It seems like they're living separate lives. Halos hindi na din sila nagkikita sa school dahil 4th year na si Cole at full load siya. While Raya busied herself by joining several orgs. Of course, kasama si Lora. Kapag weekend naman ay iniiwasan ni Raya mag stay sa bahay. Sinadya niyang sumali sa community program ng school at sumasama sa outreach program every Saturday.
Nasa mall sila ni Lora at hinihintay magsimula ang movie na papanoorin nila. Hindi kasi sila nakaabot kaya kailangan nilang maghintay ng next schedule. Tumunog ang telepono niya at nakitang nagnotify ito na may tweet si Cole.
"Missing you."
Hmmm...lagi naman silang magkasama namimiss pa rin ang isa't isa. Sana all.
Mapait siyang ngumiti. Alam niya na para kay Maxine iyon. Sino pa ba ang laging kasama ni Cole maliban kina Drew at Nico?
Pag refresh niya ng feed ay nakita niya ang reply ni Maxine sa tweet ni Cole.
"Is this for me. I miss you too. Super! Jk!☺️"
Hayyyyyyyyy
Nagtweet na lang din siya.
"Sana all." She breathed deeply. She's about to return her phone ng nagnotify ulit ito. Kumabog ng mabilis ang puso niya ng makita ang reply ni Cole sa tweet niya.
"Asan ka? Uwi na. Na miss kita." Simple lang yun pero para kay Raya ay napakalaking bagay. It's been 7 months that she's holding off her feelings. Akala niya wala na. Nagpasko at nag new year sila na parang wala lang. Nagkikita sila kapag umuuwi ito pero hindi na kagaya ng dati. Nagkikita sila sa school pero nagsawa na din siguro ito na kakapilit sa kanyang magsabay sila ng lunch or break kaya hindi na din ito nangungulit after few months.
Nagtetext ito para kamustahin siya..sila ng mommy niya hanggang sa dumalang dahil hindi niya din nirereply minsan. It's her way of coping kung hindi mas lalo siyang malulungkot. She cried herself to sleep every night. Oo, every night hanggang ngayon. But that reply, it struck her. It made her realize that she misses him so much. Kinusot niya ang mata para pigilan ang luha.
"Bes, anyare?"
"Wala, kumati lang bigla ang mata ko."
"Ah. Akala ko umiyak ka. Kelan mo pala balak sagutin si Lawrence?"
"Ha?"
"Hakdog!"
"Sorry, ano ulit yun?"
"Sabi ko, nakamove on ka na ba kay Cole?"
"Baliw ka talaga! Diba we promised not to talk about him?"
"Joke lang. Ang tanong ko, kelan mo sasagutin si Lawrence."
"Nakausap ko na siya last night. I told him that I want to focus sa studies ko and I don't want to enter into a relationship yet."
"Wow! Lowkey busted pala si kuya."
"Parang ganun na nga. But he's cool with it naman."
"Sayang naman bes. Ulam din yun."
"Ang bastos ng bibig mo!"
"Gaga! Anong bastos dun? Di ko naman sinabing kainin mo. Ang sabi ko tingnan mo lang habang may unli rice ka. Parang ang sarap ni kuya sa kama."
"Lorena Angela! Isusumbong kita sa mommy mo."
"Teh, real talk lang no. Ay, virgin ka pa pala. Sorry sister Raya."
"Baliw! Ikaw mag-ingat ka ha. Baka mabuntis ka hindi pa tayo nakakatapos."
"I practice safe sex bes." Hay..parang kailan lang pareho pa silang mga bata ni Lora. Hindi pa ganito ang topics nila. Sinong mag aakala na 3rd year na sila at isang taon na lang ay gagraduate na sila at maghahanap na ng trabaho.
YOU ARE READING
My Protector: I Love Him, It's a Secret
FanfictionShe loves him, that's her secret He's her stepbrother at kailangan niyang pigilan ang nararamdaman. Bata pa lang sila ay mahal niya na ito. Kaya bang pigilan ang puso? ****** This is written in Taglish This is a work of fiction. Any semblance to rea...