Habang nasa kasagsagan kami ng pag andar ang sinasakyan namin, ay nagulat ako ng biglang tumayo si carlo mula sa pag kaka upo niya kanina.
Medyo na takot ako na baka mahulog siya... Pero batid ko kung gaano siya kasanay sa ganoong bagay. Napanatag naman ako ng makitang humawak siya doon sa may bubong ng front seat.
"Halika dito rosa" natigilan ako sa pagtitingin sa mga dinadaanan namin ng tawagin niya ako.
"Huh?" Itinuro nita ang pwesto kung saan siya naka tayo.
"Hala ayoko baka mahulog ako!" Kinakabahan ako sa nais niya na gayahin ko ang kung ano mang ginagawa niya.
"Ligtas ito ano ka ba" natatawang aniya habang inilalahad sa akin ang kaniyang kamay.
Hindi ko alam kung safe ba ako doon pero gusto kong subukan. Sabi ko nga kanina i want to try every thing about in this place.
"I hawak mo ang mga kamay mo rito" pag tuturo niya sa nasa harapan na maaaring kapitan.
Sa puntong iyon ay naramdaman ko na safe naman ako. Ngunit mas dumoble ng maramdaman kong hawak ng kaunti ni carlo ang likuran ko. Para mabalanse ang pag kakatayo ko.
"Ohh ngayon ilibot mo na ang paningin mo at damahin mo ang sariwang hangin dito" masaya niyang sinabi iyon. I dont know what to say basta alam ko sa sarili ko na masaya ako.
Inilibot ko ang paningin ko ng makadaan kami sa isang mahabang bukirin. Dito ay nag simula ng tangayin ng alon ng mga hangin ang buhok ko.
"Hala gusto ko mag stay doon" pag turo ko sa isang phno na nakita. Matatayog iyon at maraming bunga ng mangga. Meron siyang kakaunting katabi na bahay.
"Sa susunod rosa" nakangiting aniya.
Ipinikit ko ang mga mata ko upang damahin ang ganitong panahon. Payapa at tanging ingay lamang ng sinasaktan namin ang naririnig. Tila napaka layo nga ng nararating ng tubig nila carlo.
"Dumilat ka na riyan, nandito na tayo" natawa nanaman siyang muli.
Siguro ay sanay na siya sa mga ganoong reaksyon ng mga katulad kong baguhan dito. I think na maalam siya sa mga tao, madali siyang pakisamahan kaya walang tao ang hindi matutuwa sa kaniya.
Nang huminto ang sinasakyan namin ay inalalayan niya ako pababa.
"Magandang umaga bebs! Ayy! Este aling shala" natatawang aniya ni carlo. Doon ay nakita ko sa harapan ang isang matandang babae na sinalubong si carlo ng taas ng kilay.
"Ikaw talagang bata ka"Bigla ay hindi ko napigilan ang aking tawa ng akmang hahampasin siya ng matanda.
" huhuhu itago moko rosa" biglaan ang pagtago niya sa aking likuran at mahigpit na nakahawak sa laylayan ng aking damit.
"Hoy tumigil ka diyan carlo, nasasakal ako ng damit ko" ako naman ang nais sa kaniya ngayon.
"Ohhh at sino naman itong magandang dalaga natin?" Natigil kami ng magsalita ang matanda.
"Haynako aling shala, iyan po si rosa kaibigan ko" pagpapakilala sa akin ni carlo habang inuutusan na ng matanda ang kasama namin na ilagay ang tubig sa loob ng bahay nila.
"Amg ganda naman ng dalagang ito,lalo na ang buhok. Naalala ko ang apo ko..... Bagay kayo" sa una ay natuwa ako sa sinabi niya, ngunit may kung anong gulat na dala sa akin ang huling sinabi niya.
Natawa na lang ako na parang nahihiya at hindi alam ang isasagot.
"Haynako aling shala" nakita ko naman ang busangot ng mukha ng nasa tabi ko.
Nag abot ang matanda ng bayad kay carlo na busangot ang mukha.
"Mauna na po kami" pag galang ko sa matanda. Na ginantihan naman ako ng ngiti.
Nag lakbay kaming muli sa mga bahay dito sa aming bayan. Nang may madaanan kaming isang paaralan.
"Hala ayan ba 'yung school niyo?" Pagtatapik ko kay Carlo.
"Aray ko naman nakakagulat ka" singhal niya sa akin.
"Oo 'yan ang Unibersidad namin dito, maliit lang ano?" Napatango na lang ako habang papalayo na kami sa nadaanang paaralan.
Kung ikokompara iyon sa amin ay napaka laki ng difference nila. Tiyak na mas malaki ng sa amin. Dahil iisang building lang ang sa kanila. Pero kung sa disenyo ay mas maganda ang sa kanila. Kaka iba ang style ng school nila.
"Parang gusto ko maka pasok doon" nasabi ko na lamang.
"Tiyak na diyan ka papasok, iyan lang ang tanging kolehiyo rito sa bayan. Tsaka sa tingin ko ay hindi ka pa makaka balik sa inyo nakikita ko parin sa news na hindi pa maayos ang lagay ng lugar ninyo" na lungkot ako sa hatid niyang balita.
Masyadong makabago na ang lugar namin roon na hindi na mag papahirap pa sa maraming tao. Pero tila binigyn naman iyon ng sumpa. Hindi ka tulad dito, payapa at walang kung ano mang kaguluhan bagamat hindi maka bago ay matitiyak mong ang kasiyahan ay pang matagalan dito.
"Hoy na lungkot ka nanaman diyan?" Pag sanggi niya sa akin.
"Hindi naman.." Napatanaw na lang ang sa malawak na bayan na aming dinaraanan.
"Sabi ko naman sa iyo diba. Hwag kang mag alaka sa mga bagay bagay. Kasi tatanggapin ka lahat ng narito no one can reject you" isang ala ala ang sumagi sa aking isipan ng marinig ng mga huling salita na sinabi niya.
No one can reject you? Is it true? Kailan ba ay hindi ako itatanggi rito tulad ng kung paano niya akong itanggi noon?
"Ohh punasan mo na iyan" hindi ko napansin na tumulo nanaman palang muli ang mga luha ko.
Pagka abot ko ng panyo ay isang ala la nanaman ang pumasok sa akin. I still remember how i gave my handkerchief to him. I still remember how he wipe his self using my handkerchief, in the time that he are sweating.
Pinunasan ko na lamang ang mga luhang pumatak sa aking luha at winaglit na muli ang mga nasa isipan.
Ang dami naming nadaanan na magagandang lugar. And i want to stay there but our time is limited. Kaya sa susunod ay sisiguraduhin ko ng makaka panatili ako sa mga lugar na napukaw ng atensyon ko.
Masaya akong bumaba sa sasakan. I know na naging masaya ang araw ko ngayon at hindi ko akalain that i start appreciating this place.
"Sa sunod punta tayo sa mga lugar na gusto mo" naka ngiting aniya ni carlo.
"Thank you ahh" napaka buti niyang tao sa akin. Bagamat baguhan ako rito ay ramdam ko ang pag ka gusto niya na matutunan ko ang mga bagay dito.
"Walang ano man" pag kindat niya sa akin na ginantihan ko lang ng tawa. He's like the other boy's but there something different about him.
"Sige na pasok ka na sa inyo. Sa susunod na lang ulit" hindi parin na aalis ang kaniyang mga ngiti.
Masaya ako na kahit papaano ay may isang taong tumutulong sa akin dito sa lugar na ito. I think i should consider him as my friend now...

BINABASA MO ANG
El Musika
Roman d'amourAng pagpapatuloy ng kwento ni Rosa. Do you still want to know if she can get what she want? Do you want to know if what life she have in this book? Are you hoping that she finally seek her love ones? Alamin ang kasagutan ng mga tanong na ito sa ak...