"Ahm ano kasi k-kala ko kasi- ah ano! Tama! Aalis na ako!" pautal utal kong sabi. Pucha naman. Pag minalas. Tatakbo na sana ako nang biglang nagsalita yung lalaki.
"That's it? You will fucking leave after disturbing us?" baritono ang kanyang boses, nanlambot ang aking tuhod sa kanyang sinabi.
I felt nervous at the same time ay hindi na alam kung ano ang gagawin.
"Y-yes? Ako ba kinakausap mo?" Gusto kong iuntog yung ulo ko sa pader. Napaka obvious ng sagot Lia! Tatanga tanga ka nanaman.
The man smirked. "Stupid."
Tama nga ang hula ko sa isang ito. Magaspang ang ugali at akala mo kung sino.
"Istorbo ka!" sabi nung babae sa akin at inirapan pa ako. "Maya nalang ulit Ethan." sabi niya sa lalaki, hinaplos muna nito ang braso ng lalaki at humalik ng dahan dahan sa babae bago umalis.
Wag mo akong iwan dito!
Nanatili akong nakatayo habang pinapakalma ang aking sarili, hindi padin ako makapaniwala sa mga nakita ko, hindi naman bago sa akin ang mga ganyang bagay dahil nababasa ko ito paminsan-minsan sa librong mga binabasa ko pero nang makita ito ng live ang iba sa akin.
"Aalis na ko. Sorry sa istorbo. Di ko naman sinasadya. Wag ka na magalit." sabi ko sabay peace sign para lang kahit papaano ay hindi na niya ako titigan.
Parang may mali ata.
"Teka! Bakit ka pala nagagalit sakin aber? Wala akong kasalanan dito! Kasalanan ko bang dito kayo naggagawa ng milagro sa banyo? Hotel ba ang school? Tsaka ang babata niyo pa, di pa dapat ginagawa ang mga ganyang bagay! " dire-diresto kong sabi dahil sa inis. Namumula na ako panigurado.
Nakatingin lang siya sakin na parang walang pakialam sa sinasabi ko. Palibhasa ay mayaman kaya kahit anong gawin ay ayos lamang, kapag nakabuntis ay kayang panagutan o di naman kaya ay babayaran lang ang babae.
Makaalis na nga.
"What's your name?" tanong niya sakin nang makita niyang paalis na ako.
Di ko nalang siya pinansin at dire-diretsong lumabas. Tumigil ako sa gilid ng pader ng pintong papasok sa banyo at napahawak sa dibdib ko. Nakakatakot siya.