Chapter 2

24 6 0
                                    

"Nasan na ba si mama?" Halos mangiyak ngiyak na ako ng hindi ko parin mahanap si mama. Lumipas na ang 20 minutes na pag iikot ko sa pinag mulan namin pero wala parin siya.

"Paano ako uuwi?" Nakalabas na ako sa loob ng palengke. Kasalukuyan akong naka upo dito sa may kahoy na upuan sa ilalim ng puno.

Mag tatanghalian pa lang kung kaya't tirik ang araw. Napaka init pa naman, ngayon pa'ko iniwan ni mama.

Kinapa ko ang bulsa ng suot kong short. Tinignan kung naroon ang cellphone ko.

"Kapag nga naman minamalas ka oh!" Pati cellphone wala at wala rin akong pera. Paano na ako nito?

"Magandang tanghali" natigilan ako sa pag iisip, when someone approach me. Agad kong binalingan ng tingin ang may ari ng tinig na iyon.

"Ah kanina pa kasi kita nakikita. May kasama ka ba?" Agad naman akong natakot sa inakto niya. Batid ko kung anong pahiwatig niya pero hindi ko iyon nagustuhan.

"Ah wait, huwag ka mag isip ng masama. Sa tingin ko ay naliligaw ka at pwede ka namin ihatid ni inay kung gusto mo" itinuro niya ang isang stall sa loob ng palengke at roon ay nakita ko ang isang babae na nabili ng kakanin. Iyon siguro ang nanay niya.

"Ahmm.." Hindi ko alam kung dapat ba akong mag tiwala sa kaniya o sa kanila.

"Oh anak sino iyan?" Isang babae ang lumapit sa lalaking nasa harapan ko.

"Nay mukhang naliligaw siya. Puwede ba natin siyang ihatid" pagtuturo sa akin ng lalaki na agad namang sinang ayunan ng matanda.

Pumayag na ako na mag pahatid at hindi ko rin alam kung saan ang daan palabas nitong  palengke ang alam ko lang ay nasa bayan kami ng San Carlos.

"Nako ija bahagi parin ng San Carlos itong palengke. Saan ba malapit ang tinitirhan ninyo?" Pag tatanong sa akin ng matanda. Agad ko namang inisip kung saan ba kami malapit at kung ano ba ang pwedeng palatandaan noon.

"Hmm.. May katapat po ang bahay namin na parang... Water station po." Iyon ang una kong nakita noong lumabas ako.

Isang bahay na sa gilid noon ay may isa pang maliit na bahay na may mga tao. At nakita ko kanina na may binibigay silang mga asul na galon. So i guess na water station iyon like sa lugar namin dati.

"Ah... alam ko iyon" sabi ng matanda.

"Sa amin ang estasyon na iyon" singit ng lalaki.So kung sa kanila 'yon baka kapit bahay lang namin sila.

Nag lakad lang kaming tatlo kasi madalang ang sasakyan dito. May mga nadadaanan kaming mga malawak na palayan at pala isdaan.

Minsan ay napupukaw ang atensyon ko roon kaya naiiwan ako ng mga kasama ko. Hay nako rosa kapag ikaw nawala na naman.

Nag lakad kaming ulit at napansin ko ang hawak ng isang lalaki. Hawak niya ang binili ng mama niya doon sa stall ng kakanin. Biglang kumalam ang tiyan ko dahil favorite ko ang mga iyon. Next time I will buy na talaga noon dito.

"Ah gusto mo?" Agad akong nahiya ng mapansin niya ang tingin ko roon.

Nabigla ako ng hindi niya na ako hinintay pang sumagot at inilagay niya na iyon sa kamay ko. I don't have any choice kundi tanggapin na iyon. Isa pa gusto ko rin matikpan kung anong luto nila ng kakanin dito.

"Masarap iyan, 'yan ang specialty dito sa bayan ng San Carlos" pagpapaliwanag niya habang sinisimulan niya na iyon kainin.

Binuksan ko ang hawak ko at isa pala itong suman. But this is not a natural suman may iba siyang texture kaysa sa natural na alam kong suman.

Sarap na sarap ko iyon nilantakan habang hindi namamalayan na familiar na sa'kin ang daan. Mukhang malapit na kami.

"Dito ba ang bahay niyo iha?" Napatingin ako sa harapan. Hay salamat na kauwi narin! Tumango sa matanda.

"Nerisa ikaw ba iyan?" Napatingin ako sa biglaang pag sulpot ni mama sa likuran ko.

"Oh anak buti naka uwi ka" pa'no iniwanan mo ako ma!

"Hala Miranda anak mo pala ito?" Nagtatakang tanong ng matanda.

"Mag kakilala kayo?" Sabay na tanong namin ng lalaki. Na agad niya namang ikina ngisi.

"Hala ito na ba si carlo?" My mom ask habang na aamaze sa lalaking nasa harapan ko.

So his name is Carlo huh? Sa tingin ko ay magkasing edad lang kaming dalawa. Pero ang ikinatataka ko kung bakit kilala sila ni mom.

"Anak ito si tita Nerisa mo, kaibigan ko iyan dito" agad akong nag beso kay tita nerisa na sinabi ng mama ko. Pero nagulat ako ng hindi expect ng matanda na mag bebeso ako.

"Anak mag mano ka" agad akong napagitla ng marinig iyon at agad ding kumilos ang aking mga kamay at nag mano.

"Pasensya na po" nginitian naman ako ng matanda na parang natatawa pa.

Hindi naman naka wala sa paningin ko ang nakaka asar na ngiti ng lalaking tinawag ni mama na carlo. Agad umikot ang paningin ko sa kaniya.

"Nako pasensya ka na nerisa, ngayon ko lang nadala itong si rosa dito eh" nahihiyang anya ni mama.

"Okay lang iyon ano ka ba. Buti at naka balik kayo agad dito. Nabalitaan ko ang nangyayari sa lugar n'yo doon." Malungkot ang tinig niya.

"Oo nga eh, oh siya sa susunod mag usap tayong muli. Baka may naghihitay na sa inyo sa bahay at mag tatanghalian na." Masayang sabi ni mama. Hindi man lang ako napansin/ano ba iyan.

"Salamat po sa pag hatid sa akin" naka ngiti kong tingin sa matanda. Nang malipat naman iyon kay carlo ay agad nag iba ang tingin ko. Ewan ko ba nakakainis kasi ang ngiti niya.

Nang umalis na sila tita nerisa at carlo ay pumasok narin kami ni mama sa loob.

"Nako anak kinabahan ako sa'yo kanina ng hindi kita makita" ingay ingay nanaman ni mama.

"Eh? Iniwan mo nga ako doon ma" pag mamaktol ko parin.

"Akala ko kasi naka uwi ka na. Akala ko kaya mo na umuwi eh" hay nako mama. Parang ayoko na tuloy ulit sa kaniya sumama.

"Halika na rito sa kusina at kakain na tayo." Inaya ako kaagad ni mama roon sa kusina.

Nakita kong naka upo na si lola at daddy doon. Kaya umupo narin ako sa puwestong naka laan sa akin.

"Ito na ba ang apo ko miranda?" Pag tatanong sa 'kin ni lola.

Ngayon lang kami nagkaharap ni lola ever. Ewan ko ba kay mama kung bakit hindi man lang ako nadala rito kahit kailan. Maybe noong bata pa ako pero hindi pa ako nakita ng lola ko ng malaki na ako.

Tumayo ako sa upuan ko at lumapit kay lola agad akong nag mano sa kaniya. Dahil nakita ko na naman ang tingin sa'kin ni mama. Iyon na siguro ang naka gawian dito sa probinsya  dapat ma adopt ko iyon.

Ngumiti sa akin si lola at sinabi niya na bumalik na ako sa upuan at mag simula na kaming kumain.

El MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon