Chapter 31: Honesty

1.1K 34 26
                                    

Tulog na si Hiro sa crib nito at nasa shower naman si Cole. Habang pinapatulog ni Cole ang anak kanina ay nagshower na si Raya. Habang hinihintay ang asawa matapos ay iniisip naman niya kung ano ang dapat gawin. She's torn between telling her husband her plans or just keep it to herself at wag na lang ituloy ang plano. But something in her wanted to really pursue her career. Nalaman pa niya na merong opportunity sa office nina Cole. Lagi niyang makakasama ang asawa so parang wala lang din mababago. Pag nakahanap sila ng magbabantay kay Hiro ay walang magiging problema. They can go home early together and still take care of their son.

"Bakit nakasimangot ang baby ko?" hindi namalayan ni Raya na lumabas na pala si Cole at nakatapis ito ng tuwalya. He went to their closet para kumuha ng boxers at sando.

"May problema ba baby? Masama ba ulit ang pakiramdam mo?" bakas ang pagaalala kay Cole habang nagbibihis at nakatingin sa asawa.

"Lover, I have something I want to tell you." pinaglaruan niya ang mga daliri. She's afraid that she will offend him. Tumabi naman si Cole sa asawa at inayos ang buhok nito. He gave her a light massage sa shoulders to unknot the tension

"Hmm...What is it babe?" napapapikit si Raya sa ginagawa ng asawa. She's getting comfortable habang pinapalandas ni Cole ang kamay sa likod niya.

"About dun sa sinabi ni dad kanina. Yung vacancy sa office niyo. I want to take it if that's okay with you Coley." hindi sumagot si Cole kaya natakot si Raya. Ayaw niyang lingunin ito. She doesn't want to see disappointment in his eyes.

"Pero kung ayaw mo Coley okay lang din. I will stay here sa house. It's no biggie."

"Sorry mahal. Nabigla lang ako. Sigurado ka ba na gusto mo nang magwork ulit? Kung ang gastusin sa bahay or your needs ang pinoproblema mo, hindi naman kasi dapat. I know you're used to be independent babe but I can provide for you and Hiro."

"Hindi yun love. I know you can provide more than what we need. Pero na miss kong magtrabaho Coley. I may sound selfish mahal but gusto kong magamit ang pinag-aralan ko. I felt like I missed out on that." Cole stopped massaging her shoulders and pulled her into his arms. Nakasandal si Cole sa headboard samantalang si Raya ay inayos niya sa harap niya at pinasandal sa dibdib niya.

"Paano si Hiro? Isn't he too young para iwanan sa yaya?"

"I read sa books love that it's okay. I can pump before going to work or at night para breastfed pa rin siya while we are at work. Tapos palagi pa tayong magkasama. That's exciting for me."

"It's exciting for me too baby pero sa kabilang wing ka. Technically, magkalayo ang office natin at hindi din ako ang makakatrabaho mo."

"I kinda expected that love kasi that's going to be conflict of interest. But then again, pwede naman siguro tayong sabay magbreak and lunch. Then we go home together."

"Naplano mo na talaga ah." Hinalikan ni Cole ang buhok ni Raya. She's expecting sarcasm from her husband's voice pero walang bahid iyon. Her Coley is always so understanding at inuuna lagi ang magpapasaya sa kanya. How can she be so lucky?

"I'm sorry lover if hindi ko agad nasabi sa'yo. I don't want to disappoint you kasi but you said nga na no keeping of secrets para laging strong ang relationship natin."

"Yes Raya, no keeping of secrets. Kahit ano pa yan. Sige, I will tell Mr. Karisson that you wanted the job but to give you a month or two para makahanap muna tayo ng yaya at mabantayan ng maayos ang gawa niya. Mahirap magtiwala baby. Lalo pa't hindi naman makakapagsumbong ang anak natin."

"We can move the CCTV dito sa room doon sa living room then install another one sa dining."

"No. Dito lang yang CCTV. Kasi pinapanood kita kapag di tayo magkasama."

My Protector: I Love Him, It's a Secret Where stories live. Discover now