Chapter 44

19 2 0
                                    

"oh nandito na pala kayo. Tara na at maupo rito. At lalamig ang pagkain" sabi ng tatay niya na hindi pa yata ako nakikita.

"Ah magandang araw po" pumunta ako malapit kay sir at nagmano sa kaniya.

"Oh ikaw ba ito, rosa?"

Napangiwi ako at saka ngumiti. "Ah opo,sir". Hindi naman na siya nag salita pa. Pinaupo na kami sa hapagkainan

"Masarap ang luto nitong papa ni grey. Isa 'yan sa specialty namin. Ang kaldereta" nakangiti sa akin ang mama niya.

Napasulyap naman ako sa tabi ko. Nang maramdaman ni Grey ang tingin ko ay tinignan niya ako pabalik. Tinaas niya ang kilay niya na nagtatanong sa akin. Umiling lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Malapit ng ikasal ang ate nitong si Grey. Pumunta ka ija" biglaan sabi ng mama niya. Nag alangan ako na ngumiti saka tumango. I don't know kung ano ang isasagot.

"Ewan ko ba diyan kay Grey. Ayaw pa mag asawa. Nasa tamang edad naman na" nanlaki ang mata ko sa narinig mula kay sir.

Nang sulyapan ko si Grey ay bahagyang naka nganga na ang bibig. Siniko ko siya, baka kapag parehas kaming tensyonado. Hindi na namin masabi ang pakay naming dalawa.

Narinig ko ang peke niyang pag ubo. "Ah mom, dad. May gusto sana ako sabihin. O ipaalam" nahihimigan ko ang hiya sa boses niya. Nasan ang tapang mo ngayon grey?

"Oh?ano naman iyon?"

"Sige magsabi ka lang anak"

Sabay na sabi ng mga magulang niya. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba. Para akong masusuka. Hindi ko alam kung kinakabahan ba si grey. Basta bahala na siyang magsalita.

"Ah. Kami na po ni Rosa. Pasensya na hindi ko agad nasabi sa inyo" nakangiti sabi ni Grey.

Kitang kita ko sa harapan. Kung paano ang itsura ng magulang niya. Gulat na hindi ko maintindihan. Mas lalo pa akong kinabahan ng hindi agad sila nag salita.

"Oh kung ganoon eh? congrats" ang mama niya ang unang naka sagot. Kahit pa gulat

"Tanggap niyo ba kami?" Ano ba namang tanungan 'yan Grey? Masa lalong nakakaba sa dibdib eh.

"Bakit naman hindi. Mabait at maganda itong si rosa"

Natigilan ako sa sinabi ng papa niya. Biglang naglukso ang puso ko. Masaya ako na ganoon ang tingin nila sa akin.

"Hindi ka man lang ata nanligaw anak?"

"Nanligaw ako ma!"

"Eh bakit hindi man lang sa amin nakarating?"

"Eh syempre. Kaya ko na 'yon sa sarili ko pa. Malaki na ako"

"Oh eh kailan ang kasal?"

"Planuhin na ba namin pa?"

"Planuhin mo na agad. Para wala ng atrasan"

"Manahimik nga kayong dalawa diya. Si rosa oh, hindi na makapag salita"natatawang pagpipigil sa kanila ng mama niya. So ang atensyon napunta ngayon sa akin.

Nahihiya akong ngumiti sa kanila. I don't what to say, only i felt that I'm happy.

"Ah... Salamat po sa pagtanggap niyo sa akin, sa amin. I'm glad that i feel welcome po sa inyo" 'yon lang ang tanging nailabas ng bibig ko.

Sa ilalim ng mesa ay naramdaman ko ang paghawak ni Grey sa kamay ko. Binalingan ko siya,at nasalubong ang kaniyang ngiti. "Thank you" mahina kong pagkakasabi. Ginantihan niya lang ako ng matamis na ngiti.

"Oh kumain pa kayo ng marami. Ito letche flan. Paborito ito niyang si Grey" sobrang nakak overwhelm ang pagiging maasikaso niya sa bisita. Isa pa ramdam ko na tanggap talaga niya ako.

***

Natapos ang pagkain naman. Napuno ng tanong kung paanong nandito ako sa San Carlos. Hanggang sa kung ano ang trabaho ko. Medyo natawa pa ako ng magulat sila nang malaman na model ako. Wala ba sa itsura ko?

"Oh siya mauna na kami sa itaas. Magpapahinga na. Alam mo naman kapah tumatanda mabilis mapagod" pagbibiro ng mama niya.

"Okay lang po 'yon. Maraming salamat po ulit sa araw na ito" nakangiti kong sagot. Napabaling naman ako kay sir. " Ah sir. Thank you din po. Sana po ay maka bonding ko pa po kayo sa susunod. Pasensya narin po, kung mayroon kaming naaabal sa schedule niyo" nag aalangan akong ngumit.

"Wala iyon Rosa. Ang araw na ito ay isang malaking bagay. Tawagi mo na kaming tito at tita. Saka huwag ka ng mahihiya sa amin. Welcome ka sa pamilya namin. Nasisiguro naman namin na sa susunod ay isa ka narin parte ng pamilyang ito" naglukso ang puso ko sa lahat ng narinig.

"Thank you po... Tito at tita" bagamat hindi pa sanay, i know one day magiging komportable ako sa kanila.

They give me a hug and then go up stairs. Kung kaya't naiwan kaming dalawa ni Grey dito sa sala.

"I told you. Oh 'diba tanggap ka nila"

"Oo na po" piningot ko ang ilong niya. Na agad niyang inangalan.

"Gusto mo na ba umuwi?"

"Hmm.. wala pa akong kasama sa bahay"

"Oh? Samahan kita?"

"No, kaya ko naman mag isa. Pero dito muna ako. If it's ok? Maya maya ako uuwi"

"Sure love. Anong gusto mong gawin?"

Napaisip naman ako habang naupo na kami sa sofa. He is beside me. Ipinatong ko ang pillow sa hita ko. Saka ko itinungkod doon ang braso ko.

I feel his stares. "In love ka na naman sa 'kin" biro ko.

"No need to say yes. You already know that" nang tumingin ako sa kaniya ay kinindatan pa ako.

"Anong gagawin natin?"

"Ewan ko din"

"Watch movie?"

"Baka antukin ako rito?"

"Edi rito ka na matulog?"

"Nye nye mo! Pa simple na naman siya oh"

"Ano ba 'yon. Hay utak mo rosa" maloko niya akong tinignan.

"Akala mo talaga. Inosente ka?"

"Hindi. So stop that topic,love" napalakas ang tawa ko. Kaya napatakip ako sa bibig ko. Inilingan niya lang ako habang nakangiti.

"Alam ko na" bumaling ako sa kaniya. "Can you sing for me?" Natigilan siya sandali. "Sure,why not?" Nginitian niya ako. "Wait lang" sabi niya saka umalis.

Pagbalik niya ay may dala dala na siyang gitara. "Ay ang effort ni kuya". Nangunot ang noo niya. "Kuya? Am I your brother?"

"Hindi ka na mabiro ngayon ah?" Natatawa kong aniya.

"What song do you want?"

"Hmm.. anything? Basta ikaw kakanta. Yieee" pang aasar ko pa.

"Hay. Bola bola sa gabi"

"Hey that's my line! Gaya gaya ka" sa huli ay natawa kaming dalawa.

El MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon