Seven

76 33 2
                                    

Today will be the second day of the activities. 10:00 will be the start, medyo na late kasi may mga inaayos pa sila. Maybe tungkol sa mga activities or whatsoever.



Maaga akong nagising kahit late na akong nakatulog. Hindi parin maalis sa isipin ko yung nangyari kagabi. Pero isinawalang bahala ko nalang 'yon.



I've known him for being a notorious playboy. Ang makita siya kagabi na ganoon ang itsura ay halata na kung ano ang kanyang ginawa. I'm literally not a judgemental kind of person, pero halata naman kung anong ginawa niya.



Pagkagising ko ay halos tulog pa silang lahat. Agad kong kinuha yung phone ko sa bag na nasa kanan ko.



Oh! It's 5:30 a.m. Di na ako nagtaka kung bakit tulog pa sila.



Agad kong kinuha ang damit at gamit ko para maligo dahil malamang ay madami nang tao sa C.R. mamaya.



Pagkatapos kong maligo ay bumalik na ako sa room. Gising na ang ilan sa kanila. Napalingon ako sa higaan ni Ethan at sa di malamang dahilan ay parang lumungkot ang aking sistema nang makita kong wala siya doon.



What the heck is wrong with me?



Para malibang ako ay naggala-gala muna ako sa paligid at saka ko lang naisip na puntahan muna sila Via tutal ay wala naman akong magawa dahil mamaya pa naman ulit magii-start ang program.



Habang naglalakad ay napagisip-isip kong bakit pa ba ako sumali dito. Hindi naman sa walang kwenta 'tong sinalihan ko, pero kasi parang nabobored lang ako dito.



"Oh, bakit ka nakabusangot dyan?" agarang tanong ni Alliyah sakin. Di naman kasi nakakatuwa dito. Ewan ko ba, mapilit kasi itong mga 'to. Kasalanan niyo 'to.



"Wala lang. Naboboring nako dito."



"Yie. Alam ko kung bakit ka nakabusangot dyan." nangingising sabi ni Alliyah. Huh?



"Pinagsasabi mo dyan" pairap kong sagot na ikinatawa niya lalo.



"Kasi umalis si Ethan noh?" tanong niya sakin habang nakataas ang isang kilay. Huh? Umalis si Ethan?



Bakit siya umalis? Malamang ay umuwi dahil nabored na sa walang kwentang activities dito. Pero leader namin siya kaya bakit naman siya aalis. Gusto ko sanang magtanong kung bakit siya umalis pero di ko nalang tinuloy dahil alam kong aasarin lang ako ng mga ito.

Falling GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon