Pangatlong araw na ito mula ng umalis kami sa dati naming bahay at umuwi rito sa bahay namin sa probinsya.
Pangatlong araw narin mula ng hindi ako kumikilos at nakakulong lang sa kuwartong nakalaan sa akin.
I don't know what I feel right now. I don't even understand what's going on. Hindi ko alam kung anong buhay ang kinakaharap namin dito. A-at hindi ko alam kung kaya ko bang manatili dito.
Laging ganoon ang laman ng isip ko bagama't hindi ako umiiyak ay patuloy akong nasasaktan.
Kasabay niyon ang mga katanungang, bakit matapos kong makaramdam ng sakit? ngayon nama'y patuloy tayong inilalayo sa isat isa. Isang ala ala ni grey na patuloy ko paring dala.
Muling tumulo sa aking pisngi ang mga luha. Gulong gulo na ang isipan ko sa lahat ng nangyayari sa akin.
Kasabay ng pag alala kay grey ay ang pag alala ko patungkol sa kaligtasan namin.
Hindi ko alam kung dapat ko bang piliin ang kalusugan ko o manatili ang isipan kay grey.
Pero sa lahat ng isipang iyon ay alam ko ang tama. Na unahin ang kapanan ng lahat kaysa sa sarili.
Agad kong niyakap ang unan ko at humagulgol ng iyak sa loob ng kuwarto.
Lumipas ang isang linggo na nakakulong lang ako sa kuwarto. Patuloy akong pinagtiisan ng nanay at tatay ko. Alam kasi nilang sariwa pa sa akin ang lahat ng nangyayari.
"Anak kumain kan-" natigilan si mama sa pag sigaw sa labas ng aking kuwarto. Nang agad kong buksan ito, na siyang hindi ko ginawa ng mga nakakaraan.
"Okay ka na ba anak?" Nanunuri ang kaniyang tingin ngunit batid ko ang kaniyang ngiti.
"Opo" hindi pa talaga masyadong maayos ang pakiramdam ko.
Umalis si mama sa harapan ko ng may ngiti. Hinayaan niya muna akong mag isip isip. Dumapo ang tingin ko sa tray ng pag kain na dinala sa akin ni mama.
Kompleto ang breakfast mill ko it is a fried rice with egg and daing. Ganito ang madalas na umagahan sa probinsya.
Inaamin ko na hindi pa ako ganoong ka sanay sa ganitong lugar. Pero pinananatili ko ang respeto ko. Inuubos ko ang lahat ng binibigay nila mama kahit pa minsa'y walang gana.
Dumiretso ako sa ibaba dala ang mga damit ko kung saan naroon ang banyo. Ang tinutuluyan namin ay katamtaman lang ang laki. Ngunit simple lang kung ikukumpara sa mga bahay sa syudad. Ito ang bahay ng lola ko, ang Nanay ni mama.
Malinis ang banyo at maaliwalas. Ganoon parin naman ang mga kasangkapan. May toilet bowl pero walang flash at ang sahig ay simento at hindi tiles.
Ni minsa'y hindi pa ako nakatira rito kung kaya't naninibago ako. Minsan rin ay napapaisip ako na kung paano lumaki si mom and dad sa ganitong lugar.
Sana katulad nila ay masanay rin ako at makayanan ko. Iniisip ko pa lang na napaka laki ng agwat ng pinag kaiba ng lugar namin noon kaysa rito. Ay parang nahihirapan akong mag adjust.
Hawak ko ang cellphone ko at kanina pa ngangalay ang braso ko kakataas ng cellphone at kakahanap ng signal. Ngunit wala akong masagap.
"Anak sabi ko naman sa'yo huwag mo ng subukan. Mahina ang signal dito lalakas lang kapag nag ka wifi." Pagsasaway ni daddy na nag babasa ng dyaryo .
"Eh bakit kasi ang tagal ng wifi" kung doon 'to sa'min isang tawag mo lang pupunta na agad ang mag kakabit.
"Hindi ba sinabi ko na sa'yo na matagal ang service dito" wala akong nagawa kundi ang intindihin na lang.
Narito lang kami sa sala ni daddy habang si mama ay nasa kuwarto ng lola ko at nag uusap sila. Hindi ko pa nakakausap ang lola ko simula ng makarating kami rito. Maybe in other time ay kailangan ko siyang makilala bilang parte ng pamilya ko.
Maganda naman ang disenyo ng loob ng bahay. The color of the wall are cream na siyang bumabagay naman sa mga furniture na gawa sa kahoy.
Sinusuri ko ang loob ng bahay ng bigla akong tawagin ni mama.
"Anak sumama ka sa'kin, mamimili tayo sa palengke at para makalabas ka naman"
Hindi ko alam kung gusto ko na bang lumabas at makasalamuha ng mga tao. Pero agad rin naman akong tumango kay mama at saglit na nag ayos ng sarili.
Nang mga ilang araw na nag kulong ako ay nag decide ako sa sarili ko. Na gusto kong baguhin ang buhay ko. Mahirap man mag adjust ay gusto kong maging normal sa pananatili namin dito.
Hawak ni mama ang bayong habang mag kasabay kaming nag lalakad. Hindi naman maiwasan ang pagtingin ng madadaanan naming tao sa akin. Maybe si mama familiar sa kanila but not me.
Nakarating kami sa malaking palengke at doon ay nakita ko ang mas maraming tao.
"Anak huwag mo ilalayo ang tingin mo sa'kin. Baka maligaw ka ah" pag papaalala sa'kin ni mama na parang bata.
Alam ko naman na kung saan ako pupunta malaki na ako. Kahit hindi ako familiar sa lugar na ito ay kaya ko naman na.
Nilibot ko ang aking paningin sa malawak na palengke. Ngayon ay nasa mga gulayan kami. Naka sunod lang ako habang namimili si mama ng mga gulay.
Fresh ang mga gulay nila rito like cabbage, potatoes, carrots,egg plant, kangkong, petchay at iba pa. Lumalabas din ang tunay na kulay ng mga iyon na halatang bagong pitas pa lang.
"Ganito pala sa probinsya" usually kasi sa lugar namin noon puro sa mall kami nabili ng mga pagkain namin. Siyempre iba talaga kapag sariwa.
Nasa stall na kami ng mga sea foods at naka sunod parin ako kay mama. Hindi ako nag sasalita dahil sa kamanghaan sa mga nakikita.
"Ohh my gosh"na pabalikwas ako ng may tumalsik na tubig sa katawan ko.
"mag ingat ka anak huwag ka masyadong lumapit sa mga drum" narinig ko naman ang tinig ni mama habang nahawak na siya ng mga isda.
Agad kong pinaka titigan ang drum na nasa gilid ko at bigla na naman akong natalsikan ng tubig sa mukha.
"Bwiset kayong mga isda kayo!" Iaman ng drum na iyon ang mga buhay na isda.
Napatingin pa ako sa ibang drum at puro isda nga ang mga iyon. Masayang lumalangoy ang mga isda bagama't malapit na silang hiwain ano mang oras.
Natawa na lang ako sa sarili ng masulyapang uli ang mga isda.
"Grabe ngayon lang ako naka kita ng isdang fresh pa, nakaka awa naman at mamaya kakainin na sila ng mga tao rito" agad akong nalungkot habang tinitignan ang mga isda.
Nang matapos ay bumaling na akong muli sa pinamimilhan ni mama kanina ng isda. Nag lakad ako patungo roon ngunit bigla naman kumabog ang dibdib ko ng makita na wala na roon si mama.
"Sheteng 'yan naiwan ako ni mama!" Lumakad ako sa mga katabing stall noon para hanapin si mama.
![](https://img.wattpad.com/cover/227068378-288-k388657.jpg)
BINABASA MO ANG
El Musika
RomanceAng pagpapatuloy ng kwento ni Rosa. Do you still want to know if she can get what she want? Do you want to know if what life she have in this book? Are you hoping that she finally seek her love ones? Alamin ang kasagutan ng mga tanong na ito sa ak...