This is another week na nananatili kami sa lugar na ito. Hanggang ngayon ay hindi parin ako nasasanay. Hindi ko parin nagagawang makisalamuha sa iba, gayong natatakot ako sa hindi nila pag tanggap sa akin.
Napaka laki ko na para sa ganoong isipan pero hindi ko akalain na mararamdaman ko parin iyon. Masyado akong nahumaling sa pag tanggap ng mga tao sa akin noon. Hindi ko alam kung paano humarap sa mga tao ngayon.
Ganoon pala iyon ano?mahihirapan kang maka catch up kapag hindi ka sanay?
Kaya ngayong araw I decided to seek my weakness in this place. Gusto kong humarap sa mga tao. I want to adopt their beliefs and cultures or what ever they always do in this place.
Nagising ako ng maaga dahil sa isang ingay na nag papagising sa aming lahat, ang pag tilaok ng manok. Sa sobrang tahimik ng umaga ay isang manok ang nag papaingay na tila isang alarm clock.
"Hindi ko akalain tumatalab pala na pang gising ang tilaok ng manok" natatawa akong bumangon sa higaan ko at sumilip sa labas ng bintana.
Dahil nasa second floor ako ng bahay ay tanaw ko ang iba pang bahay na kung saan ay nag sisilabasan ang mga matatanda.
Iyong isa ay nakita kong nag didilig ng halaman sa harapan ng bahay niya at ang isa naman sa kaliwa ay nag wawalis.
"Ganito pala ang kaugalian nila tuwing umaga" noon sa bahay namin agad akong gigising mag hihilamos at kakain. Matapos noon ay mag damag ang pag ce-cellphone ko.
Natawa na lang ako sa aking isipan dahil sa pag kukumpara ng mga bagay bagay.
Umalis na ako sa aking silid at nagtungo sa ibaba. Sa kusina ay naabutan kong naroon si mama at lola. Si daddy naman ay nasa sala at muling nagbabasa ng diyaryo.
"Goodmorning dad"bati ko sa aking ama na halata ang gulat sa mata. I know that they expect me na mag kululong muli sa kwarto.
"Oh anak ang aga mo naman nagising" salubong sa'kin ni mama na galing kusina.
"Ahmm.." Hindi ko alam kung dapat kong sabihin ang naiisip ko kanina.
"Ano pong niluluto niyo?" Pag iiwas ko na lang at nag tungo sa kusina.
Nadatnan ko si lolang nag mamasa ng mga harina. Agad akong nag taka kung para saan ang mga iyon. Ngunut bukas ang pananaw ko at mukhang gagawa siya ng pandesal para sa umagahan.
"Ito anak ang pinagkakakitaan ng lola mo. Ang pandesal" pag papaliwanag sa akin ni mama.
Mas lumapit pa ako ng mag karoon ng interest sa nakita. Napakabilis ng kamay ni lola habang minamasa ang mga sangkap. Binibilog niya ito ng walang kahirap hirao. I'm so amaze in my Grandmother, hindi pa siya ganoong katanda pero hindi ko alam na kaya niya pang mag trabaho ng ganoong gawain.
"Halika rito rosa at tuturuan kita" pag papalapit sa akin ni lola.
Sumunod ako sa nais niya dahil alam ko sa sarili na gusto ko rin iyon matutunan. Inihanda ni lola sa aming harapan ang mga sangkap, habang ginagawa niya iyon ay napasulyap ako kay mama. I see how she made a smile na parang natutuwa siyang nakikita ako. Nang mag simula na kami ay iniwan muna kaming sandali ni mama.
"Una kailangan malinis ang mga kamay at maayos ang pag gagawaan" pagsisimula ng matanda.
"Pangalawa pag hahaluin natin ang mga sangkap" inikalat ni lola ang mga sangkap sa isang stainless na lagayan.
"Pagkatapos ay hahaluin mo ang lahat ng ito gamit bg iyong mga kamay" napakabilis ng kilos ni lola na animo'y para siyang isang machine.
