Nakasimangot si Raya na nakasunod kay Cole. Nakagalitan kasi siya nito dahil ang konti ng kinain niya.
Binuksan ng binata ang passenger seat at hinawakan ang ulo ng stepsister para di mabangga. Inalalayan pa rin niya ito kahit nababadtrip siya dito bago umikot sa driver's seat at pinaandar ang kotse.
"Ayusin mo yang mukha mo, Raya." Sita ni Cole sa dito pero hindi naman siya pinansin ng dalaga.
"Isa!""Bakit ba kasi? Di na nga ako nagsasalita eh."
"Alam ko yang mukhang yan. Dapat ako ang nagagalit kasi hindi ka kumain ng maayos."
"Eh busog pa nga kasi ako."
"Busog o ayaw mo ng ulam? Hindi pwedeng puro prito lagi ang kakainin mo. Mamamatay ka ba pag kumain ng carrots?"
"Ayoko kasi ng lasa nun Cole. I tried naman pero ayaw talaga. Lagi ka na lang nagagalit sakin." Mas lalo pa itong sumimangot and scooted to the far end of the car.
"Exam ngayon, walang laman yang tiyan mo. Pa'nong hindi ako magagalit? " Napansin niyang namumuo na ang luha sa mata ni Raya at pinipigilan lang nito ang umiyak kaya nahimasmasan na din siya.
"O sige na. Wag ka ng magtampo. Naglagay ako ng sandwich sa bag mo at dalawang yakult. Kainin mo yan pag nagutom ka. Text mo ako pag nagutom ka pa mamaya pupuntahan kita sa building niyo."
"Anong spread Coley?"
"Syempre biscoff, yung paborito mo. Ewan ko ba ba't nahilig ka sa biskwit na ginawang palaman. Tsk!"
"Masarap kaya yun."
"Eh kasing lasa lang ng biskwit yun. Eh di sana biskwit na lang pinalaman mo sa tinapay."
"Dami mo alam, Coley. Kainis."
"Magreview ka mamaya sa room pagdating mo. Hindi yung puro chismis lang kayo ni Lora."
"Opo, tatay."
Pagdating sa school at pagkatapos magpark ay kinuha na ni Cole ang mga gamit nila. Magkahiwalay sila ng building dahil Civil Engineering si Cole at Masscomn naman si Raya pero nakasanayan na na ihatid ni Cole ang stepsister bago pumunta sa room nila.
"Cole!" Napalingon sila sa pinanggalingan ng boses.
"Uy Maxine!" Cole smiled to the approaching girl. Kaklase ni Cole si Maxine.
"Sabay na tayo. Papunta ka na ba ng classroom?"
"Ihahatid ko muna si Raya. Kita na lang tayo dun. By the way, Maxine, si Raya pala sister ko."
"Hello Raya. Ang ganda mo pala. Lagi kang kinukwento ng kuya mo sa amin."
"Hi. Sige kuya ako na yan. Wag mo na akong ihatid." Ngumiti si Raya kay Maxine bago kinuha ang bag niya kay Cole at mabilis na umalis.
Hindi niya maintindihan kung bakit parang kumirot ang puso niya. Nakayuko siya habang naglalakad at malalim ang iniisip kaya kahit anong tawag sa kanya ni Lora ay hindi niya narinig.
"Raya!"
"Raya maganda. Sayang lang at bingi. Boo!"
Nagulat si Raya ng hinawakan siya sa balikat ng kaibigan.
"Ang aga aga ang lalim ng iniisip. Di ka nakapag aral no?!"
"Hindi ah! Nireview ako ni Cole kagabi."
"Sana all may kuya na mabait at pogi."
"Heh! Wag ka na kay Cole. Tingin ko may gusto na yun sa classmate nya."
"Pa'no magkakagirlfriend yung kuya mo eh kulang pa ang time nun sa pag aalaga sa'yo. Alagain mo kaya!"
YOU ARE READING
My Protector: I Love Him, It's a Secret
FanfictionShe loves him, that's her secret He's her stepbrother at kailangan niyang pigilan ang nararamdaman. Bata pa lang sila ay mahal niya na ito. Kaya bang pigilan ang puso? ****** This is written in Taglish This is a work of fiction. Any semblance to rea...