Chapter 9

14 7 0
                                    

Nagising akong muli sa pag tilaok ng mga manok. Ngunit napamulat ang mata ko ng mamalayan na hindi lamang iyon ang tinig na nag pa gising sa akin.

May mga ingay akong naririnig sa ibaba at sa boses palang ay mukhang alam ko na.... Nahihimigan ko ang boses ni Carlo.

"Ano namang ginagawa ng isang iyon dito?" Napapakamot ako sa buhok na tumatayo papunta sa salamin sa kuwarto ko.

Napakahaba na ng buhok ko at ayaw ko pa ito pagupitan. Sinuklay ko iyon at itinali ng pa pony tale.

"Ang tagal naman po magising ni Rosa aling miranda."

"Ay nako iyon pang apo ko tulog mantika iyon."

"Hahaha grabe ka naman lola"

Tinig ni Carlo at nila mama ang siyang sumalubong sa akin pagkababa ko. At bwiset lang, pinag uusapan pa ang pag tulog ko kainis.

"Gising na po ako,okay" pumasok ako sa kusina kung saan naroon sila.

"Ayan na pala si rosa ohlh, ikaw kasi ma eh" natatawang aniya ni mama kay lola.

"Bakit ang aga aga nandito ka?" I ask Carlo na tinarayan ko pa.

"Wait lang let me explain" pagbibiro niya at itinaas pa ang dalawang kamay.

"Tse!" Nag diretso na ako sa lamesa ng makakita ng luto ng tinapay at mainit na chocolate.

"Kumain ka na?" I ask him while sitting at the chair.

"Hindi pa, bakit pakakainin mo ko?" Nakangising aniya na umupo na sa tabi ko.

"Lakas mo rin eh 'no? Nandiyan sila lola oh" pag duduro ko sa kaniya ng tinapay na hawak ko.

"Eh bakit ba? ayos lang iyan kila tita miranda" nanlaki naman ang mata ko doon.

"Wow ah maka tita" tinarayan ko siya habang nakain ng tinapay.

"Eh bakit? Okay lang 'yon diba tita?" He ask my mom.

"Oo naman, ano ka ba rosa" pag susuway sa akin ni mama. Dahil doon ay muli kong binigyan ng taray si carlo.

"Oh 'diba sabi ko sa-" natigilan siya.

"Ingay mo kumain ka na lang" sinaksak ko sa bunganga niya ang pandesal. Edi ayon tahimik siya.

Kumain kami ng payapa kasama sila mama na tinatawa tawanan pa kami ni Carlo. Asus kala mo naman kung makapunta rito sa bahay. Welcome home ka boy?

"Umuwi ka na nga doon sa inyo" na iinis kong pinag tutulak si Carlo matapos niyang mag paalam kay mama at lola.

"Magandang umaga tito! Una na po ako" pinanlisikan ko na naman siya ng mata at bumaling ako kay daddy na natatawang tumango.

"Bwiset! Bilisan mo labas na" nasa harap na kami ng gate at ang bagal pa ng lakad niya.

"Oo na!oo na maka taboy ka sakin ah" pag iinarte niya na naman.

"Tsk! aga aga kasi nandito ka sa bahay" asik ko sa kaniya habang ang kamay ay nakapamewang na.

"Ang Sama mo talaga Rosa!" Nakakairita naman talaga.

"Maya na lang hapon ah. Sama ka sa 'kin tour na kita dito" ngayon pa kung kaylan na iinis ako sa mukha niya.

"Oo na,oo na sige na shu shu" natatawa niya inabot ang tuktok ng ulo ko at ginulo ang buhok ko.

Nang hindi na ako nakagalaw ay tumakbo na siya palabas. Hindi ko alam kung magagalit ako sa ginawa niya dahil naiirita ako o dahil may naalala nanaman ako.

