Chapter 7

16 6 0
                                    

This is another night na muli akong narito sa labas at nag hahanap ng signal. Nakaangat nanaman sa ere ang cellphone ko umaasang makaka pag bukas ng social media accounts ko.

"Ano ba 'yan bakit kasi wala man lang wifi" lumipas nanaman ang linggo at wala parin nag kakabit.

"Pstt anong ginagawa mo diyan?" Muli kong narinig ang tinig ni Carlo. Napapadalas na ang pag uusap namin. Palagi niya akong kinukwentuhan ng mga tungkol dio sa bayan nila.

Hindi rin nawala doon ang pag banggit niya na dadalhin niya ako sa susunod sa mga lugar na tiyak na magaganda rito.

"Wala paring signal?" He ask habang nalapit sa'kin. Tumango ako for the answer.

"Kayo ba?wala ba kayong wifi?" I ask while my eyes are focused on my phone.

"Kami?meron" biglaan niyang sagot at napatingin naman ako.

"Ehh bakit hindi mo man lang sa'kin sinabi! Pa connect ako!" Ganoon na ako ka desperada na makapag bukas ng accounts ko.

"Ehh hindi ka naman nag tatanong ehh" napapa kamot siya sa ulo niya.

Narito na kami sa harapan ng bahay nila at hindi ko alam kung anong tawag dito sa pinag dalahan niya sakin na katabi rin ng bahay nila.

"Sabi ko pa connect ako! Bakit tayo nandito?" I'm so confuse kasi dapat sa bahay nila kami dumeretso.

"Teka lang naman ho diba?" I glared at him.

"Oo na eto na. Hindi ko kasi alam kung mabilia 'yung wifi namin kasi nakakonekta 'yon dito" pag tuturo niya sa nasa harapan namin.

"Huh?ano ba iyan?" I'm pointing sa tinuturo niya.

"Computer shop" ano? Bakit naman iyon nakakonekta diyan?

"Tara na pasok na tayo sa computet shop" pag hihila niya sa akin ngunit pinigiln ko siya.

"Hoy, ano naman gagawin natin diyan hindi naman ako bibili ng computer ehh!makiki wifi ako!" Pag tatampal ko sa braso niya. I'm shock when he burst a laugh.

"Ano bang sinasabi mo diyan?" hindi parin mapigil ang tawa niya.

"Computer shop? Tama naman ako diba? Its a shop where you can buy a computer? Ehh hindi naman ako bibili ehh so why we enter in that shop?!" Nainis akong muli ng lumakas pa lalo ang tawa niya.

"Anong nakakatawa?!" Naka pamewang na ako sa harapan niya.

"Sorry sorry, mali ka naman kasi eh. Hindi ka pa ba nakakapunta sa Computer Shop?" He ask me habang pinapakalma niya ang sarili.

"Hmm.. Nope, beside sila Dad ang nabili ng mga appliances sa house" muli ko nanaman narinig ang tawa niya.

"Ano ba!tumigil ka nga sa kakatawa mo!" Kinurot ko na siya sa braso niya na kaniya namang ininda.

"Sorry ulit! Ikaw kasi ehh hindi naman kasi porket computer shol ehh bilihan na ng computer. Talaga nga namang iba ang lugar ninyo" what? What is he talking about?

"Computer shop, 'yun ay may mga computers na inilaan para magamit ng ibang tao. Doon ay pwede kang mag browse ng social media account at iba pa na kailangan ng koneksyon ng wifi. Pero syempre meron iyon na equivalent na payment pero sa murang halaga lang" mahaba niya paliwanag na nag dala sa akin sa kahihiyan.

My gosh bakit hindi ko iyon alam? My whole life is a lie. Ang baliw ko naman! Masyado akong nag bigay kahulugan dahil sa pangalan.

"Hehe sorry i didn't know about that kasi" nahihiya ko na lamang na naiiwas ang aking tingin.

"Okay lang iyon rosa tara na sa loob" batid kong natatawa parin siya pero hindi ko iyon narinig dahil pinigilan niya.

El MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon