Chapter 5

17 6 0
                                    

"Oh nandito na si suking binata" nang aasar ang tinig ni lola na ikinairita ng mukha ni carlo. Hindi ko naman na pigilan ang tawa ko na siyang lalo niyang ikinainis.

"Good morning" bati ko sa kaniya habang nakuha si lola ng kaniyang binili.

"Magandang umaga" bagama't inis siya ay nagawa niya paring bumati ng pormal.

"Talagang hindi lilipas ang umaga niyo na hindi na kakakain ng pandeciana ah" pang aasar na muli ni lola habang inaabot ay carlo ang binili.

"Siyempre naman po!" Sumilay na ang ngiti niya ng maamoy ang masarap na pandesal.

"Oh sige na dalhin mo na iyan sa inyo at hinihintay iyan ng mama mo" pagpapauwi ni lola kay carlo.

Nakita ko namang sinulyapan niya ako ng tingin na nag papapaalam kaya tinanguan ko na lang siya.

"Sige po una na po ako!" Matapos ay umalis na siya.

Tanaw ko ang maraming bumibili ng pandeciana namin habang nasa sulok ako at kumakain. Sarap na sarap ang tiyan ko na unti unting nabubusog. Hindi ko akalain na mas masarap pala ito kapag hinaluan ng masarap na mainit na tsokolate.

Kumakain kami ng masaya nang sumapit ang tanghalian. Napaka raming nakahain sa hapag kainan namin na mga gulay. That's why hindi na ako mag tataka kung bakit until now my grandmother are still strong.

"Kumain ka rosa ng mga prutas sariwa ito at bagong pitas" pag tutukoy ni lola sa mga hinog na mangga, santol at mga saging na nasa aking harapan. Napakarami ng mga iyon at totoong nakakatakam. Kaya hindi ko na pinigilan na 'yon ay lantakan.

Natatawang napasulyap sa akin si mom and dad. Batid kong masaya sila na unti unti ay nagagawa ko ng makisalamuha at ma enjoy ang bawat araw namin dito.

"Dad wala parin bang wifi?" Nakalipas na ang ilang linggo at hindi parin kami nagagawang kabitan.

"Wala pang update anak kaya tiis tiis ka muna" natatawa akong sinulyapan ni daddy. Hays mukhang matagal ko pa makakausap sila rorii at bench.

"Ma pwede po ba ako mamasyal mamaya?" Nag tatakang napa sulyap sa akin si mama. I know na naninibago sila sa akin dahil ng ayain nila akong lumabas ng mga nakaraan ay todo ang pag tanggi ko.

"Oo naman anak, gusto mo bang samahan kita?" Batid kong hindi ako sanay sa lugar na ito. Baka mangyari nanaman ang pag kawala ko katulad ng sa may palengke.

"No need mom, hindi na lang po ako masyadong lalayo" I assured mom, gusto kong masulit ang pag labas ko na mag isa. Tsaka malaki narin ako para samahan pa ako ni mama.

"Okay anak basta mag ingat ka" tumango ako at ng matapos kumain ay nag tungo ako sa kwarto ko upang mag handa.

Naka suot lang ako ng short na hindi gaanong maikli at shirt na white. Kinuha ko ang black cap ko at inayos iyon sa aking ulo. Pag katapos ay lumabas na ako ng bahay.

Kakalabas ko pa lang ng gate namin na gawa sa kahoy ay sinalubong na ako kaaagad ng masarap na simoy ng hangin tirik pa ang araw ngunit sariwa rin ang hangin.

Ito ang isa sa mga bagay na hindi mawawala sa probinsya. Sa paraang ito ay mababatid mo kung anong buhay ang meron ang mga tao rito at kung paano nila alagaan ang kalikasan.

"Oh bakit ka nasa labas?" Nagulat ako sa tinig na iyon at agad napabaling ang tingin sa harapan.

"Bakit bawal ba ako sa labas" kung tanungin niya ako parang bawal ako sa labas eh. Pero hindi ko siya tinarayan bagkus ay tinawanan ko na lang siya.

