Nasa kasagsagan ako ng pag iisip at naka upo sa may silya habang nakatingin sa labas ng bintana.
Dinadama ko ang katahimikan sa loob ng bahay habang may isang kantang naririnig ang aking tainga.
Nang biglang pumatak ang mga ulan paibaba sa lupa. Agad na sinundan ng aking mga tingin ang bawat butil ng mga iyon. Matapos ay biglang sumilay ang mga ngiti sa aking labi.
Tumayo ako sa aking kinaroroonan at lumabas upang maramdaman ang pag dapo ng bawat patak ng ulan sa aking katawan.
Napatingala ako sa madilim na kalangitan. Nang biglang lumakas ang hangin at bumalot ito sa aking katawan.
Napayakap na lang ako sa aking sarili dahil sa lamig kasabay noon ay ang paglakas ng ulan. Napatingin ako sa daan kung saa'y mag isa akong nag sasasaya. Nang biglang may sumulpot na imahe sa aking harapan sa hindi kalayuan.
"Nandito siya?" Pinunasan ko ang mga matang nanlabo dahil sa patak ng ulan na dumaloy sa aking mukha.
Unti unting luminaw ang aking paningin kasabay ng pag lapit niya sa akin. Ang kaninang saya'y napigilan. At nag simula ang pagbuo ng kaba sa aking dibdib.
"Pwede ba kong sumali sa pag sasaya mo binibini?" Hindi ako naka kibo ng marinig ang tinig niya.
"Nandito ka?" Wala akong natanggap na sagot kundi isang matamis na ngiti.
"Hoy tara na" napagitla ako ng ipadausdos niya ng mabilisan ang kaniyang kama'y sa aking mukha.
Tumakbo siya palayo sa akin habang paulit ulit akong nililingon ng nakangiti. Batid ko ang kagustuhan niya... Bagama't gulat ang mukha ay muling sumila'y ang aking mga ngiti.
Unti unting kumilos ang aking mga paa at natagpuan ang sariling hinahabol siya. Habang ang ulan ay patuloy sa pag lakas. Narito kami at nag sasaya. Sa kasagsagan ng mga tubig at malamig na hangin.
"Totoo na ba ang lahat ng ito?" Totoo na kaya lahat ng hinala ko?
--------------------------------------------------
Authors Note
Maligayang pagbabalik my dear readers. Ito na ang ating hinihintay! Ang pagpapatuloy ng kwento ni Rosa.
Subaybayang muli ang kuwentong ito, Nawa'y umabot ka hanggang dulo.
Don't forget to click the vote. Thank you po!❤
BINABASA MO ANG
El Musika
Storie d'amoreAng pagpapatuloy ng kwento ni Rosa. Do you still want to know if she can get what she want? Do you want to know if what life she have in this book? Are you hoping that she finally seek her love ones? Alamin ang kasagutan ng mga tanong na ito sa ak...
