Chapter 6: Leaving

1.1K 46 11
                                    

Nagliligpit si Cole ng mga gamit na dadalhin niya. Bukas na ang alis niya. Nakahanap siya ng condo malapit sa school. Doon din nakatira sina Drew at Nico. Tamang tama at naging vacant ang unit sa tabi ng unit ni Nico kaya pinareserve nila ito agad.

"Nak, ready na ba lahat ng gamit mo?"

"Opo ma."

"Umuwi ka every weekend Cole ha. Naku! Sinasabi ko sa'yo. At wag magbarkada."

"Opo my. Ilang beses nyo na pong sinabi yan. Mag-aaral lang po ako dun. Walang barkada, walang bisyo. Kung hindi nga lang po ako full load, hindi naman ako lilipat."

"Okay na din yun anak para hindi ka napapagod kakadrive papunta at pauwi ng school. Si Raya ba nakausap mo na? Mukhang matamlay ang batang yun ilang araw na."

"Hindi nga po ma. Kaninang umaga lang po ng breakfast pero umalis din agad at may gagawn daw silang project ni Lora.:

"Tingin ko nalulungkot yun. Sanay pa naman na ikaw lagi ang kasama nun."

"Hayaan niyo po ma kakausapin ko mamaya pagdating."

"At kuya, bawal din munang mag girlfriend ha. Pero kung hindi talaga maiiwasan, know your priorities."

"My naman. Wala po yan sa mga plano ko. Magtatrabaho po muna ako. Hindi naman po minamadali ang mga bagay na yan."

"Mabuti naman kung ganun anak. Nabanggit kasi ng kapatid mo na may nililigawan ka sa school. May binanggit siyang pangalan pero nakalimutan ko. Ah! Max ata or Maine."

"Classmate ko po yun ma. Wag po kayo magpapaniwala dyan kay Raya. Wala po akong nililigawan."

"O sige na kuya. Titingnan ko lang ang niluluto ni yaya. Tawagan mo na si bunso at gabi na."

"Opo ma. Bababa na din po ako. Ayusin ko lang to."

Pagkababa ng mommy niya ay agad namang tinawagan ni Cole si Raya. Nakatatlong attempt siya bago nito sinagot ang tawag.

"Raya, uwi na. Hinahanap ka na ni mommy at gabi na."

"Coley!!! Mamaya na lang. Di pa kami tapos."

"Bakit ang ingay dyan? Akala ko ba project ang gagawin niyo?"

"Birthday kasi ng pinsan ni Lora. Dito nagcelebrate sa bahay nila."

"Uminom ka ba?"

"Konti lang kuya. 1 glass lang promise."

"Tss! Sunduin na kita."

"No. Lora and her cousin will drive me home. Chill ka lang dyan. I'm okay."

"Raya, mag-aalala si mommy sa'yo."

"Please tell mommy I'm okay. She will understand. Sinabi ko naman na baka gabihin ako at ihahatid naman ako nina Lora."

"Si mommy maiintindihan pero ako? Mas nag-aalala ako Raya" sa isip ni Cole pero hindi niya sinabi iyon.

"One more hour. Hihintayin kita at pagtitirhan kita ng dinner."

"No need Coley. I'm full. I will sleep na pagdating ko. You rest na din and you will leave na tomorrow."

"Raya -" hindi niya na natuloy ang sasabihin dahil pinutol na siya ng dalaga.

"Sige na Coley. Babye na."

"Hey Raya, ikaw na." narinig pa ni Cole na may lalaking nagsalita bago tuluyang ibinaba ni Raya ang tawag.

"Bhe, si Cole ba yun?"

"Oo, pinapauwi na ko."

"O, hatid ka na namin?"

"Ang aga pa. The party just started." sabat naman ni Monty, kaibigan ng pinsan ni Lora na nag-aaral sa kalapit nilang university.

My Protector: I Love Him, It's a Secret Where stories live. Discover now