That was how he pat my head habang ginugulo ang buhok. Ganoon niya ako kasayang inisin noon na parang bata. Pero isa iyong bagay na dapat kong limutin ngayon. At tanging si carlo na lamang ang unang gumawa sa akin noon.

Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa aking kwarto. Kumuha ako ng mga damit pang ligo at bumabang muli para mahimasmasan.

Dinama ko ang lamig ng tubig na siyang tumatalsik sa katamtaman kong balat. Sinandya kong mag babad ng ilang oras at tanggalin lahat ng nasa isipan.

Nang dumating ang tanghalian ay tinuon ko ang atensyon ko sa mga librong nobela nila lola. Hindi ko alam na mahilig palang mag basa si lola. That's why I didn't wonder na mahilig mag basa ang lahi namin. I smiled while checking those book.

Nang dumating ang tanghalian ay muli ko na namang narinig ang tinig ni Carlo.

"Oh ba't ang aga ko?sabi mo hapon pa?" Napapakamot naman niya akong sinulyapan.

"Hay nako anak, hindi pa nga nakakapasok si Carlo ay parang ayaw mo ng patuluyin" Dad said habang nag kukumpuni ng sirang electric fan sa sulok.

"Ahhmm gusto po kasi ni mama na imbitahan si Rosa sa bahay na mananghalian" napatingin naman ako sa kaniya ng marinig ang sinabi.

"Oh anak sumama kana roon ng makatipid kami ng ulam" pabirong aniya ni daddy. I just rolled my eyes.

"Sige na dad sama na'ko rito at mangungulit lang 'yan" I said while fixing my self.

"Sungit sungit mo ah, mayro'n ka ngayon?" I turn my gazed on him at napaikot ang mga mata ko.

"Oo nga sabi ko nga meron ka" I didn't bother to argui with him at naiirita lang ako sa kaniya.

"Bakit naman na isipan ni aling nerisa na pakainin ako sa inyo?" I'm in a curious state.

"Siyempre para makatipid sa ulam sa bahay niyo" I glared at him nakakainis na ah.

"Joke! Siyempre para maubos 'yong pagkain sa bahay" natatawang aniya.

"Isa pang salita mo kakatayin na kita" pag tawa lang ang iginanti niya at tumahimik na.

Pagka pasok pa lamang namin sa loob ng bahay nila ay naamoy ko na ang niluluto ng mama niya. But it's not familiar in my nose. Kakaiba ang amoy at nasisiguro kong kakaiba rin ang lasa noon.

"Ma!nandito na si Rosa" sigaw ni carlo sa kusina.

"Oh nandyan na pala kayo. Halika na rito at maupo kayo" sigaw ng kaniyang ina na nakasilip sa bukana at may dala pang sandok.

Carlo lead me at their dining area at pinaupo ako sa isang upuan bago ay naupo siya sa tabi ko.

Kumilos ang mama niya at nag lagay na ng isinandok na ulam. Paglagay pa lang ng ulam ay hindi ko na agad alam kung ano ang tawag doon.

"Ano iyan?" I ask carlo in a low voice.

"Ang alin?ito?" Itinuro niya ang inilapag ng mama niya at tumango naman ako.

"Hmm Inabraw wala bang ganito sa inyo?"  Tumango ako sa sinabi niya.

Nang hindi ako kumilos ay siya na ang nag lagay ng ulam at kanin sa aking plato. Ang inabraw na sinasabi niya are more likely pakbet, pero kakaiba siya dahil may kamote at walang kalabasa.

"Nako ija masarap 'yang luto ko subukan mong tikman" his mom smiled at me so I smile back.

Bagama't hindi  pamilyar sa pagkain ay sinubukan ko iyong tikman at ihalo sa kainin. Ngunit nakaka dalawang subo palang ako ay bumaliktad na ang sikmura ko at nailuwa ang kinakain.

"Hala Rosa okay ka lang?" Agad akong dinaluhan ni carlo at pinainom ng tubig.

El MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon