Chapter 23

13 4 0
                                    

Lumipas ang mga araw na nagtrabaho ako. Now is my rest week o baka month? It's depend kasi kung kukuhanin akong model ng iba pang brunch. Pero ang kay Mr. Brent if may designs na siyang bago saka lang kami nag shoshoot. Masasabi kong medyo madali lang siya para sa akin.

Nasa kasagsagan ako ng pag iisip at naka upo sa may silya habang nakatingin sa labas ng bintana.

Dinadama ko ang katahimikan sa loob ng bahay habang may isang kantang naririnig ang aking tainga.

Nang biglang pumatak ang mga ulan paibaba sa lupa. Agad na sinundan ng aking mga tingin ang bawat butil ng mga iyon. Matapos ay biglang sumilay ang mga ngiti sa aking labi.

Tumayo ako sa aking kinaroroonan at lumabas upang maramdaman ang pag dapo ng bawat patak ng ulan sa aking katawan.

"Natutulog pa naman si lola. Okay lang siguro na lumabas muna ako?"

Napatingala ako sa madilim na kalangitan ng biglang lumakas ang hangin at bumalot ito sa aking katawan.

Napayakap na lang ako sa aking sarili dahil sa lamig kasabay noon ay ang paglakas ng ulan. Napatingin ako sa daan kung saa'y mag isa akong nag sasasaya. Nang biglang may sumulpot na imahe sa aking harapan sa hindi kalayuan.

"Nandito siya?" Pinunasan ko ang mga matang nanlabo dahil sa patak ng ulan na dumaloy sa aking mukha.

Unti unting luminaw ang aking paningin kasabay ng pag lapit niya sa akin. Ang kaninang saya'y napigilan. At nag simula ang pagbuo ng kaba sa aking dibdib.

Unti unti ay lumapit siya sa akin "Pwede ba kong sumali sa pag sasaya mo binibini?" Hindi ako naka kibo ng marinig ang tinig niya.

"Nandito ka?" Para akong timang sa lumabas na salita sa'kin. Wala akong natanggap na sagot kundi isang matamis na ngiti.

"Hoy tara na" napagitla ako ng ipadausdos niya ng mabilisan ang kaniyang kama'y sa aking mukha.

Tumakbo siya palayo sa akin habang paulit ulit akong nililingon ng nakangiti. Batid ko ang kagustuhan niya... Bagama't gulat ang mukha ay muling sumila'y ang aking mga ngiti.

Unti unting kumilos ang aking mga paa at natagpuan ang sariling hinahabol siya. Habang ang ulan ay patuloy sa pag lakas. Narito kami at nag sasaya sa kasagsagan ng mga tubig at malamig na hangin.

"Totoo na ba ang lahat ng ito?" Totoo na kaya lahat ng hinala ko? Nandito na talaga si.... Grey?

Nakasunod ako sa kaniya sa kagustuhang mapalapit sa kaniyang tabi. He run fast that's why I'm at his back.

(Song title: Tampisaw by This Band)

Andito na sating tagpuan
Sabay tayong kumakaway
Bigla na lang may pumatak
Nagkatinginan, kumislap
Nagkaisa ang ating isip at
Sabay na nating gagawin...

Ilang sandali pa'y naabot ko rin siya. Sa paglapit ng katawan ko sa presensya niya. Tila may isang musikang naririnig ang aking tenga. Kasabay niyon ay ang kabog ng dibdib ko sa kaba.

Magtampisaw sa ulan
Tila walang pakialam
Sa mga tao sa paligid ko
At kung tayo'y lalagnatin

Nang maramdaman niya ako ay humarap siya sa akin. Ang kanina naming pag takbo ay napalitan ng paglakad. Habang ang ulan ay walang tigil sa pag patak.

Pinaragasa ko ang palad ko sa aking mukha habang nakaharap sa kaniya. "Paanong nandito ka?" I can't stop my self to ask.

Katulad kanina ay hindi ako nakatanggap ng sagot bagkus ay nginitian niya lamang ako. Sabay tumakbo nanamang muli.

Tumakbo palayo
Taas kamay ang hawak mo
Makikisilong kina manong at
Mag kwekwentuhan tayo

Hinabol ko siyang muli hanggang sa matigil kami sa isang tindahan. Wait, i know this store ah? "Tindahan ni aling bebang" nakita ko ang paglingon ni grey sa akin.

He didn't bother to speak instead he sat at the wooden chair in front of the store. I'm just watching his action when he signal me to sit down. Wala parin ako sa wisyo na sumunod sa kaniya. I sat in the chair opposite on him.

Ano mang trip o gimik
Kahit ano pa ang ating gawin
Basta't kasama ka
Walang iba pang hahanapin

I still watching his action when he reach the bell in the store. Agad akong nakarinig ng yapak sa loob. Bigla na lang ay sumulpot si aling bebang.

"Oh anong ginagawa mo diyan?" Nakatingin siya kay grey. Nang tignan ko si grey ay tumingin siya sa akin, thats why aling bebang turn her gazed on me. "Oh ikaw pala 'yan Rosa"

"Ah opo?" Napakamot ako sa ulo ko at napatinging muli kay grey.

"Ahh pabili nalang po ng sitsirya. Tapos dalawang softdrinks"

Agad naman kumuha si aling bebang at iniabot 'yon sa akin. Matapos ay naiwan kaming dalawa ni grey. I gave him another peace of my food. Kinuha niya iyon sa akin at ngumiti.

"Ahmm? Hindi ka man lang ba sasagot sa tanong ko?" We're eating our snack at the moment.

Nginitian niya na naman ako na nagpakunot ng noo ko. "Hala pipi ka na ba?" He laughed. "Nah" tipid niyang salita.

"Eh bakit ayaw mo sagutin 'yong tanong ko?"

He just shrug his shoulders and then back to eat. "Tsk" narinig ko ang mahina niyang tawa. Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain.

Lumipas ang ilang minuto ay natapos ako sa pagkain habang pasulyap sulyap sa kaniya. Totoo ba talaga 'to? Nasa harap ko ba talaga siya? As in siya ba talaga 'to?

Inosente siyang tignan habang iniinom ang kaniyang softdrinks. Ang daming nag bago sa itsura niya. I think he's more matured right now. Malaki narin ang katawan niya, not fat. I think nag g-gym siya. His height is like the normal boys,matangkad. Kaya kanina ay naiiwanan niya ako,haba ng biyas eh.

"Tapos kana kumain?" Natigil ang pag pag iisip ko ng katangian niya ngayon when he asked me.

"Ah oo eh. Ikaw ba?" He  nod at me. "Tara na?" Sabay tayo niya sa pwesto. Gumaya na lang ako sa kaniya.

Hindi ko alam kung saan kami patutungo. Tanging alam ko lang ay ang sundan siya sa pagkakataong ito. Tinahak namin muli ang daan kanina.

Ilabas ang chips,fries and dips
Sabay nating uubusin
At pagkatapos ay tatayo't magbibilang
Isa,dalawa, tatlo
Tayo ay tatakbo

Napatingala ako sa langit. Patuloy parin ang pagragasa ng ulan. Ang mga patak nito ay katamtaman lang at hindi sobrang lakas.

Magtampisaw sa ulan
Tila walang pakialam
Sa mga tao sa paligid ko
At kung tayo'y lalagnatin

Tumakbo palayo
Taas kamay ang hawak mo
Makikisilong kina manong at
Mag kwekwentuhan tayo

Napatingin ako kay grey. Totoo nga nandito nga talaga siya. Hindi kathang isip ang lahat ng ito. Ngayon lang nag process lahat ng iyon sa utak ko ng makarating kaming muli sa harap ng gate ng bahay namin.

Here I am, in the middle of the rain. Standing beside him and watching how he smile because of the drops of the rain.

"It's been a long time. Since the last day we've meet"

El MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon