Pagkatapos naming kumain at pagkatapos ng pag-amin sakin ni Cali ay hindi ko na alam kung paano pa siya haharapin. Nahihiya ako.
Lumabas kami ng restaurant at ngayon ay naglilibot libot sa mall. Nasa gilid ko si Cali at hindi siya kinakausap.
"Bakit hindi mo na ako kinakausap Lia?" tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya ng nakayuko ang ulo.
"Nahihiya ako sayo." sinabi sa kanya ang totoo.
"Ako lang 'to Lia." pagbibiro niya sakin at maya maya ay sumeryoso. "You don't need to get shy at me, dapat nga ako ang nahihiya sayo." ngumiti siya sa akin.
Tumango lamang ako at naglakad kaming muli. Sinundan ko nalang kung saan siya pupunta. Dinala niya ako sa isang mamahalin na accessories store.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko sakanya. Hindi naman sa nagaasume ako pero mukhang alam ko na kung bakit.
Pinapasok kami sa loob.
"Welcome Ma'am and Sir." bati ng tauhan sa loob.
May tinignan siyang isang kwintas roon, napatingin naman ako doon. Simple lang ang disensyo pero pag kakita ko sa presyo ay nanlaki ang mata ko. Napakamahal naman nito para ma-afford ng isang estudyante.
"Can I see this one?" sabi ni Cali sa isang sales lady roon. Kinuha ito ng sales lady at may tinanong sakanya.
"For your girlfriend Sir?" ngiti nito sabay tingin sa akin. Nagulat ako at napailing.
"Hindi ko pa girlfriend, nanliligaw palang." ngiti ni Cali sa babae.
"Bagay ito kay Ma'am Sir at bagay na bagay din po kayo. Sana ay sagutin na kayo." hindi nalang ako nagsalita dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko roon.
Binili niya iyon at isinuot sa akin.
"Cali ang mahal nito." bulong ko sakanya dahil nakatingin ang mga sales lady at kinikilig kilig pa.
"Anything for you Lia." napahawak at napatingin ako sa kwintas na inilagay niya sa akin.
Nagpasalamat ako sakanya. Ilang beses kong sinabi na huwag nalang niyang ibigay ito sakin pero tinatanggihan niya lamang ako. Nasa labas na kami ngayon at papunta na sa kanyang sasakyan. Hindi namin namalayan ang oras. Male-late na kami sa Battle of the bands. Nagte-text narin sakin sila Alliyah.