Months have passed and I don't know if I'm now okay or not. Grade 12 na ako sa susunod na pasukan. Parang kahapon lang ang mga nangyari sa pagitan namin ni Ethan.. yung mga kilig, saya, pati narin ang sakit. That's a part of relationship after all, ang pinagkaiba lang ay bumitiw kami sa isa't isa.
Nagkikita parin kami ni Ethan sa school, pero parang hangin lang ang turing sa isa't isa. He became a total jerk again, iba't ibang babae ang kasama.. pero madalas niya nang kasama si Hera.
Nakauwi narin si mama sa bahay. Hindi pa ganoon kaayos pero pupwede na daw umuwi, kung hindi rin kasi siya uuwi ay lalaki ang bayarin namin sa ospital. Hindi narin nagpapadala si papa, hindi ko alam kung wala na ba talaga siyang pake o ano. Pero mas ayos na iyon, wala narin kaming pake ni mama sakanya kung ganon.
Mabuti nalang ay tinutulungan kami ni Tita Lucia.. kung wala siya ay baka wala na kaming makain. Nagtatrabaho siya sa isang kompaniya, hindi ko alam kung anong kompanya iyon, kapag wala siya ay ibinibilin niya sa kapit-bahay si mama. Mabuti nalang at napakabait ni Aling Teresa.
Napagdesisyunan kong magtrabaho sa restaurant ni Tita Beatrice.. kapatid ni papa. No choice ako dahil gusto kong makatulong sa mga gastusin sa bahay at sa maintenance ni mama. Nakakainis nga dahil andami nilang inuutos sa akin na hindi naman kasama sa trabaho ko. Waitress ako roon pero minsan ay pinaghuhugas ako ng sandamakmak na plato at pinagtatapon pa ng basura.
Kapamilya namin sila pero hindi ako close sa kanila.. lalo na ang anak niyang babae. Nagiisang anak at spoiled palibhasa ay lumaking mayaman. Nag-iisang anak rin naman ako at nagpapasalamat ako na hindi ako pinalaking spoiled ni mama.
"Ayusin mo ang trabaho mo!" ito ang lagi kong naririnig sa bibig niya kahit maayos naman ang trabaho ko. Ang mema niya.
Noong isang Linggo ko nakita si Ethan sa mall, kasama si Hera. Hanggang ngayon ay apektado parin ako dahil parang may punyal na tumusok sa puso ko ng makita ko silang dalawa.
Masaya na siya.. yun ang alam ko. Sa Maynila niya ipapagpatuloy ang pag-aaral niya at kasama niya roon si Hera. Sinabi sa akin ni Cali ito dahil parehas daw sila ng paaralan na papasukan. Pang-aasar nalang ang ginagawa sa akin ni Cali ngayon patungkol kay Ethan. Palibhasa ay may nililigawan na, akala naman ay hindi nabaliw sa akin dati.
Hindi ako pumunta sa graduation ng Grade 12, halos pumunta ang lahat ng Grade 11 at ako lang ang hindi.. wala naman kasi akong pupuntahan roon.
Nakibalita nalang ako sa facebook kung anong naganap. Nakita ko ang post ni Hera, silang dalawa ni Ethan. Nakangiti silang dalawa sa camera. May luha pang tumulo sa mata ko nang makita ang mga ngiti ni Ethan. Sa litrato ko nalang makikita ito.
Reaching our dreams together. I love you.