"Lora, may sinabi bang problema si Raya sa'yo?" tinawagan ni Cole si Lora dahil kanina pang matamlay si Raya at hindi siya masyadong kinakausap. Hindi niya alam kung may nangyari sa school. Pagdating nila sa bahay ay agad itong umakyat ng kwarto.
"Ah. Na depress yan kasi napagalitan siya ni Prof kanina dahil hindi niya napasa ang project sa T&R Report Writing."
"Yun lang ba? Wala siyang ibang sinabi?"
"Wala naman."
"Sige salamat. Kausapin ko na lang."
"O ano nak? May problema daw ba sa school ang kapatid mo?" Tanong ng mommy niya pagkababa ng telepono.
"May hindi daw po naipasa na project."
"Hay ang batang yan talaga. Ikaw na ba kakausap o ako na?"
"Ako na pong bahala my."
"Check mo kaya dun ulit sa kwarto. Gisingin mo na din kung tulog pa para makapag dinner tayo. Mamaya mahirapan matulog yun."
"Wag niyo na pong tanungin ng tungkol sa school my ha. Mamaya mas lalong malungkot yun."
"Okay nak. Basta kausapin mo. Di mo na ba chinecheck kung may mga projects siya?"
"Chinecheck po ma pero nakalimutan kong tanungin last week."
Naabutan ni Cole na nakadapa sa kama si Raya. Alam niyang gising ito kasi gumalaw ito ng binuksan niya ang pinto.
"Alam kong gising ka. Bumaba ka na at kakain na tayo." hindi naman sumagot si Raya.
"Isa Raya. Hindi mo na ako madadaan sa mga ganyan mo." wala pa rin itong imik. Napipikon na si Cole sa inaasta ng kinakapatid.
"Nakikinig ka ba? May kasalanan ka pa saken."
"Ano na naman?!" ungot ni Raya dahil tinusok nito ng daliri ang tagiliran niya. Naupo na din siya sa kama. Inayos naman ni Cole ang sabog sabog niyang buhok.
"Bakit di mo ginawa ang project mo?"
"Sinong nagsumbong?" ng hindi sumagot si Cole ay sumimangot siya.
"Patay saken si Lora. Napakasumbongera."
"Ako ang tumawag sa kanya kasi nag aalala ako. Hindi mo ako kinakausap."
"May headache lang ako kanina pero I'm fine na. I'm happy na ulit." Ngumisi pa ito kay Cole kaya pinitik nito ang noo niya.
"Ba't nampipitik?!"
"Wag mo nga akong pinagloloko. Alam ko na hindi ka okay."
"Okay nga lang ako Coley. Babawi na lang ako tska inis lang talaga yung prof ko saken."
"Alam mo na palang inis hindi ka pa umayos."
"Eh sa gusto ko siyang iniinis. Isa pa, mataas naman scores ko sa exam. At trip ko ngang bumalik sa kanya para inisin siya lalo."
"Bahala ka. Iiwan kita sa college kapag hindi ka nagtino."
"Iiwan mo naman talaga ako eh." bulong ni Raya.
"Ano'ng sabi mo?"
"Wala po kuya. Sabi ko po aayusin ko na. Happy?"
"Very good. Mag ayos ka na at bumaba. Tulungan ko lang si mommy mag ayos ng mesa.
"Nak, kelan nga yung pagmu-muse mo sa school?" Tanong ni mommy Dina habang kumakain sila.
"Sa Friday po mommy."
"Kelan mo kukunin ang pinatahi mong damit?"
"Tomorrow mi. Daanan ko after school."
"Samahan kita nak. Ako na susundo sa'yo."
YOU ARE READING
My Protector: I Love Him, It's a Secret
Fiksi PenggemarShe loves him, that's her secret He's her stepbrother at kailangan niyang pigilan ang nararamdaman. Bata pa lang sila ay mahal niya na ito. Kaya bang pigilan ang puso? ****** This is written in Taglish This is a work of fiction. Any semblance to rea...