Special Chapter

12 3 0
                                        

Day off ko ngayon. Isang buwan na nang muli akong bumalik dito sa San Carlos. Isang buwan na ng huli naming paghaharap.

Ngayon, hindi ko na alam. Kung ano ba ang gagawin ko sa buhay ko. Para akong binabato. Bakit dapat kong maranasan lahat ng ito?

Imbis na magmukmok sa bahay. Lumabas ako. Gusto kong maglakbay. Kung paanong masaya kong tinatahak ang bawat daan noon.

Sa paglalakad ko. Malayo ang narating ko. Madaming ala ala ang patuloy na nagbabalik. Hanggang sa makarating ako sa El Musika.

I don't know if I should go inside or I should continue my walk. But in the end, pumasok parin ako.

"Kamusta naman kaya ang El Musika? Mukhang hindi napapabayaan"

Pagkapasok ko sa loob. Saktong pasimula pa lamang. Naupo ako sa isahang upuan. Tinatanaw ang kabuaan ng resto bar. Nag improve at hindi napabayaan. Sana tulad nito, sana gano'n din ako.

Hindi ko alam kung anong nangyari. Namalayan ko na lang na nasa harapan na ang aking sarili. Nakaupo sa high chair. Upang ang mga narito ay handugan ng isang kanta. Naghahanap kasi sila nang gustong mag alay ng kanta. Siguro ito na ang panahon para ilabas ko kung ano ang kanta na nais ko.

"Magandang gabi sa inyong lahat. It's my first time sitting here. And facing all of you"

"Alam ko na lahat tayo rito ay sawi, katulad ko. Hindi ko alam kung magugustuhan niyo ang kanta ko. Pero sana maunawaan niyo kung ano ang laman nito"

(Song title: Patawad by Moira Dela Tore)

"Paano na limutan ang lahat
Na kahit konti walang pasabi
Paano nalimutan banggitin
Na nagbago pala ang pagtingin
Oh oh oh
Oh oh oh"

Hindi ko alam, pero agad na nagtubig ang mata ko. Ayokong umiyak sa harap ng maraming tao.

"Wala na rin naman
Kahit na balikan
Wala na ang tamis
Nung ika'y nahagkan
At sa huling paalam
Naiintindihan
Na sa ating dalawa
May ibang na kalaan"

Bakit ganito ang kanta? Pumapatungkol sa ating dalawa?
Bakit ang sakit. Bakit ikaw ang tangi kong naiisip?

Paano burahin ang sandali
Na naiguhit sa panaginip
At kung sa pag gising ikaw parin
Ang nasa isip
Hindi maitanggi
Oh oh oh
Oh oh oh

Sa dagsa ng tao. Sa likuran ay nakita ko ang mahala ko. Nakatayo, nakatanaw sa akin. Na napaka layo. Bakit ang layo mo ngayon?

"Wala na rin naman
Kahit na balikan
Wala na ang tamis
Nung ika'y nahagkan
At sa huling paalam
Naiintindihan
Na sa ating dalawa
May ibang na kalaan
Patawad
Paalam
Patawad,paalam"

Ang kantang iyon ay parang naging salita. Na siyang direkta kong nasasabi sa'yo. Alam ko na katulad ko. Nakatanaw karin sa mga mata ko.

"Patawad kung ikaw ay aking nasaktan
Hindi ko na bigay
Ang iyong kailangan
At ang huling pangakong
Maibibigay
Na sa ating dalawa
Ay wala nang sisihan"

Why this song really kill us? Bakit ganito? Natatamaan ako ng todo? Katulad ng sinalita ng kanta. Ay tulad nang kung paano kitang napabayaan. Patawad kung hindi ako naging sapat.

"Patawad paalam
Sa ating nakaraan"

Tuluyang bumagsak ang mga luha ko. Habang ang mga mata ko ay nakatitig sa'yo. Ito na ba ang paalam? Ito na ba ang tunay na dahilan? Tayo ba ay hanggang dito na lang?

El MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon