"Oh! Paharang harang kasi!"
That bitch! Pigil ang gigil na pinapakalma ni Raya ang sarili. Sa sobrang bwisit niya kay Emma ay baka manganak siya ng di oras. Binangga nito ang file tray. Hindi alam ni Raya kung paano niya nagawa yun samantalang ilang tao na ang dumaan at walang nakabangga dito.
"Look where you're going para di ka nababangga." Raya responded with equal bitchiness. Naalala niya yung panlalandi nito kay Coley. She finds it harmless at first dahil alam naman ni Raya na mabait ang asawa at kahit nung mga bata pa sila ay lapitin na ito ng mga babae. But this time it's different. Emma is adamant to pursue what she wants kahit makasira ng pamilya. Kailangan siyang ilagay sa dapat niyang kalagyan.
"You could at least move it to the other side hindi dito sa daanan."
"No one has the right to tell me how to organize my table but I think you need tips in organizing your life."
"Anong -"
"Hep!" tumaas ang boses ni Emma pero napatigil ito ng pinutol siya ni Raya.
"Hindi pa ako tapos girl kaya wag ka muna sumabat. Nanggigigil ako." Mas lalong nagpuyos sa galit si Raya dahil tinaasan siya nito ng kilay. Naiinis na siya kahapon pa dahil hindi niya ito naabutan sa office. Balak pa naman niyang kausapin. Binwisit pa siya nito ngayon kaya mas lalong makakatikim itong babaeng to.
"Hindi ko alam kung ano ang intention mo bakit kailangan mong sabihin kay Cole ang tungkol sa flowers at food na binigay ni Leon."
"Bakit? Totoo naman. What's wrong with that?"
"Hindi ko alam chismosa ka pala. Wala sa itsura."
"Bit -"
"Wag mong ituloy. Ang last na nagsabi saken niyan ay pumutok ang bibig."
Natatawa si Raya sa itsura ni Emma. Galit na galit ito. Kalmado pa siya sa lagay na to. Wala pa siya sa pinupunto niya.
"I can be bitchier than this lalo na kapag nilalandi ang alam naman na pagmamay-ari ko. If your intention is siraan ako kay Cole, then you don't know how strong our relationship is. Wag mong nilalandi ang asawa ko kasi hindi lang sampal ang aabutin mo saken girl." Mas lumapit pa siya kay Emma at nakipagsukatan ng tingin.
Di hamak na mas matangkad ito sa kanya pero wala siyang pakialam. Feeling niya ang tapang tapang niya lalo na at buntis siya."I don't know what you're talking about."
"I think you know really well what I'm talking about. You seem so sure of yourself habang kinukwento mo sa mga kaibigan mo how you're planning to seduce my husband. Next time tingin tingin din sa paligid bago mo buksan yang bibig mo. Nandidiri ako sa'yo actually."
"What's with all this shit? Akala ko ba may tiwala ka sa asawa mo? Why are we having this conversation? Natatakot ka ba na maagaw ko siya?" Emma pointedly looked at Raya's tummy.
"Haha! Kay Cole may tiwala ako. Sa'yo wala. I also know na kahit ihain mo pa yang maputlang katawan mo sa kanya ay hindi ka niya papatusin. I'm more concerned sa next na gusto mong biktimahin."
"This is too much. I don't have time for this."
"Aba! Ang tapang pa rin ng hitad. Tampalin ko to makita niya." Pigil inis ni Raya habang tinitingnan si Emma.
Buti na lang at walang tao sa opisina. Naglunch na ang mga ito samantalang si Raya ay hinihintay si Cole dahil naextend ito sa site at pabalik pa lang.
"I don't have time for you too. Gusto ko lang linawin na hindi ako nagpapaapi. Lumalaban ako ng patas. Makita lang kita na lapitan si Cole, madikit lang ang kahit hibla ng buhok mo sa kanya ay dudukutin ko yang mata mo. We can be workmates but we can never be friends. I'm sure magkakasundo tayo sa lagay na yan."
YOU ARE READING
My Protector: I Love Him, It's a Secret
Fiksi PenggemarShe loves him, that's her secret He's her stepbrother at kailangan niyang pigilan ang nararamdaman. Bata pa lang sila ay mahal niya na ito. Kaya bang pigilan ang puso? ****** This is written in Taglish This is a work of fiction. Any semblance to rea...