong naman ni Drew habang nagchecheck ng blueprint sa computer.
"As much as possible ako naman ang nagpupuyat para sa anak namin kasi alam kong pagod si Raya pag umaga."
"Hindi naman kasi yung inaanak ko ang nagpapapuyat kay boss baby. Tama ba ako tol?" natatawang singit ni Nico.
"Pinagsasabi mo Nico? Ayusin mo na yang trabaho mo ng makapaglunch na."
Natigil sila sa pinaguusapan ng may kumatok sa pinto at nagbukas nito.
"Hi Cole. May kasama ka pala. Pwedeng pumasok?" bungad ni Emma.
"Sure. May maitutulong ba ako?" si Cole ang naka assign para mag oversee kay Emma dahil bago nga ito.
"Wala naman. Everything is doing okay. Ang galing mo kayang magturo." malapad pa itong ngumiti.
"I was planning to ask baka gusto mong ng kasabay maglunch."
"Ah, I'm fine. Kasama ko sina Nico at Drew."
"Kung ganun, ako na lang ang makikisabay sa inyo."
"Baka hindi mo trip ang mga gusto namin. Sina Janine ba?"
"They already left. Ang sasama ng ugali. Iniwan ako." sumimangot pa ito at nagpacute pero nasa laptop naman ang atensyon ni Cole.
"O sige ba. Sama ka na sa amin basta libre mo." si Nico na ang sumagot. Mukhang walang balak sumagot ni Cole at busy ito sa kung ano man ang ginagawa. Tamang tama at nagring din ang telepono nito kaya nag excuse siya sa mga kasama at sinagot ang tawag.
"Love, sorry nasa shower ako kanina."
"Okay lang baby. I just want to check kung naglunch ka na."
"I'm not hungry pa love. I'm full pa from our breakfast. Ang dami mo kasing pinakain sakin."
"Don't skip meals, baby. Ang lakas pa naman magbreastfeed ni Hiro."
"I will eat later, love."
"How about if I go home pag lunchtime so we can eat together? Hindi din ako nageenjoy sa lunch coz I'm thinking that you're eating alone."
"Love naman. I'm okay lang. How will I learn to be independent kung binibaby mo ako lagi?"
"Eh baby naman talaga kita." Natatawang sagot ni Cole oblivious of the pair of eyes that are looking intently at him. Nakasimangot din ito dahil sa nakikitang saya sa mukha ng lalaki habang kausap ang asawa. Sobrang badtrip ito sa naririnig.
"Love naman eh. Kumain ka na. Hungry ka lang."
"I'd rather talk to you than eat mahal. Mas mabubusog pa ako."
YOU ARE READING
My Protector: I Love Him, It's a Secret
FanfictionShe loves him, that's her secret He's her stepbrother at kailangan niyang pigilan ang nararamdaman. Bata pa lang sila ay mahal niya na ito. Kaya bang pigilan ang puso? ****** This is written in Taglish This is a work of fiction. Any semblance to rea...