"Madali lang po ba iyan lola?" I want to try it!kanina pa ako naka tingin lang at gusto ko ng hawakan ang malambot na mga sangkap ng tinapay.
"Mahirap ito rosa kung baguhan ka palang pero sige, halika ay subukan mo" we switch our place at handa na akong mag masa.
Unang pagmamasa ko palang ay nahirapan na ako. Napakalagkit ng sangkap nito at mabigat sa kamay kapag hinahalo.
"Ganiyan talaga kapag hindi mo pa nakukuha ang pag tantiya sa pag hahalo rosa" I smile at her at muling sinubukan kahit na mahirap iyon.
"Sa pag gawa ng pandesal na ito ay dapat na samahan ng pag mamahal. Kung hindi mo minamahal ang iyong ginagawa ay hindi mabuti ang kakalabasan. At iyon ang pinaka mahalagang sangkap na hindi dapat kalimutan" makahulugan sambit ni lola habang inililipat na namin ang sangkap sa patag na stainless kung saan ay ililipat namin mamaya sa pugon.
"Kukuha ka ng isang dakot sa iyong kamay at ibibilog mo na parang ganito" pinakita niya sa akin kung paano iyon ihuhulma. It's not a perfect circle dahil puputok ito kapag uminit na.
"Ganoon ang karaniwang pag gawa nito ngunit ang bersyon natin ay hindi" agad kong ikinataka ang sinabi niya.
Muli kong nakita na dumakot siya ng sangkap at sa kaniya mga palad ay inipit niya ito para mag flat ng kaunti. Matapos ay kumuha siya ng hiwa ng keso na naroon sa lamesa.
"Isa ito sa mga nag papa special ng ating pandesal" naka ngiting aniya.
Ginaya ko kung paano iyon ginawa ni lola at nahirapan ako sa pag korte nito. Ngunit kahit naman ganoon ay nakagawa rin ako ng marami na sa tingin ko ay maayos naman.
"Sa susunod ay matututo karin rosa" nakangiti niyang sambit sa akin na siyang tinugunan ko rin ng ngiti.
"Ganiyan na ganiyan rin ang mama mo noong dalaga pa siya pero masaya ako na namana niya rin ang pag gawa nito at mas higit pa rito ang nagawa ng iyong ina" I guess she's pointing about my mother success, dahil nakapag patakbo na sila ng negosyo.
Akala ko sa manila lang may negosyo ang pamilya ko. Hindi ko akalain na pati rito sa probinsya ay meron din kaming pinagkakakitaan.
Nang makalipas ang ilang minuto ay nalanghap ko na ang masarap na amoy ng nasa loob ng pugon.
Nakita kong binuksan iyon ni lola at inilabas ang mga pandesal. Matapos ay tinawag niya ako para iyon ay matikman.
"Tikman mo ang gawa mo rosa" nakita ko ang iilang pandesal na kakaiba ang hugis at na titiyak kong iyon ang gawa ko.
Unang kagat ko palang ay nalasahan ko ang malimnamnam na sangkap niyon. Hindi makakatakas ang creaminess ng melted cheese!Kaya masasabi kong kakaiba ang pandesal na ito sa aking panlasa.
"At iyan ang padesal ala valenciana. Maganda ang apilidong nakuha ng aking anak kata noon ay itinawag ko ito sa apilido ng iyong ama." Pag tutukoy niya sa pinag mulan ng pangalan ng pandesal na ito ngunit hindi pala iyon ang tawag dito ,may iba pa.
"At iyan ang tinatawag nating Pandeciana" nakangiting aniya. Ang ganda naman ng tawag sa pandesal na ito at alam kong special ito sa pandinig ng nakakarami.
"Pabili po ng bente piraso ng pandeciana!" Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig.
Nagulat ako sa biglaang pagsulpot niya sa bintana rito sa kusina.
BINABASA MO ANG
El Musika
RomanceAng pagpapatuloy ng kwento ni Rosa. Do you still want to know if she can get what she want? Do you want to know if what life she have in this book? Are you hoping that she finally seek her love ones? Alamin ang kasagutan ng mga tanong na ito sa ak...