"Hindi naman sa gano'n. Nakakagulat lang na makita kang nasa labas" ngayon ay nakalapit na siya sa aking harapan.

"Gusto ko lang gumala. Para naman masanay naako sa lugar niyo" agad naman sumilay ang ngiti ni carlo.

"Makapag sabi ka naman diyan ng lugar namin, para namang hindi mo rin lugar ito" natatawang aniya.

"Yap,that's true naman eh hindi pa ako totally belong dito" natawa na lang siyang muli sa akin.

"Ikaw anong ginagawa mo sa labas?" Nang mapatingin naman ako sa kaniya ay nakita ko ang basang basa niyang t-shirt.

"Ahmm nag di-diliver kami ng tubig" napakamot siya sa ulo niya ng makitang napatingin ako sa basang t-shirt niya. Agad naman akong napatawa sa kaniya.

"Gusto mo sumama sa'min?" He ask me while his hand pointing at his back. Doon ay nakita ko ang ilang kasamahan nila na busy sa pag lagay ng mga galon ng tubig sa isang sasakyan na parang truck pero mas maliit ito at open ang likod.

"Hoy carlo tara na!tama na ang pang ba-babae" nang tutuksong aniya ng isang lalaki na medyo mas matanda sa amin.

"Ah sige sama ako!" Masaya ko siyang tinugunan. Gusto kong makalibot sa lugar na ito. Tingin ko naman ay makakalibot ako sa pag sana nila.

Iniwan ako sandali ni carlo sa harap ng water station nila at nag tungo siya sa loob ng bahay nila sandali. Pagka labas niya ay nakapag palit na siya ng damit. Natatawa ko siyang sinulyapan ng makalapit siya sa akin.

"Taray mo dong! Dati rati naman kasi hindi ka nag dadamit!" Natatawa nanamang na pang aasar noong lalaki.

"Huwag mo nga pansinin iyon rosa, epal lang 'yan" naiinis ang tinig niya. Natatawa ako ngunit pinigilan ko na lang.

"Tara! dito tayo sasakay sa likod" he pointed the truck hindi ko tiyak kung ano ang tawag doon.

Hindi ako kaagad naka kilos ng hini ko alam kung paano aakyat doon. Masyadong mataas iyon para sa akin.

"Okay lang ba sa'yo?alalayan kita pataas?" Napapakamot siyang muli sa ulo niya at napapaiwas ng tingin. Hindi ko alam kung paano niya ako itataas. Pero mas hindi ko alam kung paano ako aakyat na mag isa rito.

"Ahmm sige?" Nag aalinlangan kong tinig.

Kumilos ang kaniyang mga kamay at ng oras na iyon ay naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko,at unti unti ay tinaas niya ako. Suddenly i feel uneasy, medyo na ilang ako doon at may kung anong naramdaman pero sa huli ay hinayaan ko na lang.

Nang tuluyan akong maka akyat ay walang kahirap hirap na unakyat rin siya doon. Nakangiti niya naman akong binalingan. I think na matagal niya na itong ginagawa.

Naupo ako sa katabi ng mga galon ng sumigaw na ang lalaki na aalis na kami. Napasulyap naman ako kay carlo na may hawak na notebook na posibleng listahan ng mga orders.

"Tignan mo ang daming orders oh" nakangiti siya habang nakatingin sa listahan. Lumapit naman ako sa kaniya at marami nga ang pangalan doon. I wonder if they memorize all of house's in this place, I guess yes. Kaya naman namamangha ako sana ako rin.

"Dahil maraming order, marami tayong pupuntahan. At dahil doon makakagala ka" natatawa pa niyang sabi.

Dahil naman doon ay naramdaman ko kung gaano niya ka gusto na malibot ko ang lugar na ito. Sa tingin ko gusto niya lamang patunayan kung paano tumanggap ang mga tao rito.

Ngayon ay nasisigurado ko na isa siya sa taong makakatulong sa akin sa lugar na ito. Upang maka adopt ako at higit sa lahat maramdaman ko rin ang saya nila rito.

El MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon